Chapter 13: New Students

502 53 3
                                    

Previously on Lost Phantasia

"Maligayang Pagdating Lark at Garen. Simula sa araw na ito, kayo ngayon ay magiging ganap na estudyante ng Laraym Academy."

****

"Nandito na tayo." Masayang sabi ni Philip. "Ito ang magiging kwarto niyo. Kung may kailangan kayo, huwag kayong mahiyang lumapit sa akin hah?"

Tumalikod na si Philip at naglakad na palayo sa amin. Papasok na sana kami ng marinig ko magsalita uli si Philip at naglakad pabalik. "Muntikan ko na nga pala makalimutan. Pagnakapag ayos na kayo ng gamit niyo sa kwarto. Pumunta kayo sa opisina ni Head Master at may mahalagang bagay siya ibibigay sa inyo. Sige kailangan ko na talagang umalis. Marami pa akong gagawin. Nako naman." Natatarantang tumakbo na si Philip palayo.

Huli na ng pipigilan ko si Philip dahil nakalayo na ito .

Paano na 'to? Napakamot nalang ako ng ulo dahil di naman niya sinabi kung saan papunta ng Opisina ni Head Master. Bahala na mamaya.

Nilingon ko kung saan nakatayo si Garen, ang kaso wala na siya sa kinatatayuan niya. Pagpasok ko ng Kwarto, Nakita ko ang kabuoan ng kwarto namin. Napapaligiran ito ng mamahaling gamit mga Pinta sa ding-ding na gawa ng mga sikat na pintor. Ang Chandelier sa kisame. Halatang gawa sa mamahaling kristal. May nakita akong mahabang sofa mukhang mamahalin din. Malaki at malawak ang sala sa bandang dulo may nakikita rin akong maliit na kusino kung saan pwede kami magluto. Lahat ng gamit mamahalin, at nakakamangha. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Halong galak at pangamba. Pakiramdam ko tuloy ay di ako nararapat sa lugar na ganito.

Agad naman hinanap ng paningin ko si Garen at wala siya. May nakita akong dalawang pinto at ang isa roon ay bahagyang nakabukas marahil yun ang silid tulugan namin. Sumilip ako sa silid kung saan nakabukas ang pinto at ayun natutulog na sa kama si Garen. Kung sa bagay maaga kaming nag-ayos kaninang umaga kaya naman pati rin ako ay nakaramdam na ng antok pero bago ang lahat kailangan ko muna ayusin ang gamit ko at bahala na si Garen mag ayos ng kanya at ako nalang pupunta sa opisina ni Head Master. Mukhang maghahanap pa ako kaya kailangan ko na magmadali.

Pumasok na ako sa aking silid at sinimulan na mag-ayos. Gaya ng kay Garen maluwag din ang silid na ito at kapareho lang din ang pagkaka ayos ng kwarto ko sa kwarto ni Garen.

*****
"Haaaaaay sa wakas ay natapos din." nahihikab kong sabi.

lumabas na ako ng kwarto at pinuntahan sa kwarto ni Garen. Nakita kong tulog parin si Garen at humihilik pa. Kaya naman napag desisyunan ko na ako nalang ang pupunta at mag papaliwanag na lang ako na di ko nasama si Garen.

Lumabas ako ng kwarto at isang mahabang pasilyo ang bumungad sa akin. Saan kaya ako magsisimula. Napaka lawak kasi ng Laraym.

Naglakad lakad ako at sa paligid ay nakikita ko ang mga naka-display na mga Baluti sa gilid ng pasilyo.

Nag dire-diretso naman ako at lumiko. "Saan naman kaya yun?" bulong ko sa sarili.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at sa di kalayuan may naaninag akong batang naglalakad.

Kaya naman tumakbo ako at agad na nilapitan. Pagkalapit ko ay hinawakan ko siya sa balikat pero sa di inaasahan ay nagulat ito at naglabas ng apoy.

Nakita ko nalang ang sarili ko nakahiga sa sahig at gulat na gulat.

"Mu-Muntikan na ako dun" Nauutal kong sabi.

"Waaaaaah kuya pasensya kana po. Nagulat lang ako. Teka po, mukhang bago kalang dito kuya." Tanong sa akin ng bata.

Nang makabawi sa gulat ay tumango ako sa kanya at lumuhod sa kanya para mapantayan siya.

"Oo eh! Bago lang ako dito at bagong estudyante. May hinahanap kasi ako. Pwede mo ba akong tulungan?" tanong ko sa bata. Tumango naman ito at ngumiti sa akin ng matamis.

Lost Phantasia: The World of Azuregard [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon