Enchanted 9

11 1 0
                                    

Enchanted 9

Urzula's pov.

Nagising ako dahil may kung anong mabigat na bagay na nakadagan sa akin.

"ALPREDOOOO, TUMAYO KA! ANG BIGAT MONG LINTEK KA.GINAWA MO PA AKONG KAMA."

Bulyaw ko kay Alpredo nang makitang siya ang nakadagan sa akin. And take note, shirtless ang gago.

Pero ang lintek,umungol lang at mas lalong nagpagulong-gulong sa ibabaw ko.

Ohwkay!

Di madadaan sa mabuting BULYAWAN, e di idaan sa brutal na SAKITAN.

"ARRRGH.Aray ko! Bakit ka naninipa dyan?Urzula,Ouch-tama na."

Pakiusap nya nang pinaulanan ko sya ng tadyak at sipa hanggang sa makaalis sya sa ibabaw ko. Nagpagulong-gulong sya palayo sa akin.

"ANONG TAMA NA? EH DINAGANAN MO AKONG LINTEK KA.ANG BIGAT BIGAT MO KAYA."

Sigaw ko sa kanya. Tumayo na ako at inilibot ang paningin sa paligid. Nasa labas na kami ng ikalawang pinto. So?Tama pala ang naging desisyon namin. Binasa ko ang nakasulat sa pinto.

DOOR TO SINK-BOAT-SINK

"Brutal mo talaga kahit kailan,Urzula."

Napatingin ako kay Alpredo na hanggang ngayo'y nakasalampak parin sa sahig at namimilipit sa sakit.

Di ko na lang sya inimik at nagroll eyes lang sa kanya. Padabog akong bumaba ng hagdan.

Nagutom ako eh. Kakain muna ako.Bahala na si Alpredo,susunod din naman yun eh.

Dumiretso ako sa kitchen para kumain. Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto na nagsisilbing stock room ng pagkain sa bahay nato,agad akong dumiretso sa may lalagyan ng mga plates and utensils. May nakita akong malaking gold rice cooker.Dito siguro kinuha ni Alpredo yung kanin, di ko nga lang sya napansin nung pumasok ako dito dahil na rin siguro nakalagay ito sa sulok.

Binuksan ko yun at sumandok ng kanin.Take note,mainit pa ha.Bagong luto lang? Well, i'm used to the wierd things happening around us. Ikaw ba naman makaexperience ng breathtaking adventures for the sake of the keys that may help you out of this enchanting place.Tingnan natin kung di ka pa masanay.

Pagkakuha na pagkakuha ko na ng sapat na kanin ay dumiretso naman ako sa unang gold fridge na nakita ko at binuksan yun.As usual bumungad sa akin lahat ng klase ng ulam. Specifically,meat,pork, and fish dishes.

I guess puro meat dishes ang nandito sa fridge na to. Mukhang nasa ibang fridge ang mga vegetable dishes na to. And hindi naman sa pag-iinarte pero I don't eat vegetables.Inborn na siguro sa akin ang hindi pagkain ng vegetables.

Kumuha ako ng favorite kong caldereta and two slices of mocha cake. And after that lumabas na ako at nagtungo sa dining table.

Susubo na sana ako nang may maalala. Ngayon ko lang narealize na hindi ko pala kasama ang asungot.So hindi pala sya sumunod? Eh di bahala sya. Basta ako kakain dahil nagrereklamo na ang mga alaga ko sa tiyan. Kanina pa ako gutom eh. Susunod din naman yun pag nagutom.

Nilantakan ko na talaga ng tuluyan ang pagkain na kinuha ko na madali din namang naubos. Niligpit ko na ang pinagkainan ko at inilagay sa lababo pero di tulad ng dati,iniwan ko lang dun.

Nalaman ko narin dati na kaya pala di sumunod si Alpredo sakin na pumasok sa stock room para isauli ang mga ginamit nya dahil automatic na babalik yun sa dating kinalalagyan.

Nang tuluyan na akong makalabas ng kusina ay umakyat ako ng hagdanan para makapagpahinga narin sa kwarto.

Pero di na ako nakapagpatuloy sa paglalakad papasok sana ng kwarto nang may nakaharang sa dadaanan ko.

TEV: The Hut For EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon