MAAGANG NAGISING SI GRAZZLE kinabukasan. Kailangan niyang pumunta nang maaga sa kompanya para e check kung okay na ba ang lahat o kung may aayusin pa siya. Ngayong araw ang dating ng apo ni Lola Amanda. Pero mamaya pa namang alas diyes niya ito susunduin. Still, inagahan niya na dahil trapik pa naman.
Narinig niya ang busina mula sa labas ng bahay. Marahil ay iyon na ang sundo niya mula sa kompanya. Inabot niya ang itim na brief case at napangiwi nang abutin din ang leather jacket saka isinuot. Kung bakit kasi sa dinarami rami nang araw na mapagtripan siya ni Brianne ay kagabi pa.
Dahil sa pagod niya kahapon ay napasarap ang tulog niya. At itong si Brianne naman naisipan na pasukin ang bahay niya. Her friend has this hobby of picking locks. Kinuha nito lahat ng cardigans, long sleeve tops at dresses niya saka nilabhan kahit malinis naman ang mga iyon. Ang nakakaasar lang ay sa labas pa talaga nito isinampay ang mga damit. Ni hindi man lang gumamit ng dryer! Kaya hanggang ngayon ay basa pa ang mga damit niya.
And so here she is, napipilitang suotin ang sleeveless na dress niya at ang leather jacket na bigay nang kapatid niya. Alam kasi nang mga kaibigan na magagalit siya nang sobra kapag pinakialaman ng mga ito ang bigay ng kapatid niya.
"Good morning, Kuya! Diretso na po tayo sa kompanya." Bati niya kaagad sa driver. Nagpaalam din siyang gisingin kapag dumating na sila doon at iidlip na muna siya."Ma'am. Ma'am, nandito na po tayo."
Naalimpungatan si Grazzle nang yugyugin nang driver. Inayos niya muna ang buhok at nagpasalamat dito saka bumaba. She tapped her ID on the scanner before going in. Kaagad na sumakay siya nang elevator at pinindot ang 15th floor kung saan ang opisina nang CEO.
"Good morning, Grazzle!" bati sa kanya ni Belinda pagbaba niya palang nang elevator. "Everything's set as you've requested. Pasok ka nalang sa loob. Kung may kailangan ka pa ay iutos mo nalang sa akin. Would you like some breakfast? Coffee? Anything?"
Nginitian niya ang babae. "Salamat, Belinda. Nakapag-agahan na ako. Ikaw mag-agahan ka muna. Hindi rin naman ako magtatagal at pupunta pa ako nang airport."
"Tapos na rin ako. If you need anything, nasa labas lang ako." Anito matapos buksan ang pinto nang office. She gave her thanks before closing the door.
Inilibot niya ang tingin sa loob. Malaki ang opisina na iyon. Ibang iba ang interior sa opisina ni Lola Amanda. Sinadya kasi talaga nitong magpagawa nang sariling opisina para sa apo nito. The whole floor is divided into two office.
Pansin niya ang manly interior design ng opisina. From it's black, white and gray paints to the navy blue sofas and other paintings in the office. Naglakad siya at lumiko pakaliwa malapit sa glass wall. May isang sliding door kasi doon. And she was in awe to see the fully furnished kitchen. Just wow! At marami pang stocks sa ref at cupboards!
Lumabas kaagad siya nang kitchen at sunod na binuksan ang pinto naman na nasa right side. Hindi mo iisipin na may pinto doon dahil sa nakablend ang kulay. At walang doorknob maliban sa shelf na itutulak mo nang bahagya para bumukas.
Kung namangha siya sa kitchen ay mas lalo naman sa pintuang iyon. It was actually a bedroom! May cabinet pa. And one door inside was leading to the bathroom. Napaka at home naman nang opisinang ito!
BINABASA MO ANG
Calle Maganda Series: Grazzle Maila Rudero
Roman d'amour"I love you... That's all I know." Fourth installment for the series! Have fun. ☺