Chapter 9

249 13 16
                                    




Last Saturday was a dream to me. Iyong pagbagsak ng iniinom kong milo sa aking katawan. Yung naging kasama ko si Erik. Tapos yung... Yung...

I gulped and I can feel my face getting hot.

Hindi ko alam pero sa tuwing naalala ko iyon, nagiging mainit ang pakiramdam ko. Yung tipong libo-libong boltahe ang umaatake sa aking katawan na tipong parang kukuryentehin ako sa sobrang kilig. Oo, kinikilig ako sa tuwing naalala ko iyon. Kahit gusto kong tanggalin sa aking sistema ang lambot ng halik na iyon. Ang imahe na nakapikit na Erik habang magkalapit ang mga mukha namin. At ang pakiramdam ng mapulang labi na iyon.  Hindi ko iyon matanggal na ganun-ganun lang. It needs distraction. It needs disturbance.

Pero di ako makahanap ng ganun.

Alam ko sa sarili ko na hindi panaginip iyon. Pero palagi ko pa rin iyon pinapalitan na panaginip ang lahat. Lahat ng nangyari, lahat ng pakiramdam, sinasabi ko sa sarili ko na panaginip lang ang lahat. Atsaka isa pa, lalaki si Erik. Balitang-balita nga kung may girlfriend siya, sino, o wala noon eh. Kahit noong fresh man pa lang ako, balitang-balita na. Walang dumaan sa limang pamamalagi niya sa school namin na hindi nalilink ang iba't ibang babae sa kanya. Kilalang-kilala. Kase, yung mga babaeng iyon daw kase, masyadong PDA. Ayun sa narinig ko...

Pero, gaya ng sabi ko babae lahat ang nalilink sa kanya.

And that makes me a  different person.

Hindi ko alam kung anong klaseng different. Kung maganda ba o magiging dahilan iyon sa pagbagsako ko sa lupa. Hindi ko masabi sa sarili ko kung alin ba sa dalawa. Kung hahayaan ko ba ang sarili ko kahit alam kong mali. Oo pipigilan para sa ikakabuti ng lahat. Hindi ako makapag-decide. Hindi ako makapili. Kaya heto, litong-lito ako.

I tiptoed. Tumingin ako sa dagat ng tao ng maaaring space para makapunta ako sa isang tricycle na pwede kong pagtravel'an. Pero maraming mga tao. Paano, kakatapos lang ng isang parade. Ang mutya ng kababaihan sa amin. Nakiparada ako, one of the muses. Hehehe. Hindi yung muse na siyang naipaparada ha. Yung muse na gumagawa ng musika. Alam niyo na yun. Isa akong lyrist.

Pagod na pagod ako. Pero hindi ko iyon maramdaman. Gusto ko pa nga eh. Parang gusto ko pang igalaw ang katawan ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero gusto ko pang maggalaw ng maggalaw. Luminga ako sa dagat ng tao at nakita ko ang isang babaeng chubby na naka-black. Pinanliitan ko iyon ng tingin dahil mukhang pamilyar. Nakayuko ito at parang tinitingnan kung may papadyak ba sa paa niya. Pero nang tumingala, hindi ko maiwasang matutop ng bibig.

It was Afrille.

Pero may kakaiba na sa kanya ngayon. Hindi ko masabi kung pumayat ba siya o ano. Pero yung buhok niya. Nagbago. Sobrang nagbago. Mas lumiit ito, parang naplantsahan. At... pinagupit niya ang kanyang buhok. Hindi ko alam kung anong specific name ng pagkakagupit noon pero parang hindi pantay. Mas na-trim iyong isa samantalang parang mas mahaba iyong isa. Sabi ko na, I'm not good in describing. Basta ganun ang style ng hair niya.

Luminga-linga si Afrille, mukhang may hinahanap. Nang mapatingin siya sa akin ay nagliwanag ang kanyang mukha. Mabilis siyang pumunta sa kinalalagyan ko. Pagtapak niya sa unang hagdanan ay inilahad ko ang kamay ko sa kanya para tulungang makaakyat. Nang mangyari iyon ay humarap siya sa akin at isang malakas na hampas ang ginawa niyang pambati.

I contorted in pain. Hinawakan ko ang braso kong nahampas. "Aray, ha! Para saan yon?"

She scoffed. "That's for not replying on my chat to you in fb." Umirap siya at nag-cross ng arms.

I frown. Then pouted, "Sorry. Wala akong phone eh. Di na gumagana iyon."

Nanlaki ang mga mata niya. "Ano?! Wala kang... p-phone?" Kumunot ang noo ko sa reaksyon niya.

Waiting ShedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon