A/N: To all my readers
i know mejo maninibago kayo sa gagawin kong pag nanarrate ng kwento ko. Mas magiging effective kasi ang gagawin ko para mas maging maayos ang takbo ng kwento :)Guys comment kayo kung ayos ba ang gagawin kong narration :)
enjoy the UD :)
****
Lea's POV"Ayos lang ba si Lark" pagaalalang tanong ko kay Philip.
Pansin ko mag mula pa kanina bago pa man magsimula ang huling klase hindi na naging maganda ang mood ni Lark, Naging tahimik na ito at limitado na lang magsalita.
Magsasalita lamang kapag tinatanong at babalik uli sa pagiging tahimik.
Sinubukan ko siya tanungin kanina pero ang tanging sagot niya ay "ayos lang ako" Pero alam ko... Hindi, ramdam ko na may mali sa kanya.
"Di ko rin alam Lea. Hayaan mo na lamang siya baka di lang maganda ang gising kaninang umaga" sagot naman ni Philip.
Napabuntong hininga na lang ako. Mula sa kinauupuan ko dito sa bandang likuran ng silid ay pasimple kong pinagmamasdan si Lark na tahimik na nakatingin sa labas ng bintana at nakahalumbaba. Bakas sa mga mata niya na may mga bagay na gumugulo sa kanyang isipan. Madilim, Mabigat na di karaniwang nakikita sa kanya.
Kilala kong masayahin tao si Lark magmula ipakilala siya sa amin ni Philip. Nagyon ko lang siya nakita ganyan at di ako sanay na nakikita siyang ganyan.
Kapag ngumingiti naman ay di umaabot sa mata niya, mahahalata mong pilit lang din ang mga ngiti.
Nagagaalala na ako sa kanya pero wala akong magawa.
Tumunog na ang Bell hudyat na tapos na ang huling klase at nagsilabasan na ang iba naming mga kaklase.
Tumingin ako sa bandang dako ni Lark at tumayo para lapitan ko sana siya pero wala na siya sa upoan niya. Hinanap ng mga mata ko si Lark at nakita ko papalabas na siya ng silid kaya naman di ko na nasubukan sundan at hinayaan na lamang siya tuluyan makalabas.
Bumalik nalang ako mula sa pagkakaupo at pinatong ang mga braso ko sa ibabaw ng lamesa para maging unan tsaka naman ako tumungo.
Paano ba kita matutulungan Lark. Yan na lamang ang nabitawan kong salita at nagpakawala muli ng malalim na hininga. haaaaaaay...
****"Ms. Lea mauna na kami sa bayan para mabili na namin ang mga kakailanganin natin sa proyekto" Sabi naman ng isa sa kagrupo ko sa proyekto.
"Ayos lang ba na di na ako sumama? Nakakahi—"
"Huwag kana mahiya Ms. Lea kami na bahala. Alam namin pagod ka nitong nagdaang linggo dahil nalalapit narin ang Level Test. Magpahinga nalang ikaw." Sabi ng isa ko pang kagrupo.
"Sige, Maraming salamat. Pero... Kung kailangan niyo ng tulong, huwag kayong magdalawang isip na magsabi hah?" Ngumiti at tumango lang ang dalawa bilang sagot. "Magiingat kayo." Paalam ko sa kanila at unalis na sila.
Sayang at hindi ko kagrupo sila Alexa. Pero di ko naman sinasabi na ayoko makigrupo sa kanila, Sadyang nasanay lang ako na sila Alexa at Philip ang nakakasama ko kapag may proyektong gagawin. Naging random kasi ang pagpili ng bawat myembro sa proyekto.
Tumalikod ako sa kabilang direksyon at nagisip kung saan muna mamamalagi. Tinignan ko ang suot kong relo at maaga pa para bumalik sa dorm kaya naisipan ko magtungo muna sa Library para mag-saliksik sa aming gagawing proyekto. Tama doon muna ako.
BINABASA MO ANG
Lost Phantasia: The World of Azuregard [REVISING]
FantasíaSynopsis: A happy go lucky boy named Lark Veliche just wanted to be a great warrior ot The World of Azuregard, everything changed when Jacob Koddar dicovered his potential and helps him to make his dream come true. copyright © 2016 started sep...