A/N: Please leave a comment and vote nyo rin kung magustuhan niyo :)
Lark Veliche's POV
"Magnanakaaaaaaaw..." Nako naman ohhhh..
Sila nanaman? di na ba sila nagsasawa?hay! kung sa bagay...Nakakatuwa mga itsura nila kapag hinahabol nila ako at mga reaksyon nilang pagod na pagod... Hahahahhaha., tsaka di ko naman ninakaw 'to eh.
.
.
.
Ano lang , nanghingi lang naman ahahahahahah 😂Takbo lang ako ng takbo, may tatlong lalaki ang humahabol sa akin. Pero kahit ano namang habol nila di naman nila ako kayang maabutan. Minsan may mga pagkakataon nahuhuli nila ako, pero agad ko naman sila natatakasan.
"Laaaaaark ibalik mo mga ninakaw mo..." Napalingon ako sa mga humahabol sa akin at binigyan lang sila ng ngisi na lalo nagpagigil sa kanila. Nakita ko kung paano nagbago ang mukha mula sa pagod na mukha hanggang sa galit na galit..
waaaaaaahhh mali ata galitin sila.
"Grrrrrr, Humanda ka sa amin Laaaaark makikita mo" Galit na sigaw ng isa.
Grabe naman sila napaka damot. "Asa naman kayo, huwag nga kayo magdamot parang ilang pirasong tinapay pinagdadamot 'nyo kaya di kayo pinagpapala ng ni Oúril- woaaah!!"
Tsk, muntikan na 'yun ah!
Buti at agad nakailag. May isa kasing humarang sa dadaanan ko para abangan ako. Ang kukulit ng mga 'to, dating tatlo ngayon apat na silang humahabol sa akin.
Para makatakas agad, tumalon ako paakyat sa mga bakod ng bahay paakyat sa bubongan . Sinubukan din nila umakyat at ngayon kasabayan ko na sila tumatakbo.
Hooooooy! Masira ang bahay namin bumaba ka dyan.
Pasensya naaaaaa! Sigaw ko sa may ari ng bahay.
Tsk, Pursigido sila mahuli ako ah? Kung kaya lang nila. Kailangan ko na silang takasan.
Nag palinga-linga ako sa paligid para makahanap ako ng bagay na makakatulong sa akin at kung sinuswerte ka nga naman may tumpok ng kahoy akong nakita at kaagad ko iyon itinumba.
Blaaag.
Nakarinig ako ng pagdaing sa sakit. Nilingon ko sila. Nakita ko naman silang nadaganan sa harang ginawa ko. nakakatawa ang mga itsura nila.
"Hahahahaha... Hanggang sa muli. salamat nga pala sa tinapay." sigaw ko sa kanila at iwinawagayway ang supot ng mga tinapay sa kanila. Binigyan ko din sila ng swabeng saludo at tumakobo papalayo.
"May araw ka rin Laaaark..."
Malakas akong tumawa at tuluyan na sila iniwan.
Tumalon na ako pababa at naglusot lusot sa mga eskinita para masiguro di na nila ako maabutan at tuluyan na sila maligaw.
Kilala akong matinik at sa bayan kaya binansagan nila ako Dakilang mang-uumit. May ilan naman nagsasabi na tulad ako ng isang palos na wala kasing dulas kapag tinatakasan sila.
Sa totoo lang mukha ba akong malansa? Naliligo ako ah!
Mula bata palang ay ito na ang kinabubuhay namin simula nang iwan kami ng Master namin ni Garen, teka! oo nga pala asan nanaman naglusot ang isang 'yun. Ang usapan magkikita kami sa sentro para mangolekta ng pagkain pero mukhang iniwanan nanaman ako sa ere at may iba nanamang pinag ka abalahan.
Malilintikan 'yun sa akin pag nagkita kami.
Nagtungo na ako papasok sa gubat ng GOESA kung saan matatagpuan ang lumang kubong tinitirhan namin. Nakalokasyon ito sa bandang gitna ng gubat malapit sa lawa ng Woarg.
Kinakatakutan ang gubat na ito dahil maraming mababangis na halimaw ang gubat nito. At wala sinu mang naglalakas loob pumasok lalong lalo na sa pinaka looban ng gubat na ito.
BINABASA MO ANG
Lost Phantasia: The World of Azuregard [REVISING]
FantasySynopsis: A happy go lucky boy named Lark Veliche just wanted to be a great warrior ot The World of Azuregard, everything changed when Jacob Koddar dicovered his potential and helps him to make his dream come true. copyright © 2016 started sep...