Enchanted 20

32 2 0
                                    


Enchanted 20

Alfred's pov

Nakadilat lang ako nang sumabog ang bituin na nasa gitna namin ni Urzula.Kitang kita ko kung paano kami tumilapon sa magkaibang direksyon.

Gusto kong magwala nang makitang nakapikit si Urzula habang tinatangay ng pagsabog palayo sa akin pero wala akong lakas.

Wala akong ibang magawa kundi ang pumikit at antayin kung saan man ako mapadpad.

Kulay asul na kalangitan ang bumungad sa akin nang idilat ko ang aking mga mata.

Nasaan ako?

Dahan dahan akong tumayo.Inilibot ko ang aking paningin para tingnan ang kinaroroonan ko. Nasa itaas pala ako ng isang building na mukhang nasa gitna ng gubat dahil sa nagtataasang punong kahoy at masusukal na damo sa paligid.

Saan kaya napadpad si Urzula? Okay lang kaya sya? Nagkakasugat ba sya?

Naputol ang aking pag-iisip nang makarinig ako ng lagaslas ng kung anuman sa ibaba dahilan para yumanig ang tinatapakan ko.


 Pumunta ako sa kinaroroonan ng butas sa gitna at sumilip at nanlaki ang aking mga mata sa nakita.Unti-unting nasusunog ang gusali.Anong gagawin ko?Biglang pumasok sa isip ko ang nakasulat sa note.

'Before both explodes, dive into it.'

Bigla akong nanlamig. Ito na ba yun? Kailangan ko ba talagang tumalon papasok sa nasusunog na gusali?

'Kaya mo yan Alfred. Isipin mo na lang na malapit ng matapos ang lahat ng to. Makikita at makakasama mo na si Urzula.

Huminga ako ng malalim at pumwesto. Pumikit at tumalon. Ramdam na ramdam ko ang init na dumadampi sa buong katawan ko kaya napasigaw ako sa sakit at hapdi. Para akong sinusunog.

"Urzula."

Yan lang ang nasambit ko bago magdilim ang aking paningin.

*****

Busina at ugong ng mga sasakyan at boses ng maraming tao ang nagpagising sa aking diwa. Dahan dahan kong iminulat ang aking talukap para makita ko kung nasaan ako. Agad akong napatayo.

Naglalakihang mga gusali, mga taong naglalakad, mga pampasahero at pribadong sasakyan at mga batang naglalaro sa lansangan.

Napakunot ang noo ko dahil medyo naguguluhan ako sa nangyayari. Bakit ako nandito? Nakalabas na ba ako o parte lang to ng pagsubok?

Inilibot ko ang aking paningin. Anong gagawin ko dito?

Napailing iling na lang ako at nagsimulang maglakad at napadaan sa grupo ng mga high schoolers na parang kinikilig.

"Bagay sila no? Para silang artista."

"Oo nga eh, ang ganda nung babae at pogi naman yung boyfriend nya. Perfect match.Hihi."

"Ang sweet nila grabe.Huhu nakakainggit."

Sinundan ko ang tingin nila. Obvious naman na magshota ang pinag-uusapan nila. Nakatalikod yung dalawa habang nagpapapicture. Natuon ang pansin ko sa babae. Pamilyar kasi sya.

Naglakad ako papunta sa direksyon nila para makita ko sya ng malapitan.

Ewan ko ba sa sarili ko. Hindi naman ako chismoso pero may kung anong tumulak sa akin na kilalanin ang babae. Siguro dahil pamilyar sya.

Pero bakit parang naiinis ako habang nakatingin sa mga kamay ng lalaki na nahawak sa bewang nya.

Aish, makasibat na nga. Baliw na siguro ako. Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad.

TEV: The Hut For EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon