Previously on Lost Phantasia
"Sino ka? Magpakilala ka at ano ang dahilan mo para saktan ako?"
Di agad siya nakasagot dahil iniinda pa niya ang tama niya sa binti. Dahil sa inis ko itinutok ko muli sa kanya ang sandata ko at nagsisimula muli itong mag-ipon ng enerhiya. "Ano, di ka sasagot? Mabuti pang paslangin nalang kita at nang matapos na!" sabi ko sa taong kaharap ko
Kakalabitin ko na sana ang gatilyo subalit napatigil ako at nanlaki ang mga mata sa nakita. Isang babaeng may kulay tsokolateng mga mata, matangos na ilong, mapupulang labi at higit sa lahat, ku-kulay berdeng buhok.
'Be-berde ang buhok niya... parang Emerald!'
"Ku-kulay berde ang ang buhok mo," di ko namalayan na nasabi ko 'yon at kinataka naman niya.
Parang huminto ang paligid at ang lakas ng tibok ng puso ko. Natulala na lamang ako sa kanya at ang tanging salitang lumabas sa bibig ko sa mga oras na iyon ay "—Diwata"
*****
Lark Veliche's POV"—Diwata" mahinang bigkas ko sa babaeng may berdegd buhok.
"Hah? Ano bang pinagsasabi—aaaaargghh..." daing ng babae.
Agad akong nagpanic ng marinig ko ang pagdaing niya sa sakit, kaya agad ko siya nilapitan at di ko malaman kung ano ang dapat kong unahin. Bubuhatin ko ba siya o hihingi ng tulong? Sino naman ang tutulong? Sira ka talaga Lark, nasa gitna kayo ng gubat. Ano ba gagawin ko?? Aaaargggh naguguluhan ako. Kaya agad ko siyang binuhat para madala sa bahay namin.
"Diwata, uh,.. Diwata,.. tsk, paano ba'to ?? Uugh diwata ayos ka lang ba? Ay ang tanga mo talaga Lark mukha ba siyang maayos? Natural hindi." Gulong gulo na tanong ko kay diwata habang buhat ko siya. Hindi ko alam talaga ang gagawin. Nagmadali nalang akong naglakad para makarating agad kami sa bahay.
Nakarinig ako ng mahinang pigil na pagtawa kaya napatingin ako. Napahinto ako sa paglalakad ko at takang tumitig sa kanya. Di ko alam pero parang ang sarap sa tenga ng tawa niya at ang ganda niya talaga. Ang inosente pa ng mukha niya, isa nga talaga siyang Diwata.
'Hah? Ano ba Lark nababaliw kana. Bilisan mo na maglakad at makarating na kayo sa bahay'.
Kaya takbo, lakad na ang ginagawa ko.
Nabalik nalang ako sa ulirat ng marinig kong muli ang pagdaing niya dahil sa kumikirot niyang binti.
Tinignan ko sugatan niyang binti at nakita ko malala ang pinsala nagawa ko sa kaniya. Nagmamadali na akong naglakad pauwi.
Nang nakarating kami sa bahay ay kaagad ko siya ibinaba sa upuang kahoy at maingat na hinawakan ang binti niya.
Pupunitin ko na sana ang tela kung saan ang sugat niya nang bigla niyang pigilan ang kamay ko.
"Anong ba-balak mong gawin" sabi ng diwata sa akin. Di ko na siya pinansin at pupunitin na sana ang tela kaso nagmatigas siya.
"Te-teka! Ano ba? Napipi ka na ba? Anong balak mong gawi—"
"Gagamutin ko lang sugat mo, h'wag ka mag-alala." pagsisigurong sabi ko sa kanya. Kaya naman pinunit ko na ang telang bumabalot sa kanyang binti at sumiwalat sa akin ang parteng nadihado. Nakita ko ang pamumula ng kanyang pisngi habang nakayuko. Tipid na napangiti ako sa naging reaksyon niya kaya di ko napigilan na mapatawa ng mahina.
BINABASA MO ANG
Lost Phantasia: The World of Azuregard [REVISING]
FantasySynopsis: A happy go lucky boy named Lark Veliche just wanted to be a great warrior ot The World of Azuregard, everything changed when Jacob Koddar dicovered his potential and helps him to make his dream come true. copyright © 2016 started sep...