Lark Veliche's POV
"Ngayon ano ba ang totoong nangyari. Bakit nasa ganoong kalagayan si Garen?" malumanay tanong ni Ivon.
Magulo na ang utak ko. Di ko alam kung paano ako magpapaliwanag sa kanya. Nilingon ko si Ivon at bakas sa kanya ang pag-aalala at agam-agam. Alam ko naman di magtatagal malalaman niya rin ang totoong pagkatao namin at gusto ko ng baguhin yun.
Simula kasing nakasama namin si Ivon sa gubat. tinigil ko na ang panguumit ayoko kasi malaman niya na nabubuhay kami sa ganoong paraan kaya tinuon ko nalang ang sarili ko sa pangangaso at sa panghuhuli ng isda para may kainin kami sa araw araw at ang mga sobra binebenta ko sa mga ilang kainan at pamilihan.
"Ivon, ano— ano kasi" aaarggghh... napahilamos nalang ako ng mukha at napatingala. Di ko alam kung pano ko sisimulan.
bigla ko nalang naalala noong panahon nag usap kami ni Garen habang nangangaso sa Gubat.
Flashback...
"O Lark hanggang ngayon wala ka pang huli? Tignan mo tong nahuli ko banda roon ahahahah ang laking usa. Mukhang humihina kana ata sa pangangaso ah?" pangaasar ni Garen sa akin.
Napagisip isip ko kasi. paano kung malaman ni Ivon na kilalang magnanakaw kami sa bayan? Paniguradong kamumuhian niya kami.
Tulalang nakatingin ako sa malayo at iniisip ang mga bagay-bagay. Maraming katanungan umiikot sa isipan ko. Paano nga kung malaman nga niya?
aaaarghh naguguluhan ako.
"Huy, nababaliw kanaba d'yan kanina pa ako salita ng salita dito pero mukhang di ka naman nakikinig." Sabi ni Garen sa akin. Nakita kong may sukbit-sukbit na usa sa balikat niya. Nilapag naman niya ito sa gilid at umupo sa tabi ko.
"Ano nga bang sinabi?" tanong ko kay Garen. Tinaasan lang niya ako ng kilay at napakamot nalang ng ulo.
"Sabi ko na nga ba di ka nakikinig eh, ang sabi ko sa Makalawa may trabaho tayo kaya kailangan mo na maghanda." Sagot sa akin ni Garen na biglang ko naman kinabahala.
"Garen." Pag-agaw ko ng atensyon sa kanya at tinitigan siya ng diretso sa mata.
Nakapagdesisyon na ako. "...Garen titigil na ako sa pagnanakaw."
Tinitigan lang ako ni Garen at isang mahabang katahimikan ang pumang-ibabaw. Di ko mabasa ang tumatakbo sa isipan niya. Blangko lamang ang mukha na nakatingin sa akin kaya hirap akong basahin siya.
Di nagtagal bigla siya tumawa ng malakas at pinagpapalo ang likod ko.
"Hahaha grabe Lark natawa ako sa biro mo ah. hahahahah bumenta sa akin yun ahahahah." halos maluha luha siya sa kakakatawa niya at napahawak pa sa tiyan.
tsk mukhang mali atang ang desisyon ko na sabihin sa kanya ah.
Hinayaan ko lang siya tumawa ng tumawa hanggang sa mahalata niya na seryoso ako sa mga sinabi ko kaya naman napatigil siya ng tawa at gulat na tumingin sa akin.
"Nagbibiro ka lang hindi ba?" tanong sa akin ni Garen na di makapaniwala
"Seryoso ako, Garen" tipid kong sagot at umiwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
Lost Phantasia: The World of Azuregard [REVISING]
FantasíaSynopsis: A happy go lucky boy named Lark Veliche just wanted to be a great warrior ot The World of Azuregard, everything changed when Jacob Koddar dicovered his potential and helps him to make his dream come true. copyright © 2016 started sep...