Chapter 18

194 10 7
                                    



Everything happens so fast. It was a nightmare. Nakakatakot. Nakakabaluktot. Napahawak ako sa aking tiyan at napaigtad nang sinubukan kong gumalaw. My back hurts. My head is spinning. Hindi pa nakatulong na sumisinag ang init ng araw galing sa isang bukas na bintana.

"Erik..." I cried in pain. Lumandas sa aking mapula at maruming pisngi ang mga luhang kagabi pa patuloy na bumabagsak. Umingay ang marupok na sahig na kahoy sa pagsubok ko na pagtagilid sa maruming kinahihigaan ko. God, everything is hurt. From my head to my body, to my heart. Everything! Humagulgol ako. "Erik..."

Yinakap ko ang aking katawan. Ramdam ko ang sakit ng mga pasang natamo ko. Ang malinis kong damit kagabi ay naging basahan. Marumi at punit-punit. Ang kagat sa aking balat ay kumikirot na tila parang wala ng hangganan ang mga ito. Nandidilim ang mga mata ko. Nahihilo ang ulo ko. Napaungol ako sa sobrang hinagpis at mas niyakap ang sarili nang dumaloy ang malamig na hangin sa aking katawan.

"Erik..." iyak ko, tila naririnig ako ng taong iyon. Napakapit ako ng mahigpit sa aking dibdib. "Bakit... Bakit mo hinayaang mangyari sa akin to?" Napahagulgol ako ng marinig ang mga boses sa aking isipan. "Bakit mo hinayaang mangyari ito? Sinungaling ka!"

Napaiyak ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Napatigil ako nang biglang bumilis ang aking paghinga. Humugot ako ng hangin sa aking bibig. Napaubo nang may pumasok na mga alikabok sa lumang kubong kinalalagyan ko ngayon.

Napahagulgol ulit ako. Sinubukang itayo ang upper body ko para hanapin ang bag ko. Kitang-kita ko ang pasa sa aking hubad na hita na natatakpan lang nang damit kong sira. I find myself hiccuping. Pilit kong kinalma ang sarili ko para hindi umatake ang asthma ko.

Umatake lang yan kagabi, Ian. Makakaya mo yan!

Napapikit ako ng mariin at umiyak ulit.

Lumangitngit ang sahig nang sinubukan kong paupuin ang sarili ko.  I loudly groaned in pain when my back touched the dirt floor. Iniabot ko ang bag ko na nasa paanan ko. Tiniis ko ang sakit. Lahat ng sakit. Kahit nanghihina ang katawan ko ay naabot ko ang aking bag.

Nanginginig ang kamay kong kinuha ang inhaler ko sa loob. Agad akong umihip dito habang nakapikit. I hugged my body when I feel the cold. Patuloy pa rin ang pagluluksa ko sa nangyari sa akin.

Natulala ako pagkatapos. Hindi ko alam ang gagawin ko. Tuloy-tuloy ang paghagos ng luha na parang uubusin ko na ang tubig sa aking katawan. I clenched my fist so hard. Hindi ko matanggap! Hindi ko matanggap ang kabalastugan na ito! They raped me! They raped me all!

I know them even it was dark last night! Their voices were so clear. Sina Michael... ang TwelveKnights. Napakapit ako sa aking dibdib nang mas lalong dumiin ang sakit na nararamdaman ko. Umihip agad ako sa inhaler ko. They raped me! They raped... m-me.

Erik, akala ko ba pupunta ka? Akala ko ba kikitain mo ko? Anong nangyari? Nasaan ka? Bakit mo hinayaang mangyari ito? Did you fool me? Tangina, napakawalanghiya mo. Napakawalanghiya ninyong lahat! Mga hayop kayo. Mga putangina kayo!! Napasandal ako sa malapit na dingding nang bigla akong mahilo.

My phone rung. I went to fish it out of my bag. Si Afrille. Napahagulgol ako ng mas malakas, mas matindi ang sakit na aking nararamdaman. Afrille, tulong. Tulungan mo ako.

"Hello? Ian? Hello?"

Mas lalo akong napaiyak. Dalawang kamay kong hinawakan ang cellphone at inilapit sa aking tenga. "Afrille, Afrille, tulungan mo ako..." I hiccuped. Napapikit ako ng mariin. "Please, please... tulungan mo ako..."

"Ian? Ian, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"

"Please, Afrille. Please, tulungan mo ako. Puntahan mo ako."

"Where are you?" rinig ko ang taranta sa kabilang linya. Kumaluskos. Mamaya pa'y rinig ko ang kanyang pagsigaw. "Mama, lalabas muna ako. Babalik din ako kaagad."

"Saan ka pupunta, nak? Kain ka muna."

"Nagmamadali, ma. Si Ian... Si Ian, umiiyak!"

"A-ano?"

"A-afrille," iyak ko nang bigla akong makarinig ng kaluskos malapit sa amin. Bumaha ang kaba sa aking dibdib. Malikot ang mga mata kong napatingin-tingin sa paligid ko.

"A-afrille, bilisan mo. N-nandito ulit sila. N-nandito ulit sila," nagdedeliryo kong sigaw sa takot. Napatili na lang ako nang may biglang lumundag sa aking harapan. Napaiyak ako. Tangina! Tanginang buhay 'to. "AFRILLE!"

Putangina kang pusa ka. Tangina ka!

Umiyak ako ng umiyak.

"Nasaan ka ba? Kinakabahan na ako sayo, ha! Teka, si Michael nandito."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Huwag. Sila, sila yan! Ang tawanan nila sa kabilang linya ay nagpatindig sa aking balahibo. Pagsasamantalahan ulit nila ako! Ang Twelveknights! Hindi.

"Huwag! Huwag mo silang tawagin. Please, puntahan mo na ako. Lumang bahay, kubo. Di ko alam pero makaluma. Maraming halaman," kumalabog ang isang bintana. Napatili ako at niyakap ang sarili ko. "Gagahasain ulit nila ako! Gagahasain ulit nila ako!" sigaw ko.

"Nasaan ka ba? W-wait, a-ano? Teka lang! Pupunta na ako diyan! Pupunta na ako diyan."

"Gagahasain ulit nila ako, Afrille. Gagahasain ulit nila ako," sigaw ko, tila ito na ang nalalaman kong salita sa nangyari sa akin. My voice hitched. Garalgal na ang boses ko sa pagsigaw. "They're gonna rape me!"

Nabitawan ko na lang ang cellphone ko nang may yumakap sa akin. Sumigaw ako sa takot. Umiyak ng malakas. Nandito na sila! Nandito na sila!

"Afrille!"

"Shh, shh... Ako 'to, ako 'to..." Yinakap ako ng matinis na boses nang mas mahigpit. Hinanap ko ang kanyang mukha. Napaiyak na lang ako sa sobrang panghihina ko nang makita si Afrille. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Afrille, ginahasa nila ako. Silang lahat... Sina Michael, ang TwelveKnights." Napapikit ako ng mariin nang makaramdaman ng pagkahilo. Nandidilim ang mga tingin ko.

"Shh, shh... Tahan na. Tahan na..." Ramdam ko na ang pagkabasa ng balikat ko kung saan nakasandal ang mukha niya. Umiyak lang ako ng umiyak na parang wala ng katapusan. Ubos na ang aking lakas. Wala na akong mukhang maihaharap. Wala na, sira na ako. Wala na akong kakayahan. Biktima. Biktima ako ng pananamantala. Humagulgol ako at yinakap ko si Afrille nang mahigpit.

"Ian..." hikbi niya habang hinihimas ang likod kong nakapresente.

"Afrille, silang lahat... Tangina nila. Tangina nila..." nanghihina ko na lang banggit habang nandidilim ang paningin ko sa paligid. Isinandal ko ang gilid ng ulo ko sa kanyang balikat. Ang mukha ko ay nakaharap sa kanyang maputing leeg.

"Afrille, ang TwelveKnights... Hinding-hindi ko sila mapapatawad... Hinding-hindi ko silang mapapatawad. Lalong-lalo na ang Erik na yan... Mga hayop sila. Mga hayop. Afrille, napakawalanghiya nilang lahat..."

"Oo, oo. Tahan na, Ian. Tahan na..."

Humihikbi lang akong paulit-paulit na binanggit sa kanya ang pinagdaanan ko kagabi. Nakayakap siya sa akin ng mahigpit. Nahihilo ako. Namalayan ko na lang na nawalan ako ng malay. Bago pa iyon ay narinig ko ang mura ni Afrille.


"Fuck, Erik. Sagutin mo ang tawag ko!"


---

Dedicated to my favorite writer of EXO stories. Otps' from her are great. Nakakaloka! Nakakinspire kase siya. And she is one of the authors na nagpush sa akin na isulat ito. Inspirasyon ko lahat ng story niya! Hehe <3 Kung gusto niyo basahin iyong kanya ay bisitahin lang ang kanyang abode. Kikiligin kayo talaga at... ah, basta! Yung emosyon ninyo, nakokontrol talaga! Hehehe. Love you po, author-nim! <3

Waiting ShedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon