Guys sinubukan ko mag update na maaga :) masyado kasi ako na Flatter lalo na nga BRO ko jan ahahahah
Kilala nio na mga sarili nyo xD
Ahh di muna tayo focus sa Lead Character. Bigyan natin ng Chance ang iba
Sana di kayo magdalawang isip ng mag critics ng Story ko para malaman ko kung ano pa ang dapat ko iimprove :)
enjoy my Update guys
-*-*-*-*-*-
Author:
Sa Huling Kabanata, nasaksihan natin lahat kung paano nila Lark at Ivon inihayag sa bawat isa ang tunay nilang nararamdaman.Sa pagkakataong ito. Subaybayan naman natin ang pamumuhay ng ibang Character sa kwentong ito.
-*-*-*-*-*-
Philip's POV"President aalis na po kami, ayos lang ba na maiwan ka dito magisa? Wala naman kaming gagawin at maluwag ang oras namin." Sabi ng isa sa mga myembro ng SMC (Student Magic Council) na si Cynthia.
Ngumiti lang ako patunay na ayos lang ako. "Ayos lang Cynthia kaya ko na mag-isa ako narin ang magsasara ng oposina" Sagot ko sa kanya.
"Sige po President aalis na kami. Lory tayo na." Pero bago pa man makaalis ay bigla ko naalala si Alexa dahil may nakalimutan pa akong papirmahan sa kanya kaya naman tinanong ko agad si Cynthia.
"Ah teka Cynthia, Alam mo ba saan nagpunta sila Alexa at Lea? May papipirmahan lang sana ako nakalimutan ko lang banggitin kanina." Tanong ko kah Cynthia
"Hindi po Pres. Kaw ba Lory alam mo ba?" Tanong niya kay Lory
"Hmmm kanina parang... nagmamadali pumunta ang dalawa papunta sa direksyon ng Assembly Hall kanina nung pabalik ko galing banyo... kasama niya rin si Ms. Lea. Bakit po Pres. Gusto niyo po ba puntahan namin?" aniya ni Lory
"Hindi na. Sige na makakabalik na kayo ng Dormitoryo niyo. Paalala lang bukas ganung oras uli may pagpupulong tayo kaya agahan niyo bukas huh?" Abiso ko sa dalawa. At sabay naman sila tumango bilang pag-sangayon at tuluyan na sila lumabas ng opisina.
Napaisip naman ako kung anong gagawin ng dalawa doon? Napansin ko nga kanina na habang nagpupulong ay may ibang bagay na pinag-aabalahan ang dalawa at tahimik na naguusap.
**Flashback
"Malapit na ang Unang Level Test sa taon ito at malinaw ko naman siguro nasabi ang mga panuntunan at estratehiya sa gaganapin sa Level Test.
Nabanggit din sa Notice Letter na may ilang pagbabago gagawin kaya naman kung may suhestyon or katanungan kayo ay huwag kayong magalinlangan mag sabi. Maliwanag ba?" Tanong ko sa buong SMC at lahat ay nagsing-ayunan.
Sa susunod na buwan na kasi gaganapin ang unang taunang Level Test at ginagamap ito dalawang beses sa isang taon. Dito kasi malalaman kung anong Level ka naayon at nabibilang at sa bawat level na ito ay irarango ka sa apat na Klasipikasyon.
4 Levels of Classification.
•Novice. Level 1 - 25
Green Badges.•Omega. Level 26-55
Yellow Badges.•Beta. Level 56-80
Blue Badges.•Alpha. Level 81-100
Red Badges.**See Chapter 11 Part 1(pinaliwanag ni Lark ang bawat Level Classification)
"Mabuti naman. Ikaw Alexa. May katanungan o may sasabihin kabang suhestyon?" Tanong ko habang nakatingin sa mga papeles na kailangan pirmahan subalit wala akong nakuhang sagot o salita mula sa kanya kaya naman hinanap ng paningin ko si Alexa at ayun busy makipag bulongan kay Lea sa dulo ng lamesa.
BINABASA MO ANG
Lost Phantasia: The World of Azuregard [REVISING]
FantasySynopsis: A happy go lucky boy named Lark Veliche just wanted to be a great warrior ot The World of Azuregard, everything changed when Jacob Koddar dicovered his potential and helps him to make his dream come true. copyright © 2016 started sep...