Enchanted 5

25 2 0
                                    


Enchanted 5

Urzula's pov

Lalakad na sana ako papunta sa path na nasa kanan nang hablutin ni Alpredo ang mga kamay ko kaya napahinto ako.

"Wag ka ngang padalus-dalos. Paano kung hindi yan ang daanan?"

Sabi nya sa akin kaya nainis na naman ako.

"Anong hindi yan ang daanan? Nabasa mo naman ang riddle diba? Choose the RIGHT path."

Hinablot ko ang kamay ko pabalik at walang lingon lingon na tumakbo.

"Urzula! Ano ba!Bumalik ka dito.URZULA."

Sigaw nya pero di ako nakinig at tuluyang pumasok sa daanan.

Susundan naman ako nun eh. Makikita nya na tama ang pinili ko .

Pero nang tuluyan na akong na akong makarating sa dulo. Nagsisisi ako,sana nakinig na lang ako kay Alpredo. Na di dapat ako nagpadalus dalos.

Dahil nasa harap ako ngayon ng isang higanteng gagamba.

Na ngayo'y dahan dahan nang gumapang papunta sa direksyon ko.

Gusto kong sumigaw. Gusto kong tumakbo. Pero parang walang boses na lumalabas sa bibig ko at nakadikit lang ang mga paa ko sa tinatapakan ko.

Palapit na palapit na sya sa akin kaya napapikit na lang ako. Hanggang dito na lang ba ang katapusan ko?

Agad akong nagmulat nang maramdaman ko na may humila sa akin. Nakita ko si Alpredo na hila-hila ako habang nahihirapang tumakbo dahil na rin sa akin. Dahil nagpatangay lang ako at hindi tumatakbo katulad nya.

"HOY! URZULA. TUMAKBO KA NAMAN. PARA KANG TUOD DYAN EH.GUSTO MO BA TALAGANG MAKAIN NG GAGAMBA? KUNG OO, BIBITAWAN KITA."

Natauhan naman ako nang sumigaw si Alpredo. Kahit nangangatog ang tuhod at wala sa sarili ay nakikitakbo narin ako.

Lumingon ako at muntikan na akong madapa nang makitang malapit na kami abutan ng gagamba buti na lang nasalo ako ni Alpredo at nakapagpatuloy kami sa pagtakbo.

Malapit na kami sa bukana nang lumingon si Alpredo.

Napasigaw na lang ako nang bigla akong niyakap ni Alpredo at natumba kami pareho hanggang sa nagpagulong gulong na kami palabas ng bukana.

Binitiwan ako ni Alpredo at pareho kaming habol hininga habang nakahiga. Rinig na rinig namin ang pagwawala ng gagamba mula sa bukana kaya napatingin ako sa direksyon nito.

At dun ko lang naiintindihan ang ibig sabihin ng riddle at talagang mali ang pinasukan ko dahil ang itaas ng bukana may dalawang kahoy na nakaekis.

Tumingin naman ako sa daanan sa kaliwa. May dalawang kahoy na nakaporma ng check.

Napakatanga ko talaga at di ako nakinig kay Alpredo.

Napatingin naman ako kay Alpredo nang tumayo sya at walang sabi-sabing naglakad papunta sa tamang daanan kaya naman dali-dali akong tumayo at sumunod sa kanya.

Nakapasok na kami sa loob pero di parin ako pinapansin ni Alpredo.Nagalit ata dahil sa ginawa ko.

"Alpredo, sorry na."

Hinging paumanhin ko pero deadma parin.

"Hoy!"

This time,kinulbit ko na talaga sya.Pero walang effect kaya tumahimik na lang ako.

Hanggang sa makalabas kami,di pa rin nya ako pinapansin.Hmmp. Eh di wag.

Nasa harap lang kami ng isang garden.Umupo lang ako sa gilid at inaaliw ang sarili sa mga paru-paru na palipat lipat sa bawat bulaklak na nandoon.

TEV: The Hut For EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon