Guys kay Ivon muna focus ang POV ah hahah try ko mag pa Girl nyahhahaa xD
sana magustuhan niyo chapter na ito :)
****
3rd Person's POV"Mahal na Prinsesa?" tok tok tok "Mahal na Prinsesa? Mahal na Prinsesa papasok na po ako ng kwarto"- sigaw sa labas ni Mayordoma Lynda
"Haaaaaay" Napabuntong hininga si Mayordoma Lynda nang makita ang prinsesa na tulog pa. Pinatong nalang ni Mayordoma Lynda sa maliit na lamesa ang dalang pagkain.
"Kayong dalawa, maaari niyo nang ayusin ang pampaligo ng mahal na prinsesa. Ako na ang gigising sa kanya. Ayusin niyo narin ang mga gamit at damit na susuotin niyang pampasok." utos niya sa dalawang katulong na kasama niya.
"Opo. Mayordoma Lynda." sabay na sabi ng dalawang katulong at nagmadaling kumilos.
Nilapitan ng Mayordoma ang mahimbing na natutulog na si Prinsesa Ivon at naupo sa gilid ng kama. Marahan niyang hinimas ang buhok nito at tinapik ng mahina ang pisngi. "Mahal na Prinsesa, Gising na mahal na Prinsesa. Ngayon na ang unang araw ng klase at baka mahuli kayo mahal na Prinsesa."
Umuungol ng mahina si Ivon at unti-unting minulat nito ang mga mata.
Pagkamulat ng mata ay mukha agad ni Mayordoma Lynda ang nakita. Agad naman nito bumangon ng kama at binati ang mayordoma. "Magandang umaga Mayordona Lynda. Anong oras na po ba?" Tanong ni Ivon sa Mayordoma habang kinukusot ang mata.
"Alas Sais na po ng umaga Mahal na Prinsesa. Bumangon na po kayo at handa na ang agahan niyo Prinsesa pagkatapos ay maligo na kayo. Pinahanda ko narin ang mga gamit niyo sa pagpasok." Sagot ng mayordoma
Tumango naman si Ivon at tumingin sa labas ng biranda. Malalayo ang tingin nito at napansin ng mayordoma na may malalim na iniisip ito.
"Iniisip mo nanaman ba ang binatang iyon Prinsesa?" Pag-aalalang tanong ng mayordoma
Napalingon naman si Ivon kay Mayordoma Lynda ang Tipid na ngumiti at umiling "Wala lang po ito Mayordoma Lynda, Huwag niyo nalang po ako pansinin. Sige na po at maliligo na po ako." Sagot ni Ivon sa mayordoma at Tumayo na sa pagkakaupo sa kama at dumeretso papuntang banyo.
Tumango na lamang ang mayordoma at sinundan ng tingin ang papaalis na prinsesa.
Napansin ng Mayordoma na simula ng gabing iyon kung kailan nagbalik ang prinsesa na luhaan nawala na ang pagiging masayahin nito. Nakita kasi ng mayordoma ang buong pangyayari sa malayo.
Noong gabing umalis ang binata at iniwang umiiyak ang prinsesa malaki na ang pinagbago ng prinsesa at naging malungkotin na ito.
Marahil walang nababanggit ang Prinsesa pero alam nito kung may problema ba o hinanakit itong tinatago. Simula sanggol pa lamang ay katuwang na ng Reyna ang Mayordoma sa pagaalaga sa kanya at mas naging malapit pa ito noong pumanaw ang Reyna sa malubhang karamdaman kaya naman siya na ang tumayong Ina ng Prinsesa.
Napatingin naman ang mayordoma sa isang larawan malapit sa kama kung saan nakapatong ang larawan ng reyna at kinuha ito.
"Mahal na Reyna naway maging maayos lang ang kalagayan ng Prinsesa at patuloy mo parin siyang bantayan kung saan ka man naroon." Bulong ng mayordoma at binalik na sa pagkakapatong ang larawan at sinundan na ang prinsesa.
****
Ivon's POV"Napaka-ganda niyo talaga mahal na prinsesa." sabi ng isang katulong na nag-ayos sa akin at sumangayon din ang isa.
Nagpasalamat ako at Tumingin sa malaking salamin sa harapan ko habang pinagmamasdan ng buo ang sarili ko.
Ito nanaman at magsisimula nanaman ako pumasok sa Laraym Acadeny.
BINABASA MO ANG
Lost Phantasia: The World of Azuregard [REVISING]
FantasySynopsis: A happy go lucky boy named Lark Veliche just wanted to be a great warrior ot The World of Azuregard, everything changed when Jacob Koddar dicovered his potential and helps him to make his dream come true. copyright © 2016 started sep...