Chapter 1

613 29 8
                                    







                  

Kakatapos ko lang gawin ang takdang-aralin ko sa English. Bale nasa limang whole sheets ng paper ang nagamit ko rito ah. Hmm. Bakit kase ang dami ang pinagawa ni sir? Pero okay na rin siguro ito. Kumbaga kapag nabobore ako, kill time o paglilibang. Apat na araw pa naman na walang klase. Inayos ko na ang mga kagamitan ko bago nagtungo sa kwarto nina mama. Sa ilalim kase ako ng kama nila natutulog. Sa harap syempre nito alangan naman sa ilalim talaga na literal. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung anong oras na. napasampal na lang ako sa noo ko nang makitang 12:01 AM na.


Malalim na pala ang gabi, di ko man lang napansin. Itinapon ko ang cellphone ko sa unan at saka nagtungo sa banyo upang magbanlaw ng mukha at magtoothbrush na rin. Habang nagto-tooth brush sa madilim na banyo ay hindi ko maiwasang mapatingin sa taas kung saan nakikita ko ang puno ng manga. Kung pagmamasdan ay parang may pigura doon. Parang anino na pinagmamasdan ako. Nakakatakot sa totoo lang pero kiber, keri na to. Pero meron talaga kung titigan mo lang na mabuti. Ays! Tinatakot ko ba sarili ko? Grabe ka naman, Ian! Pigura talaga?


Pero seryoso, kung mapagmamasdan lang naman eh. Hmp, hayaan na lang. baka hindi pa ako makatulog. Hehe


Humiga na ako sa kama ko pero agad din iyon bumangon ng may bukol akong naramdaman sa aking likuran. Hinawakan ko ito sa higaan ko at parang hugis bilog ito. Itinaas ko ang mat nakatakip sa floor at kinuha iyong bagay na iyon. Isang marble. Umiling na lang ako dahil hindi na naman nakaalalang magligpit ang batang kapatid ko. Huminga ako ng malalim bago ito inilagay sa lalagyan ng mga laruan sa ilalim ng kama at muling humiga. Napatingin na lamang ako sa kisame.


Ilang beses ko nang hinanap ang komportableng posisyon pero hindi ko mahanap. Sa kanan, sa kaliwa, padapa, paharap... lahat. Pero hindi pa rin ako makatulog. Pati pagbibilang hanggang 100 ay ginawa ko na rin pero hindi pa rin ako madalaw ng antok. Kinuha ko na lamang ang cellphone ko at nagbukas ng facebook.


Not in the mood of reading Wattpad.

Few seconds ago.


Nagbuntong-hinga ako at nagsearch at nagstalk hanggang sa mag-ingay ang notification ko. Nagulantang pa nga ako dahil hindi ko pala ito naisilent kaya taranta akong bumagon at agad sinilent. Buti na lang mahimbing ang tulog ng mga magulang ko kundi kukunin na naman nila itong bagay na ito. Bumuntong-hininga muna ako bago tiningnan kung sino ang taong naglagay sa sarili ko sa muntik ng kapahamakan.


Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang Makita ang isang pangalan na noong nakaraang araw ay kinawayan ako at tinanong kung bakit naroroon pa ako sa waiting shed?


Si Erik James.


At nagmessage pa!


Kunot-noo kong binuksan ang notification ko at tiningnan ang kanyang ginawa. Nag-comment siya sa post ko kanina. Pinindot ko ito at binasa.


Erik James: It's already late. Why are you still awake?


Aba, English speaking ba siya? Eh sa pagkakaalam ko naman, pure siya? Siguro, nature ng mga mayayaman ang mag-ingle, noh? Ewan. Hahaha.


Pinindot ko ang comment box at nagtype dun.


Kristian Jade: Eh siya hindi ako makatulog eh. Bakit ikaw?


Habang hinihintay ko siyang magcomment ay pinindot ko ang message icon. Bumungad ulit sa akin ang kanyang pangalan. Bago ko ito basahin ay humiga ako ng patagilid para ang ilaw na nagmumula sa cellphone ko ay hindi mailawan sina mama. Mahirap na. isang araw pa naman niya ibibigay ang cellphone ko kung sakaling kunin niya.


Waiting ShedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon