Chapter 8

499 19 7
                                    

 NAKAUPO SI GRAZZLE SA GILID HABANG NAKATANAW SA BEACH DI KALAYUAN. She sighed for the nth time already. Nakapangalumbaba lang siya sa may railings at hinihintay ang boss na hindi niya alam kung ano na ang ginagawa. She shivered with the cold wind.

Napaigtad pa siya nang may mainit na telang ipinatong sa balikat niya. "S-salamat." aniya nang makitang galing ito sa boss.
Kaagad na itinaas niya ang mga binti at niyakap paloob sa kumot na nakabalot sa kanya.




"Bakit ka kasi nakasuot ng ganyan lang?" Medyo inis pa na tanong nito at padabog na naupo sa tabi niya.

Inirapan niya nalang ito. It's not like she had a choice. "Eh, ikaw din naman ang nagsabing baguhin ang wardrobe ko tapos nagrereklamo ka diyan." she murmured.



"I didn't say short shorts!" Narinig pala nito ang binulong niya.

"Wala akong pajama." pabalang na sagot niya.

"Then wear some skirts! Long skirts!"



Naiinis na bumaling siya dito. "Ang gulo mo! Ikaw pa itong nagsabing wag akong magsuot ng ganon tapos ngayon naman papasuotin mo ako?" What is wrong with him? Hindi niya makuha ang takbo ng isipan ng boss.

"Argh, fuck!"

Sinamaan niya ito ng tingin dahil sa narinig.
"Hoy, boss! Wag mo akong minumura ha? Malilintikan ka sakin!"




He sighed and then a second later he smirked. See? May split personality ata ang boss niya. Kailangan niya na bang ipaalam ito sa lola nito? Sa susunod, tatandaan niya iyon. "You're unusually talkative right now." puna nito.

Iniwas niya ang tingin dito at hinarap ang karagatan. "Inaantok na ako. Ibalik mo na ako sa daungan."

"Hmmm." Iyon lang ang tugon nito at sumunod ang katahimikan.



Ayaw niyang kausapin ito. Hindi mahabol ng isipan niya ang trip ng boss. Dis oras na ng gabi—mali, umaga na pala. Ala una na ata ng umaga. Kailangan niya pang magpahinga dahil pagod siya buong araw.

Nagulat pa siya nang may pagkaing tumambad sa harapan niya. "Para saan iyan?"

He laughed at her remark. "Pagkain. At kinakain din iyan, in case you don't know."






Sinamaan niya ito ng tingin. "Alam ko kung ano yan. Ayokong kumain. Busog pa— Hmm! Ano ba?" inis niyang pakli nang isubo nito bigla ang pagkain. "I said I don't want to eat."

"Eat that, you'll need it. Or," marahan nitong inilapit ang mukha sa kanya, "You want me to feed you. I have many possible ways to do that." He said with a sly smile.




Napalunok siya nang wala sa oras at mabilis na kumagat sa isinubo nito. Ngumiti pa ito at nagsimula na ring kumain. Napangiwi pa siya nang maramdaman ang anghang ng kinakain. Saka niya lang napansin na sili pala iyon that is stuffed with cheese and ham that is wrapped in lumpia wrapper. Kaya pala maanghang! Although bearable naman siya kahit papaano.

Calle Maganda Series: Grazzle Maila RuderoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon