NAPATINGIN SA KATABI SI GRAZZLE NANG MARAMDAMAN ANG MAHINANG PAGTAPIK. Bettina was staring at her worriedly. "Are you okay? Kanina pa kita tinatawag pero mukhang malalim ang iniisip mo." Puna nito.
Tumikhim siya saka inayos ang sarili. "Ayos lang ako. Medyo nag-aalala lang sa magiging takbo ng board meeting mamaya." Pagdadahilan niya pero ang totoo ay iba talaga ang iniisip niya.
Bettina nodded at her. "Ako rin naman. Pero nakasisigurado akong magiging okay lang ang kompanya lalo na si boss."
"Hmm." Her boss. Hindi niya tuloy mapigilang alalahanin ang nangyari kahapon. Ranz confessed to her. And because she was too shocked with his confession ay parang tanga siyang lumabas ng opisina nito at nagkulong ng ilang oras sa powder room. Sinubukan siya nitong kausapin pero nandoon lang siya at nagkulong. Ni wala siyang naintindihan sa mga sinabi nito habang nasa loob ng powder room. Hanggang sa namalayan nalang niyang wala na ito sa labas at si Bettina nalang ang nandoon.
Nagpaalam lang siya kay Bettina na mag-u-undertime at nagdahilan na masama ang pakiramdam kaya maagang uuwi. Hindi na siya nagpaalam sa boss at nagmamadaling umalis. Hindi din siya sa sariling bahay natulog dahil alam niyang pupunta ito doon. Sa halip ay sa bahay ni Violet siya dumiretso at kaagad kinausap ang kaibigan sa nangyari. Violet was not even a bit shocked with what she said. Parang alam nito na ganoon ang mangyayari. And after Vi talked to her, she cried.
"They're here." Pukaw ni Bettina sa pag-iisip niya.
Kaagad siyang umayos ng tayo at napalingon sa mga bagong dating. Naglalakad na palapit sa direksiyon nila sina Ranz kaagapay ang lola nito. Iniwasan niyang mapatingin sa lalaking gumugulo sa isipan niya pero ramdam niya naman ang mga titig nito.
"Good morning, Ma'am! Kamusta po ang biyahe?"
Ngumiti si Lola Amanda at kaagad bumitiw sa hawak ng apo nito't kumapit sa kanya. "I had a pleasant ride home, hija. Thank you for asking." Anito habang naglalakad sila papasok sa inner office nito. Nang matapat sa pinto ay bumaling ito kina Ranz at Bettina na nakasunod lang sa kanila. "Would you mind giving us some time? I'd like to speak with Ms. Rudero."
"Giagiá—"
"Alone, hijo." Ma awtoridad na saad nito sa apo.
Nag-aalalang tinitigan siya ni Ranz. This time she didn't scare away at him. Sa huli ay bumuntong hininga nalang ito. "Bettina and I will be in the conference room."
"Susunod kami." Saad ng ginang saka sila tuluyang pumasok ng opisina.
Matinding kaba ang nararamdaman ni Grazzle habang nakatayo siya sa loob ng opisina at pinapanood ang ginang paupo sa swivel chair nito. Pakiramdam niya ay may pagkukulang siyang nagawa sa trabaho. And that she failed the trust that was given to her. Kaya bago pa ito may sabihin ay inunahan niya na ito sa paghingi nang paumanhin.
"Ma'am, I'm sorry po. I know you've given me the trust for the good of the company yet this is what you came home to. Humihingi po ako ng dispensa sa mga pagkukulang ko." Nakayukong pahayag niya.
"I know, hija. And really, there is no need for you to say sorry about this. Actually, I'm even more thankful to you."
"P-Po?" naguguluhang saad niya. Bakit ito nagpapasalamat gayong may malaking problemang kinakaharap ngayon ang apo nitong ibinilin sa pangangalaga niya?
"Nagpapasalamat ako sa ginagawa mo para sa kompanya. Naaalala mo ba iyong sinabi ko sa'yo nang minsan akong tumawag?"
"Alin po doon?"
BINABASA MO ANG
Calle Maganda Series: Grazzle Maila Rudero
Romansa"I love you... That's all I know." Fourth installment for the series! Have fun. ☺