Chapter 3

319 20 14
                                    




Kanina pa ako tulala sa kawalan. Pinagmasdan ko ang mga bituin na kumiking sa madilim na kalangitan. IT's already past 10 pero heto ako't gising pa rin. Hindi matanggal sa isip ko yung sinabi sa akin ni Erik. Anong ibig niyang sabihin dun? Anong gusto niyang ipakahulugan sa binangit niya kaninang hapon?

Ginulo ko ang buhok gamit ang dalawang kamay ko. Gulong-gulo ang isip ko! Ano ba kaseng ibig sabihin niya roon? Pumikit ako ng mariin at pilit pinapakalma ang aking pag-iisip. May quiz pa ako bukas at di pa ako nakareview kahit isang pangungusap lang. Nakakainis naman kase eh!

Tumayo ako sa inuupuan kong bangko rito sa labas ng bahay. Naglakad ako papasok sa bahay ngunit bago ko pa iyon maisara ay may narinig akong nagpsst.

Luminga-linga ako sa paligid. Hinahanap kong saan ba nagmumula ang tunog na iyon. Sa kanan ay wala naman akong nakitang tao kundi yung jeep lang nakaparada. Sa kaliwa ay wala rin. Umiling na lang ako at isinara ang gate bago tuluyang pumasok sa bahay. Mapapagalitan na naman ako ni mama kase magpupuyat ako ngayon. Napabuntong-hininga ako.


Pagpasok ko sa aming kwarto sa eskwelahan ay napakunot noo ako. Yung mga kaklase ko ay wala dahil naglilinis yung iba samantalang may lumabas para tumambay sa waiting shed.  Pero kaninong bag ang nasa kinauupuan ko?

Lumapit ako sa upuan at tiningnan ang bag. Di pamilyar sa akin ang bag na ito. Tiningnan ko ang bawat bag na nakalagay sa mga upuan. Kompleto lahat. Pero kanino ang isang 'to? Tatanggalin ko na sana nang may marinig ako sa pintuan. Humarap ako roon.

"Malamig dun sa America, Dianne?"

"Pumuti ka Dianne! Ang ganda mo!"

"Dianne, yung pasalubong ko!"

Napaawang ang bibig ko nang marinig kung sino yung babaeng may brown na buhok. D-dianne? As in yung Dianne na Dianne? Heto na ba yung sinasabi nung Michael kahapon? A-ang ganda niya ngayon. I mean, maganda siya noon, pero mas gumanda sa ngayon.

Natigilan sila sa pag-iingay nang makita nila ako na hawak-hawak ang bag ni Dianne. Biglang napasinghap si Dianne at dali-daling nagtungon sa akin at hinablot ang kanyang bag.

"Why are you touching my bag?" mataray niyang tanong sa akin at saka pinagpagan ang bag niyang jansport na galaxy. Napaatras ako dahil sa ginawa niya. Ang taray niya naman.

"U-uh, s-sorry. D-diyan kase a-ako naka-upo kaya k-ko tinanggal." nauutal kong sambit sa kanya.

Tumigil siya sa kanyang ginagawa. Pinagtaasan niya ako ng kilay.

"Anong sabi mo? Bakit, pagmamay-ari mo ba ang upuang iyan?"

I blinked my eyes. Ano raw?

"H-hindi. A-ang ibig kong sabihin--"

"Stop talking! Don't talk to me," atsaka lumabas na lang siya bigla. Ano problema nun?

Yung mga kasama kanina ni Dianne ay tiningnan ako ng masama bago umalis. Ano na naman ang ginawa ko? May mali ba sa sinabi ko? Wala naman di ba? Ano problema ng mga iyon?


Pagkatapos ng flag ceremony ay pumasok na kami sa aming class room. Huli akong pumasok dahil ganun naman palagi. Pagkaupo namin ay ang pagpasok naman ng guro namin. Mukhang napaaga yata ngayon si Ma'am. May kumuha na rin ng upuan KO. Sa likod tuloy ako nakaupo. Ayyy!

"Okay, class. Bring out one whole sheet of paper," utos niya sa amin. Ginawa ko iyon kasabay din iyon ng iba pero natigilan kaming lahat ng tumayo si Dianne.

"Aren't you going to introduce me to your class, miss?" mataray niyang tanong sa guro. Napasinghap ako sa ginawa niya. Anong problema nitong babaeng to? Wala siyan--

Waiting ShedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon