Chapter 6

294 20 15
                                    




Tulala ako rito sa classroom namin habang hinihintay ang mga kaklase ko na pumasok. Maingay sa labas at mainit-init pa pero ramdam na ang lamig ng palapit na December. Malapit na rin pala ang piyesta sa lugar namin kaya ramdam ko na ang pagbabago sa bawat poste at bahay na madadaanan. Ang lamig ng buong klasrum. Air-conditioned kase ito at every 1-3 PM, open ito para mahanginan kami ng preskong malamig na hangin. Pumikit ako at huminga ng malalim. Hetong araw na ito ay parang isang ordinaryong araw lang katulad nung mga nakaraang araw sa mga buwan.

Inaantok ako. Feeling ko nga matutulog na ako ngayon kung hindi lamang sa ingay na malakas na pagsara ng pintuan ng classroom. Iwinaling ko ang kurtina paalis sa aking harapan at doon ko nakita si Dianne na nakabusangot ang mukha. Biglang nanginig ang sistema ko. Nag-iwas ako ng tingin bago pa magtama ang mga mata namin. Sana lang walang mangyaring gulo. Ayoko pa naman maulit muli yung nangyari kahapon.

Ramdam ko ang titig ni Dianne sa akin. Malamig na mainit. May galit. Ramdam kong tumagos pa iyon sa akin. Lumunok ako at tumingin ulit sa bintana. Napakagat-labi ako nang marinig ko padabog na pagbagsak ng bag sa kung saan. God, ayoko po ng away ngayon.

"Hoy bakla! Halika nga rito..." Sht...

Hindi ako lumingon o kumibo. Puro mura na lang ang nasabi ko sa utak ko. Huwag ngayon. Baka mapatulan ko na talaga 'to.

"HOY, KINAKAUSAP KITA! BINGI KA BA?"

Pumikit ako at mas huminga ng malalim. Kalma, Ian. Kalma. Huwag mong patulan. Babae yan. Babae yan.

"HOY BAKLANG SALOT, MANG-AAGAW! BINGI KA BA? NARIRINIG KA BA?"

"Bobo ka ba? Manhid lang? Di alam makiramdam na ayaw kitang kausapin? Nahiya naman ako sa ugali mong dugyotin," bulong ko sa sarili ko. KALMA NGA, IAN!

"ANONG SABI MO?"

"H-huh?" Iwinaling ko ang kurtina at tumingin sa kanya. Buti na lang pala suot ko tong headset ko. "May sinasabi ka?"

"W-what?!" Nanlalaking tumingin siya sa akin. Then, sa hawak kong headset. At sa mukha ko ulit. Biglang namula ang mga mukha niya pero may ngisi sa kanyang sobrang pulang labi.

"Kinakausap mo ba ako? Sorry, ha? Naka-headset kase ako." Ian, c-a-l-m d-o-w-n. Meron ka ba ngayon?

Bad trip ako ngayon at iritang-irita. Kaya huwag niya akong gawing laruan ngayon kundi sasapakin ko na yan kahit babae pa siya.

Laruan? Oo. Sa ilang linggong nandito si Dianne. Marami na siyang naging "laruan" dito sa classroom... Hindi, sa school. Magmula sa mga freshmen hanggang sa mga seniors. Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa siya naki-kick-out eh. Ano kayang nakain ng mga guro at hindi nila makita yung mga bad sides nitong babaeng to?

"Really? Oh, I'm sorry. I didn't know." Biglang bumait boses niya. Ngumiti ako ng peke.

"Okay lang. Anyway, may sinabi ka kanina. Ano iyon?"

"Oh, nevermind about that... ang sabi ko lang naman baklang salot ka."

Narinig ko yon.

"Anong sinabi mo, Dianne?" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Pero pinagtaasan niya ako ng kilay. Abot hanggang kisame. Nag-iwas na lang ako nang tingin. With matching irap na hindi niya napansin.

Tumikhim na lang si Dianne at umupo sa kanyang upuan. Inilabas niya yung cellphone niyang Iphone. Yung bagong brand? Hindi ko alam pero parang ganun. Sorry, hindi kase ako aware sa mga nangyayari sa telebisyon eh. I mean, sa mga balita, komersiyal... etc.

Tinanggal ko ang aking headset nang dumating nang sabay-sabay ang aming mga kaklase. Kasabay pala nila ang aming guro kaya pumunta na ako sa desired seat ko. Sa likuran dahil nga inukopa na ni Dianne yung upuan ko dati. Hay! Hayaan na nga lang.

Waiting ShedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon