Enchanted 11

5 1 0
                                    


Enchanted 11

Urzula's pov

Yeah, I like you,Laryne.

Yeah, I like you,Laryne.

Yeah, I like you, Laryne.

Bwiset! Bakit ba paulit-ulit ko pang narinig sa utak ko ang mga sinabi ni Alpredo. Ganun ko na ba sya kagusto?Kamahal? Konting kilos o salita lang mula sa kanya.Maaapektuhan ako agad?Masasaktan?

Leche naman palang buhay pag-ibig to eh.Kung ganito lang naman na ganito ang sakit na maranasan ko eh di mas magandang kalimutan ko na lang ang nararamdaman ko.

Naiinis kong binunot ang maliit na damo na nahawakan ko.Patuloy parin sa pagtulo ang luha ko.

Napatingin ako sa paligid. Hanggang ngayon ay namamangha parin ako sa nararanasan ko dito sa enchanted village. Nasa garden kasi ako ngayon. O mas tamang sabihing nasa loob na ako ng ikatlong pinto. Yeah,nauna na ako kay Alpredo.


 Pero hindi ako pumasok para hanapin ang susi mag-isa. Sinuswerte naman sya masyado pag ginawa ko yun. Ako lang ang maghihirap samantalang sya ang saya-saya habang naglalandian sila ng malanding yun.

Di ko na dinala yung mga clues na nakadikit sa pintuan.Di ko rin binasa ang anumang pangalan ng lugar na to dahil di ko din naman maiintindihan ang mga codes na nandun.

Ibinalik ko ulit ang tingin sa damo na nabunot ko. Nanlaki ang mata ko nang maging maliit na babae yun.Fairies ata dahil may pakpak sya.Binitiwan ko sya mula sa pagkakahawak dahil sa gulat. At gaya ng inaasahan ko masaya nyang ipinagaspas ang mga pakpak nya.Pagkaraa'y dumapo sa ilong ko na para bang inaasar ako.

Napangiti naman ako.Akmang huhulihin ko sya nang lumipad sya palayo. Tumayo naman ako at hinabol sya. Naghabulan lang kami hanggang sa mapagod ako sa kakahabol kaya naman napaupo ako sa damuhan.Pero di tulad kanina,masaya ako ngayon. Pansamantalang naglaho ang sakit na nararamdaman ko.

Bumunot ako ng napakaraming damo. At katulad ng nangyari kanina,naging fairies sila.Mas lalo akong napangiti. Ang gaganda nila.

Sana may ganyan ako sa bahay.Para naman may makakausap ako o makalaro man lang pag badtrip ako. "Ganyan nga. Ngumiti ka. Mas maganda tingnan kaysa kaninang umiiyak ka."

Napalingon ako nang may magsalita sa likod ko.

O____O

Am I dreaming? Diba patay na sya? Bakit nandito sya ngayon sa harap ko?Pinagsasampal ko ang sarili ko para mapatunayan kung totoo ba talaga sya.

Pero sana di ko na lang ginawa yun dahil sinasaktan ko lang ang sarili ko.

Totoo sya. Totoo syang nandito sa harap ko habang nakangiti.That's smile! Minahal ko man si Alpredo pero kahit kailan di ko makakalimutan ang ngiting yun. Ang mga ngiting ngayon ko lang ulit nasilayan. Ang mga ngiti na naging dahilan kung bakit ko sya minahal.

"A-albert?"

Nag-aalangan na sambit ko sa pangalan nya.

"Kumusta na mahal ko?"

Nakangiting sambit nya. Di ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko kasabay nun ay ang pagtayo ko para salubungin ko sya. Niyakap ko sya ng mahigpit. Niyakap naman nya ako pabalik na naging dahilan para mas lalo akong humagulgol.

"Ssshh,tahan na.Mas gusto kong makita na nakangiti ka.Gusto kong makita na masaya ka sa buhay mo ngayon na wala na ako sa tabi mo."

Wika nya dahilan para paghahampasin ko sya.

TEV: The Hut For EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon