Chapter 14: We Meet Again, Part 1 (His POV)

503 47 6
                                    

a/n: Sorry Guys if di ako nakapag update these past days. I hope you understand naging busy lang

Thanks to those people who voting and adding my story in their Readjng List :) I really appreciated :)

This is my update now :) enjoy !!

please ignore grammatical error and wrong spelling. Im still an amateur though ^___^

****

Lark's POV

"aaaarghh!!! ang init naman nito. Bakit may mga uniform pa kasi" reklamo ni Garen

"Huwag ka na nga magreklamo d'yan, bilisan mo nalang ang lakad baka mahuli pa tayo sa klase. Ayoko naman sa unang araw ng klase ay panget agad ang impresyon satin, kaya bilis-bilisan mo nang kumilos." Sabi ko kay Garen at tinulak-tulak na siya paharap.

"Oo na, Huwag mo na akong itulak, tsk." Sabi ni Garen sa akin. Hahahaha Sorry Garen!

Ngayon araw na kasi ang simula ng klase at kasalukuyan naglalakad kami ngayon papunta sa klase namin. Di narin naman kami maliligaw dahil nitong nakaraang araw ay nalibot na namin ang Academy.

Maraming Malalaking Gusali dito sa Laraym Academy at ang pinaka sentro ay ang Laraym Main Building. Nanduon ang Main Library, Opisina ni Head Master, Conference Hall At ang Administrative Office.

Sa di kalayuan makikita ang Arena kung saan ginaganap ang mga laban para sa Level Test. Nabanggit nga ni Philip na kada dalawang beses sa isang Taon ginaganap ang Level Test at duon daw maka-classified kung anong Level ka nabibilang sa madaling salita gaano kataas ang makukuha mong Level ganoon ka kalakas. Nag raranggo ito sa apat na Class:

Una ang Novice. Level 1 - 25 Green Badges.

Doon kami napapabilang ni Garen. Madali makikilala kung anong Class Level ka nabibilang dahil sa kulay ng badge na nakalagay sa kaliwang dibdib namin. Sila yung mga nagsisimula palang sa paggamit ng mga Magic at Magical weapon.

Pangalawa ang Omega. Level 26-55 Yellow Badges.

Sila naman yung mga may kulay dilaw na Badge.

Pangatlo ang Beta. Level 56-80
Blue Badges.

Sila naman yung pangalawa sa pinaka malakas. Minsan nasasama sila sa mga misyon at mga eksperto na sa pag-gamit ng Magic at Magical Weapon.

at ang Huli ay ang...

Alpha. Level 81-100
Red Badges. Sila yung pinaka malalakas na pwede nang ihanay sa mga Senior/Head Warriors. Balita ko ay iilan lang ang nakaka-abot sa ganung level.

Sa Types naman. Nahahati sa dalawang Uri ang mga estudyante dito.

Una mga Pure Magic Type: Mga taong may sariling kapangyarihan. Mga Sorcerer or Mage at Healer. Nabibilang din ang mga Elemental User at Sub Element.

Pangalawa naman ang Magic Warrior Type: Mga taong gumagamit ng Magical Weapon. Sila yung may mga Armas na ginagamitan ng Magic or Mana. Mga sina-summon at ang mga armas mismo ang pipili kung sino gagamit sa kanila pero may tinatawag din na Normal, Rare, Epic, and Ancient weapon. Saka ko nalang ipapaliwanag ang ibig sabihin n'on.

May nabanggit din si Philip na may isang Unique Type daw na pareho ang Type User. Sila daw yung gumagamit ng Magic at Magical Weapon ng sabay at bukod doon ay wala na akong alam.

"Nakakairita na sila ah! noon nakarang araw ko pa nahahalata mga tingin nilang yan, gusto ata nila ng away. Hooooy ikaw kanina ka pa ah? anong titingin-tingin mo?" Sigaw ni Garen sa mga nakatingin sa amin.

Tama nga siya simula kasi nung nakaraang araw nang magdatingan ang mga estudyante dito napapansin namin na iba sila makatingin at kung titignan mo parang nanghuhusga sila. Marahil naninibago sila sa mga bagong mukha. Kaya naman agad kong pinigilan si Garen sa balak niyang makipag-away.

Lost Phantasia: The World of Azuregard [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon