A/N: Unang-una, In just a short time narating ko ang Rank #258 in What's Hot
It is an Achievement coz in just 5 days when the time I Launch LP from 294 boost into 258 in just a day :)
Masaya ako nasusuportahan ang story ko at sana patuloy niyo supportahan ito hanggang dulo :)
Thanks for the comment and Vote :) please follow me as well so i dedicate the story to you and leave a best comment.
enjoy wattpading..
****
Previously on Lost Phantasia
"Lark, patawarin mo ako at naglihim ako sayo. Gi-ginawa ko lamang yun kasi ayoko magbago ang trato mo sa akin. Ayoko mangyari yun. Maraming masasayang bagay ako naranasan kasama ka. Gusto ko manatili sayo." Tugon niya sa gitna ng mga hikbi niya.
Ako rin naman gusto ko manatili ka pero, di na maaari. Hinawakan ko ang mga braso niya at dahan dahan kong tinanggal sa pagkakayakap. Nang makabitaw na siya sa akin ay nagpatuloy muli ako naglakad papalayo.
Subalit nakakailang Hakbang pa lang ako muli ako nagsalita.
"Mas ligtas ka dito. Hindi kana pwedeng sumama sa akin. Mas makakabuti sayo ang bumalik kung saan ka nararapat." Unti-unti akong lumingon sa kanya at binigyan siya ng malungkot na ngiti. Konti nalang babagsak na ang mga luha ko. Nasasaktan ako dahil nakikita kong nasasaktan ang Mahal ko. Pero hindi ako nababagay sa pagmamahal niya.
"Hayaan mo nalang kami makaalis at mula ngayon di na kami muling magpapakita. Pinapangako ko."
At tuluyan na ako lumayo mula sa kanya.
Nilapitan ko na si Garen at inalalayan ko nang tumayo.
Kita ko rin sa mukha ni Garen ang pag aalala sa akin. Kaya naman nginitian ko nalang siya.Habang unting-unti kami papalayo paalis sa lugar na ito. Narinig kong Sinigaw ni Ivon ang pangalan ko ng paulit ulit. Ramdam ko sa bawat salita niya ang sakit na nararamdaman niya.
Ngunit hindi ko na siya muling nilingon pa at tuluyan na nakalabas ng palasyo.
"Paalam Ivon." bulong ko sa hangin.
****
3 Months Later"O Lark pagkatapos mo kargahin lahat ng 'yan. Pwede kanang umuwi tsaka eto ang bayad para sa araw na ito. Bukas kailangan maaga ka dito dahil maraming paparating para kargahin pababa ng barko. Huwag kang magalala kung may sobra jan ibibigay ko sayo. O siya balik na ako." Sabi ng amo ko.
"Salamat po Amo." masayang sabi ko sa Amo ko.
haaaaaay... Pinunasan ko ang pawisang noo ko at sinimulan muli kargahin pababa ang mga karga ng barko.
Nagtataka siguro kayo kung ano ang nangyayari ano?
Tama ang nababasa niyo nag tatrabaho na ako bilang isang kargador dito sa Pier at maganda ang bayad. Trabaho kong ibaba ang mga karga ng barko na nanggagaling pa sa ibang lugar. Kung minsan seswertehin nag bibigay minsan ang amo ko ng mga Prutas o isda kung pagkain ang mga kargahin ng barko. Minsan naman mga iba't-ibang gamit na napapakinabangan.Si Garen naman ay bilang isang Mangangaso dahil doon naman siya magaling, ang manghuli. Napabilang siya sa mga Mangangaso mng bayan at naging isa sa mga pinaka magaling na mangangaso sa bayan ng Garrison.
Simula kasi noong humingi kami ng tawad sa mga mamamayan ng Garrison sa mga nagawa naming kasalanan sa kanila, malaya na kaming nakakagala sa bayan. Hindi naging madali noong una. Naging mailap ang mga tao sa amin at hindi pinagkakatiwalaan agad, sino naman kasing tao agad maniniwala kung ang dating magnanakaw ay hihingi ng tawad.
BINABASA MO ANG
Lost Phantasia: The World of Azuregard [REVISING]
FantasíaSynopsis: A happy go lucky boy named Lark Veliche just wanted to be a great warrior ot The World of Azuregard, everything changed when Jacob Koddar dicovered his potential and helps him to make his dream come true. copyright © 2016 started sep...