Chapter 11

257 11 8
                                    




Huminga ako ng malalim. Kahit nakatambad na sa tabi ko ang katawan ni Erik ay di ko kayang harapin siya. Ipinagpatuloy ko ang pagkain kahit na ilang beses na tumutulo ang aking mga luha. Yung akala kong walang taste, ngayon sobrang alat na. Ano ang dahilan? Dahil sa patuloy na pagbagsak ng aking luha. Aba, nagawa ko pang gumawa ng rhyme kahit ang sakit-sakit na ano? Linunok ko ang mga nasa bibig ko. Pagtapos ng tatlong subo ay tumayo na ako at hinarap si Erik na nasa gilid ko.

Nagtama ang mga mata namin at di ko maiwasang manginig. Sumikip ang aking dibdib at naging mabigat ang aking paghinga. Nag-iwas ako ng tingin at maglalakad sana sa tabi niya nang hinawakan niya ako sa braso. Natigil ako at napapikit ng mariin. Huminga ako ng malalim at pilit pinipigilan ang mga luhang tutulo galing sa aking mga mata. Iniisip ko, bakit ganito pa? Bakit ngayon pa na pilit kong idinidikdik sa ulo ko na may namumuo na? Pilit kong tinatanong ang sarili ko pero kahit ilang beses na ang gawin ko ay di ko maiwasang maramdaman ang sakit.

"Ian..." bulong ni Erik. Nanindig ang balahibo ko sa ginawa niya. Itinagilid ko ang aking ulo upang makaiwas sa mga mata niyang punom-puno ng mga emosyon. Ano ba, Erik? Kahit space lang, bigyan mo ako. Gusto kong huminga para makakuha ako ng lakas para harapin ka. Yung puso ko, pagpahingain mo muna bago ulit gamitin. Para kahit isang break lang ay mapulot ko ito at mapagtagpi ulit. Huwag mo naman tuluyang wasakin.

"Bitawan mo ako, Erik," mariing sabi ko at tinanggal ang braso ko sa pagkakahawak niya. Pero hindi niya iyon binitiwan. Bagkus ay mas lalo niyang hinigpitan. Tumingala ako sa kanya. Nakita ko sa kanyang mukha ang takot. Takot para saan? Hindi ko alam. Kailangan kong makaalis sa pagkakahawak niya. Kailangan kong lumayo sa kanya. Dahil kapag hindi, baka tuluyan na ngang mabasag ang puso kong pilit kong binabalik sa dati nitong itsura at lakas.

"Ian, magpapaliwanag ako," bumaba ang pagkakahawak niya sa braso ko papunta sa kamay. "Pakinggan mo muna ako."

Umiling ako sa kanya at hinawakan ang braso niya. Tiningnan ko kung paano niya ako hinawakan. Mas lalong sumikip ang dibdib ko at bumigat ang aking paghinga. Hinawakan ko ng mariin ang braso niya at tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko. I need to go. I'm sorry. I can't let you explain. I just need to mend my broken heart.

"Ian, please..."

Tumalikod ako sa kanya at nagsimulang maglakad. Di ko pinansin ang mga tinginan ng mga tao. Nakayuko lang ako at nakatitig sa sahig. Diretso lang ang tingin ko. Pero sa kamalas-malasang oras ay di ko napansin ang salamin na pader. Tumama ang ulo ko roon kaya napaatras ako. Nakarinig ako ng mga pagsinghap sa paligid. Tumingin ako sa paligid at nang makita kong lahat nakatingin sa akin ay namula ang aking pisngi. Dali-dali kong binuksan ang pintuan na salamin at tumakbo pababa sa hagdanan. Gusto ko na lang umuwi. Gusto ko na lang mawala sa oras na ito.

"Ian, teka lang! Hintayin mo ko!" matinis na boses ang nagtawag sa akin pangalan na hindi ko pinansin. Tumakbo ako papalayo. Di ko inalintana ang mga mata ng tao. Di ko rin inalinta na ang pamamanhid ng mga hita. Gusto ko ng lumayo. Gusto ko na talagang umuwi.

Di ko namamalayan na narating ko na pala ang terminal ng jeep pauwi. Agad akong sumakay pagkaabot ko ng bayad sa barker. Eksaktong pag-upo ko ay ang pag-andar ng sasakyan para umalis. Huminga ako ng malalim at napatutop sa aking bibig upang pigilan ko ang aking paghikbi. Walang ilaw ang loob ng jeep na ipinagpapasalamat ko. Pero kapansin-pansin ang paniningin pa rin ng ibang tao. Huminga pa ako ng mas malalim para kalmahin ang sarili ko.

Nang magsimula ng tumakbo ang jeep ay saktong may tumigil na tricycle sa gilid. Kitang-kita ko ang mabilis na pagbaba ni Erik at Afrille. Hinanap nila ako sa paligid. Tumakbo si Erik papasok sa loob ng terminal upang maghanap sa nag-iisang jeep na nandoon.  Tumigil sandali ang jeep dahil sa mga sasakyang lumalagpas. Pinagmasdan ko ang kabuuan nilang dalawa. Di ko na naman maiwasang mapaluha nang pumasok sa isipan ko ang nangyari kanina.

Waiting ShedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon