Chapter 2

442 24 9
                                    










Nagkatitigan kami. Mata sa mata, ilong sa ilong. Hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko. Hindi ako makahinga at biglang nagging pasmado ang aking mga kamay. Ano ang ibig sabihin nito? Sign ba ito na magkakaroon ako ng sakit? O symptoms ang mga ito na nagsasabing maghanda ako dahil malapit na akong mamatay. Jusmiyo. Sana naman hindi. May mga pangarap pa akong gustong matupad.


Ngunit nakalimutan ko ng huminga nang unti-unti ay lumalapit ang mukha ni Erik sa akin.


"Hoy, Ian! Hoy!"


"Ahh! Ano ba, Afrille?! Ba't ka ba nanggugulat?"


Bigla akong nagising sa napakalalim kong "Day dream." Lumingon ako sa taong nagtulak sa akin na nagging dahilang nang pagbagsak ko sa sahig. Binigyan ko ng masamang tingin si Afrille bago tumayo. Buti na lang lumabas na yung mga kaklase ko. It's been 4 days since that incident. Pero ewan ko ba pero kung makapagpaalala sa akin parang isang scene sa isang movie na hindi ko dapat makalimutan. Tumayo ako sa pagkabagsak ko sa makinis na floor naming ditto sa classroom. Tumingin pa ako sa mga nakabukas na bintanan kung may mga tao bang nakakita sa nangyari sa akin at maraming salamat dahil wala naman. Huminga ako ng malalim bago humarap kay Afrille.


"Bakit ka pala nandito? Ano kailangan mo?" tanong ko sa kanya bago umupo ulit ngunit sa aking upuan na. Sa first row at kaharap ko ang table ng teacher. Lumapit sa akin si Afrille at piningot ako sa tenga.


"Aray, aray! Oy, masakit. Bitaw," angal ko sa sakit sa ginawa niya sa akin. Sinipat-sipat ko pa ang kanyang matabang braso. Binitawan niya naman ako at nang tingnan niya ang tenga ko ay tumawa siya. Kumunot na lamang ang noo at umiling. Namumula na siguro. Ugh! Itong babaeng talaga to.

Nairita na ako sa pagtawa niya kaya di ko na napigilan. "Ano ba? Tatawanan mo na lang ba talaga ako? Ano ba kase ginagawa mo rito?" Hinawakan ko ang tengang piningot nita. "Masakit ah."

Tumigil na siya sa kakatawa. Umiling at nagulat ako nang bigla niyang hilahin ang aking kamay. Napasunod tuloy ako nang wala sa oras. Tuloy-tuloy at muntik na nga akong tumama sa gilid ng doorframe ng classroom naming.

"Hoy, teka lang! Afrille!" sigaw ko sa kanya dahil wala siyang tigil sa pagtakbo.

"Hoy, saan tayo pupunta? Huwag ka ngang tumakbo!" Hininhingal na rin ako dahil sa nangyayari.

Nung tatakbo na rin sana ako dahil di ko na mapigilan ang paghila niya sa akin ay siya rin niyang pagtigil naman. Kaya ang nagging bunga ay yun, tumama ang ilong at bibig ko sa ulo niya. Mas matangkad kase ako nang kaunti sa kanya.

"Aray!" ungol naming dalawa.

"Ano ba yan, Ian?! Hindi ka naman nag-iingat eh," sisi niya sa akin.

"Ingkhaw khayha mhay khasalhanan, argh! Angm shakit," ngongo kong sagot dahil pisil-pisil ko ang aking ilong. Ang sakit, pucha.

Nang feeling ko ay maayos na ay tinanong ko siya. "Ba't ka ba nanghihila kanina? Ano bang problema?"

Tiningnan niya ako sa paraang "Shunga-ka-ba-o-shunga-ka-talaga" na tingin. Kinunotan ko lang siya ng aking noo. Maya-maya pa'y mukha nagets yang wala akong kaalam-alam sa sinasabi niya. Nag-roll eyes pa siya at huminga siya ng malalim. Yung may tunog pa talaga. Ang oa lang tuloy.

Natigilan ako. Baka naman kase importane? Late kase akong pumasok kanina at di ko naabutan iyong announcement ni Principal. Ganun naman kase lagi ang routine. Pagkatapos ng flag ceremony ay may sasabihin si Principal. Mapa-tungkol sa kalinisana man ng school o may announcement talaga.

Waiting ShedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon