Chapter 7

269 13 26
                                    




Everything seems like a dream. Ilang bese ko nang ipinikit-mulat ang mga mata ko pero naririto pa rin ako sa plaza, katabi ni Erik habang hinahawakan niya ang kamay ko. Hindi ko alam kung ano pero pakiramdam ko panaginip lang talaga ang lahat. Malamig ang hangin at mas lalo kong naramdaman ang lamig sa katawan lalong-lalo na sa tiyan dahil nabasa ang suot ko kanina dahil sa lalaking katabi ko. Ininda ko yon. Ayaw kong mapansin pa niya iyon pero I just can't contain it kase ang lamig talaga. Kahit nakasuot ako nitong jacket na to ay nanunuot sa sistema ko. Napakagat-labi ako nang humangin. Bigla na lang nanginig ang katawan ko dahil sa lamig nito.

Napansin ni Erik ito kaya napatigil kami sa paglalakad. Malapit na kami sa ibang labasan ng plaza. Napatingin ako sa kanya nang hinawakan niya ang kamay at iniharap sa kanya. Nagtama ang mga mata namin at kitang-kita ko mula sa nakakasilaw na liwanag sa itaas ang pag-aalala niya para sakin. Ramdam ko rin na tumagos ito sa akin at ramdam ko ang init mula rito kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya. Hinawakan niya ako sa pisngi at itinaas. Napatingala ako sa ginawa niya at napalunok ako nang magtama ulit ang mga mata namin.

Maraming mga matang nakatingin sa amin. Mga matatanda, mga kaedad lang namin, at mga batang gumagala sa paligid namin. Tumatagos ang kanilang mga tingin na tila hinuhusgahan na ang ginagawa namin, ang nangyayari ngayon. Parang kinakalkula na nila sa kanilang isip kung gaano napakalaswa na makita ang dalawang lalaki na sobrang lapit sa isa't isa at nasa public pa. Bumuo na rin ang isip ko ng mga bagay-bagay katulad na lamang ng, 'nakakadira sila. Sa public pa talaga ginawa.' 'Hindi man lang sila nahiya. Sa public pa talaga.' Mga lalaki nga naman ngayon, kung sobrang gwapo, bakla naman.'

Mga ganun...

Kaya di ko maiwasan na maitulak si Erik papalayo sa akin at nagsimulang maglakad papalayo sa kanya. Ang mga tingin niya. Tagos na tagos sa aking likod na tila kapag nakakabutas lang ang mga tingin na parang laser ay kanina pa ako naglalakad na butas ang katawan. Nang makalabas na ako sa plaza at katabi ko ang isang burger stand na may tatak na Frank, napatingin ako sa likod ko. Humarap ako. At doon ko kitang-kita ang nakatayong pigura ni Erik habang unti-unting pinapalibutan siya ng mga babaeng ang iikli ng mga suot. Yung iba, nakipag-picture pa. Yung iba, hinihila pa siya. Pero kitang-kita ko na hindi siya tumitingin sa mga ito kundi sa akin lang. Pakiramdam ko, ako na lang yung tao sa paningin niya. Kaya pakiramdam ko nag-init ang magkabilang pisngi ko. Mag-iiwas na sana ako ng tingin nang biglang may humalik sa pisngi niya na naging dahilan para maputol ang tinginan namin. Maski ako ay nagulat.

Tumingin ako sa babaeng humalik sa kanya at nang makita ko yung estranghero niyang mukha na may iba't ibang laki ng pimples, tumaas bigla ang kanan kong kilay. Kitang-kita ko kung paano siya ngumisi at nagtatalon na umalis. Pinagtitinginan pa nga siya ng mga tao dahil rinig na rinig ang tili niya sa kabuuan ng plaza. Pakiramdam ko may mainit na gustong umusbong sa loob ko. Parang gusto kong sugurin yung babaeng iyon. Gusto ko siyang tirisin dahil sa ginawa niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Who am I to act that way right now? Hindi nga kami magkaibigan, magka-ibigan pa kaya? Napailing na lang ako at tumalikod sa kanya.

Aalis na ako rito. Feeling ko nasira ang mood ko na maggala. Napabuntong-hininga ako. Why am I feeling this way?

Maglalakad na sana ako nang marinig kong may sumigaw.

"Ian, wait lang!"

Napapikit ako ng mariin at huminga pa ng mas malalim. Relax, Ian. Relax. Tumigil ako sa gagawin kong paghakbang. Hindi ako lumingon.

"Ian..." Naramdaman ko na lang na hinawakan ako ni Erik sa braso. Nanindig ang mga balahibo ko sa kanyang ginawa. Hinila niya ako ng dahan-dahan papaharap sa kanya. Hindi ako tumingala bagkus nakayuko ako at nakatingin sa sahig.

"Look at me," sabi niya sa matigas na ingles. Napakagat-labi ako.

"Kristian Jade, look at me in the eyes..."

Waiting ShedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon