Chapter 2: BOX

60 5 0
                                    



Josh's POV




Nag-aalala ako kay Lean, hindi parin niya kinalimutan si.... Kara.
Nakaupo lang ako sa seat ko. Habang ang iba nagkukulitan at nagbabangayan.
Talagang maraming nagbago mula nang nawala si Kara.



Flashback
(September 1, 2015)



"Yah! akin na nga yan! "



"Hahhahahaha!"



Napakaingay. Para na atang club ang classroom. Lahat ay nagbabangayan at nagkukilitan--



"TIIIIIIIIGGGGGIIIIIILLLL!!!"



".. si--Kara! " lahat sila'y napaupo na at inayos ang mga kalat. Ayan na siya.



"Loui sa labas! Angelica! Vaness! Cristel! Aaron! Ian! at Maxine!" lahat ng tinawag ay lumabas, ano pa ba? edi sit-on-the-air.
Lupit talaga niya.



"Denise, erase the blackboard, dahil nakipagdaldalan ka lang" Kara.



"What? nanaman?! " Denise, destiny na ata ni Denise ang blackboard. Hahaha.



Umupo na si Kara, at magkatabi kami. 



"Kara, ang lupit mo talaga" Ako.




"ganun ba? hahaha, ginagawa ko lang ang trabaho ko bilang class president" Kara. 



"pero paano kung... "



"ano? " Kara. Di ko man kailangang sabihin to pero gusto ko.



"Paano kung mawala ka? ano nalang kaya ang mangyayari dito? " natahimik naman siya saglit at napatawa agad.


"ano ka ba, di ako mawawala noh! dito lang ako, okay?" sabi niya sabay gulo ng buhok ko.


End of Flaskback



'ano ka ba, di ako mawawala noh! dito lang ako, okay? '


Mga salita na hindi nangyari't natupad. Mga salita hindi nagkatotoo. Nahawa na tuloy ako kay Lean, naaalala ko na din siya. tss.



"Josh!" sigaw ni Maxine mula sa pintuan at lumapit sakin.



"class president ka, dapat mo silang patahimikin" sabi ko. Tumawa naman siya.


Kara's Witnesses (Talk or Die?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon