Enchanted 15

2 1 0
                                    

Enchanted 15

Alfred's pov

Di ako makakilos. Parang kung may anong pwersa ang pumipigil sa akin para makatayo at mahablot si Urzula.

Mahal nya ako. Hindi naman ako nagkamali ng dinig diba? Sinabi ni Urzula na mahal nya ako?

Hindi nya alam kung gaano nya ako pinasaya nang aminin nya sa akin yun.Ang tanga-tanga ko lang talaga. Di ko man lang napansin yun. Pero huli na ba talaga ako? Masyado ko na ba talaga syang nasaktan?

Susuko lang ba ako ng ganun-ganun lang? Hahayaan ko lang ba syang sumama sa lintek na Ex nya? Makakaya ko bang mawala ang isang Urzula Ganesha Landor sa buhay ko?

Syempre hindi. Ex lang sya ni Urzula at kahit sabihin pa nyang isa akong kaaway. Mas lamang parin ako. Minahal lang sya ni Urzula noon, ako naman ang mahal ni Urzula ngayon.

May laban parin naman ako kahit papaano diba?

'Laryne, please! Hayaan mo akong sundan sya.Maawa ka sa akin.'

Bulong ko sa kanya. Alam kong malabo. Pero umaasa parin ako na maririnig nya yun. Alam kong si Laryne lang ang makagagawa nun. Ang pagpapatigas ng katawan gaya ng ginawa nya sa akin sa labas.

Napatingin ako sa kinaroroonan ni Urzula.

O___O

Sabihin nyo sa akin na hindi totoo ang nakita ko. Hindi totoong iiwan ako ni Urzula at sasama sa lalaking di naman totoo.

Tuloy-tuloy lang sa pag-agos ng aking luha habang nakatingin sa kanya na pumasok sa liwanag.

"Paalam Alpredo."

Rinig kong sambit nya saka pumikit. Hindi! Hindi ko kayang mawala si Urzula. Nakita ko na lang ang sarili ko na tumatakbo at pumasok sa unti unting nawawala na liwanag kung saan sila naroroon. Pagkapasok na pagkapasok ko ay niyakap ko si Urzula na nakapikit parin hanggang ngayon. Napakunot ang noo ko nang may maramdamang kakaiba na dahil para mabitawan ko si Urzula. Hindi ako makahinga. Parang hinihigop ang lahat ng hangin at lakas ko sa katawan.

Di ko na kinaya kaya napabagsak ako sa kinatatayuan ko hanggang sa unti-unti na akong lamunin ng dilim. Bago pa ako mawalan ng malay ay narinig ko ang nakakakilabot na tawa ni Albert.

"Akin na sya.Hahahahaha. Hinding-hindi mo sya makukuha. Hangga't hindi nya nasasambit ang pangalan mo,hindi kayo makakalabas.Hahahaha"

-black out-

Siwang ng liwanag at pagaspas ng mga dahon at sanga.

Yan ang nagpagising sa aking ulirat.Kinurap-kurap ko pa ang aking mga mata para malinaw kong makita kung saan man ako naroroon.

Una kong nakita ang napakaamong mukha ng babae sa siwang ng mga dahong may tinik sa harap ko.

"URZULA."

Sigaw ko nang malinaw na siya yun. Hindi ako nagkakamali.

Pero laking gulat ko nang wala ni isang boses ang lumabas sa bibig ko. Paulit-ulit kong sinubukang ibukas ang bibig ko at piliting magsalita pero wala akong ibang narinig kundi alingawngaw lamang.

Anong nangyari? Bakit di ako makapagsalita? Napatingin ako kay Urzula na ngayo'y tumalikod na at nagsimulang maglakad palayo.

Nagpupumiglas ako pero may mga malalaking ugat ng kahoy na nakakalingkis sa aking katawan maliban sa mga kamay..

Pakiramdam ko wala akong kwenta. Ni di ko man lang mailigtas si Urzula. Wala man lang akong nagawa kundi magpupumiglas, umiyak, at tingnan lamang si Urzula na naglalakad papalayo.

TEV: The Hut For EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon