Enchanted 17

3 0 0
                                    


Enchanted 17

Urzula's pov

Natulala ako dahil sa bilis ng pangyayari. Di ko nga namalayang hawak ko na ang tatlong duwende eh.

S-si Albert.

Kasabay ng pagbagsak ni Albert ay ang pagkawala ng bilog na nagkukulong sa amin.

"A-albert, please wake up.W-Wag mo naman akong iwanan ulit. P-please gumising ka. D-diba nangako ka na hinding hindi mo ako iiwanan d-dahil mahal mo ako? Diba,diba?"

Umiiyak na sabi ko sabay yugyog sa walang buhay na katawan ni Albert gamit ang siko. Galit kong nilingon ang taong pumatay sa kanya na walang iba kundi si Alfred at sinugod.

"BAKIT MO GINAWA YUN? BAKIT MO SIYA SINAKSAK? BAKIT MO SYA PINATAY?"

Galit na sigaw ko sa kanya. Kung di ko lang hawak ang tatlo baka nakatanggap sya ng mag-aasawang sampal mula sa akin.

"Look Urzula, di ko intensyong sakt-"

Di ko na sya pinatapos sa kung ano man ang gusto nyang sabihin.

"Hindi mo intensyon? Ha! Anong gusto mong palabasin? Na aksidente lang ang lahat? Anong akala mo sa akin, uto-uto? Maniniwala kaagad sa lahat ng kasinungalingan mo.Kitang kita ng dalawang mata ko, Alfred.Kitang kita ko kaya please wag ka nang magsinungaling."

Galit na sumbat ko sa kanya. Napahagulgol ako habang nanginginig na napaupo sa damuhan. Bakit ba nya ginawa yun?

"Urzula, patawarin mo ako. Ginawa ko lang yun dahil-"

BOOOM!

Di na nya natuloy ang sasabihin nang may biglang sumabog. Pareho kaming napatingin sa pinanggalingan nito.

O____O

"ALLLBEEERRRRT!"

Umiiyak na sigaw ko nang makita ang pagputok at pagkapira-piraso ng katawan nya.

Pero imbes na dumanak ang dugo tanging liwanag lang ang nakita ko sa bawat piraso ng katawan nya.

"A-albert."

Umiiyak paring sambit ko sabay luhod at yuko.

Iiwanan nya na naman ba ako? Di ba sya ang pinili ko dahil alam kong hindi nya ako sasaktan at iiwan? Di parin sya nagbago, ang daya niya parin.

Napatingin ako sa mga piraso ng katawan pero nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Biglang nagsilipad sa ere ang lahat ng pirasong yun at naging hugis pintuan.

"Tao, mukhang dyan tayo dadaan papunta sa pinanggalingan nyo."

Wika ni Celtic kaya napaisip ako.

Ito na ba ang portal palabas ng mundong to? Mundo sa ikatlong pinto?

Wala na akong nagawa nang hilahin na ako ni Alpredo papasok doon.

******

"Yuhooo, ate Lala. Magtago kang maigi, nandito na si Celtic at Aisy.Hahaha"

Isiniksik ko pa ang sarili ko sa loob ng kabinet nang marinig ang matitinis nilang boses. Naglalaro kasi ako ng tagu-taguan kasama ang kambal.

Si Alpredo andun sa banyo naliligo. Si Lulu naman andun kay Laryne sa kusina. At tama nga ang hinala ko, si Laryne nga ang ina nila.

Kami naman ni Alpredo,not in good terms pa. Di ko pa sya kayang kausapin. Nahihiya ako eh. Nalaman ko kasi mula kay Laryne na kasama yun sa nakasulat sa note para makuha ang susi.

At ang susing yun ay ang kutsilyong nakatarak sa likod ni Albert. At hindi totoong si Albert yung nakaharap ko. It was Uzzle all along.

"Ang daya talaga ni ate Lala. Di natin makita kita."

TEV: The Hut For EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon