NAKAKUNOTANGNOONIGRAZZLEHABANGNAKATINGINsa repleksyon sa salamin.
"Sabi ko na't bagay nga sa'yo." Komento ni Brianne habang sinusuri ang suot niya.
Nasa condo siya ng kaibigan para humingi nang tulong. It's been a few days since her boss set a deal to change her wardrobe. Nung una ay hindi siya tumupad sa usapan kahit na may pinirmahan siyang kasunduan. Kaya ang nangyari ay hindi din ito nagbago nang wardrobe. Mas lumala pa ang sinusuot nito araw-araw. So she had to come up with the decision of changing her style. At dahil sa modelo ang kaibigang si Brianne ay eto na ang naisipan niyang lapitan.
At ngayon nga ay nandito siya sa tapat ng salamin at suot-suot ang isang pencil skirt at long sleeved polo. Magpapasama sana siya sa mall para bumili pero dito siya pinapunta nito. May mga damit daw kasi itong kakadeliver lang mula sa ilang designers bilang regalo. Saka na daw siya nito sasamahang mamili.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"M-mukhang ang ikli naman ata." Reklamo niya at pilit hinihila ang palda na abot hanggang kalahati lang nang hita niya. "Aww!" daing niya nang kurutin nito ang kamay niya.
"Stop pulling the skirt! Masisira mo iyan." nakapameywang na saad nito. "Ang ganda kaya ng legs mo! Haay! I've always envied your legs. Ang haba kasi!"
"I don't like this skirt." aniyang hindi pinansin ang komento nito.
Pinandilatan siya nito. "Isa pang reklamo at tatamaan ka na talaga sa akin, Grazz." Mukhangmaliatasiyanangnilapitan. "Here." Iniabot nito ang malaking paper bag. "Nariyan na ang mga damit na kailangan mo. I'm sure they would fit you all."
Inabot niya iyon at tiningnan ang laman. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang mga damit na inihanda nito. "No way! Ayoko niyan."
Naningkit ang mga mata nito at mabilis na itinulak siya papasok nang banyo. "Wala ng pero-pero! Go and get changed dahil aalis din pala ako ngayon. I have a date! Now, shush! Wag ka nang um-epal." anito at itinulak siya papasok para magbihis.
Wala na siyang nagawa at nagbihis nalang para makaalis na kaagad. Pagkatapos niyang magpalit ay sabay na sila nang kaibigan na nagtungo sa parking lot. Para masigurado daw nitong dala-dala niya ang paper bag. "Una na ako. Salamat sa mga damit. I'll see you at the village."
"No problem! Basta kapag naisuot mo yan sa trabaho kumuha ka ng mga litrato at ipakita mo sak--" Hindi na niya narinig ang pinagsasabi nito dahil itinaas niya na ang bintana. Natawa nalang siya nang katukin nito ang bintana ng sasakyan. She just gave her a smile and waved before driving out.
Habang nasa daan ay naisipan niyang pumunta nalang sa mall. May oras pa naman kasi siya para mag-ikot-ikot bago umuwi. And she'll probably find some dress too. Thatiskungmaymagugustuhansiya.