Enchanted 8

6 0 0
                                    

Enchanted 8

Urzula's pov

Nagdesisyon akong ang mata na kulay itim ang kunin dahil ito lang ang alam ko na pwedeng maging eye of death.

Akmang kukunin ko na ang mata kaya lang biglang inagaw ni Alpredo ang isda at kinuha ang kulay pulang mata ng isda.

Pagkatapos ay itinapon nya sa dagat kaya napatulala ako.

Bakit yun ang pinili nya?

Napatingin ako sa dagat,nawala lahat ng isda.Wala kaming makita ni buntot man lang.

Ibig sabihin,tama ang pinili nya? Paano nangyari yun?

"Paano-"

Pinutol na ni Alpredo ang sasabihin ko.

"Hindi ibig sabihin na pag sinabing eye of death,kulay itim na. Sa kaso ng riddle, kailangan nating tanggalin ang mata na makakapagbawi ng buhay ng isda. And since kulay pula ang buntot ng isdang yan,di malayong magiging pula din ang mata nya at dahil ang kulay pula ang totoong mata nya ay ikakamatay nya pag natanggal ito."

Mahabang paliwanag ni Alpredo pero naguguluhan parin ako.

So?Ang mata na kulay itim ay di nya totoong mata nya.

"Oo,tama ang iniisip mo. Hindi nya totoong mata ang kulay itim. Sinadya lang ilagay yun para linlanngin tayo."

Napatango tango na lang ako. So?That explains everything.

It's time to do the third riddle.Kinuha ko ito at binasa.

"hold bloody in the water in the right aquarium and be safe to unlock or sink with her and jump in the biggest mirror."

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bangka at hanapin ang aquarium na sinasabi sa riddle pero wala akong makita.

Nakita kong naglakad papunta sa isang sulok si Alpredo kaya sinundan ko.

Nasa harap namin ang dalawang baso ng tubig kaya napakunot ang noo ko. Aquarium ang hinahanap namin hindi baso okay?

Akmang ilulubog ni Alpredo ang isda sa loob ng baso sa kanan kaya pinigilan ko ang kamay nya.

"Kailan ba naging baso ang aquarium, ha?Alpredo? Hello? Nabasa mo naman ang riddle diba? A Q U A R I U M at hindi baso. Alien ka ba at hindi mo alam ang pinagkaiba ng aquarium sa baso?"

Paalala ko sa kanya.Sinamaan naman nya ako ng tingin.Bakit ? Tama naman ako diba? Magkaibang magkaiba ang baso sa aquarium.Diba? Diba?

"eh tanga ka pala eh. Alam mo namang enchanted ang lahat ng to at ibang iba sa mundo natin, kung makaasta ka parang alam mo na lahat. Di porket aquarium ang nakalagay dyan eh aquarium na talaga ang ibig sabihin nyan. Pwede ba,Urzula mag-isip ka naman minsan."

Naiinis na sigaw nya kaya natahimik ako. Sabi ko nga,mali ako.

Di na lang ako umimik. Dahan-dahan nyang ipinasok ang isda pero biglang nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

"ALPREDO,WAG DYAN!"

Sigaw ko pero huli na,tuluyan na nyang nailubog ang isda sa tubig. Sa tubig na nasa loob ng basong may disenyong kamay na naka "disapprove"sa dulo.

BOOOGSH

Napatili ako nang biglang may bumangga na malakas na pwersa sa bangka.

Hinila ako ni Alpredo pahiga nang biglang may piranhang papunta sa direksyon namin.Buti na lang di na nabitawan si bloody.

"Alpredo *BOOGSH* anong gaga *BOOGSH*win natin?"

Tanong ko kay Alpredo habang pinipigilan ang sarili sa pagtili dahil kagaya kanina,binabangga na naman ng mga bwiset na isda ang bangka kung saan kami naroroon. Ang pinagkaiba nga lang, mas malakas ngayon.

TEV: The Hut For EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon