"Page 1: Bittersweet"

13 0 0
                                    

"Good morning babes! Umm..."😚

Oh, hihirit pa ng halik ang baliw na to kung di ko lang inunahan ng lamukos ang nguso nya. Sya si babes este Mackenzie pala, ang maloko, pasaway at walang pagseseryoso sa buhay at ako naman si Demi, ang kabaligtaran nya. I've always been a good girl, very organize at oo, may pagka-OC gusto ko kasi palaging maayos ang lahat. Well, magkaroon ba naman ako ng principal at teacher na magulang tapos sobrang istrikto pa. Nasa grade XI pa lang ako ngayon pero tinatrabaho ko nang maging valedictorian next year, ayoko kasing madisappoint ang parents ko eh. 💬

"Aray naman, palagi mo na lang akong sinasaktan! Ano ba yang ginagawa mo, may quiz ba tayo ngayon? Ang aga namang pagrereview nyan! Ang boring!" 😒

"Mabuti na yung may alam ako kapag nagkabiglaan, alam mo naman si Mrs. Panganiban sobrang hilig sa surprise quiz. Teka nga, ang aga mo naman yata ngayon? Mamaya pa naman ang start ng meeting natin sa class org ah, anong nakain mo?"😌

"Wala lang...gusto ko lang masilayan ng maaga ang kagandahan mo!"😉

Baliw talaga 'to, pakindat-kindat pang nalalaman. Oh yan, napektusan ko tuloy kay aga-aga eh nangungulit na.💬

"Aray...aray! Ang sakit nun ha? Aray ko!"😫

"Ahm...napalakas ba? Patingin nga!"😨

Hinawi ko ang buhok nya para makita ang noo nya at sinimulan ko na syang talakan dahil parang wala namang nangyari sa noo nya. Napatigil na lang ako nang mapansin kong tahimik lang sya at nakatitig na pala sya saken. Napatitig din ako sa maganda nyang mga mata na muntik na 'kong dalhin sa kawalan, buti na lang dumating sina Juni at iba pang members ng class org na pinamumunuan ko.💬

"Ehem! Kay aga namang titigan nyan, kaloka kayong dalawa!"😊

"Ahm...ano? Hindi noh, nangungulit kasi 'to eh!"😡

Ang aga-aga nabwisit na naman ako sa nakakalokong tingin at ngiti ng Mackenzie Rodriguez na 'to. Imagine, elementary pa lang tinitiis ko na ang kalokohan ng taong 'to at ngayong senior high na kami mas lumala pa sya pero madalas sinasakyan ko na lang, nasanay na rin kasi 'ko eh. Kung bakit ba kasi napili pa sya bilang escort ng klase namin, araw-araw nya tuloy nabubulabog ang tahimik kong mundo.💬

"Eh wala namang bago sa kulitan nyong dalawa, hindi na nga kami magugulat kung isang araw mauwi sa totohanan yang drama nyo!"😌

"Ano? Hah! Never noh, itong loko-lokong 'to? Hindi ko yata kayang magpauto dito! Lahat ng babae maloloko nya maliban saken!"😣

"Eh alam mo namang hindi kita lolokohin eh...ikaw lang ang one and only babes ko!"😘

"Aaawww...wag kang masyadong sweet, nakakahiya sa kanila...BABES?"😒

"Uy...dyan nagsisimula yan!"😁

Hindi ko na hinayaan pang humirit ulit si Mackenzie dahil sinimulan ko na ang meeting for the day. Ipinaalam ko na sa kanila ang magaganap na Prom two weeks from now. Kailangan may irepresent ang klase namin para sa isang production number. We need someone na pwedeng magperform at isang tao lang ang iniisip naming lahat, walang iba kung hindi si...Mackenzie. Maloko at may pagkapasaway ang isang 'to pero aminado naman ako na almost perfect na sya para sa isang babae...well, hindi para saken! Magaling syang kumanta at sumayaw, marunong din syang tumugtog ng iba't-ibang instruments gaya ng piano, guitar, violin at drums. Pwede na nga syang bumuo ng bandang magisa, magaling din sya pagdating sa sports lalo na sa basketball at...okay, hindi ko gustong sabihin 'to pero sige na...gwapo sya...matangkad, matangos ang ilong, may mapupulang labi at...nakakatunaw na mga mata...ahm, teka nga ano ba 'tong mga sinasabi ko? Hay, basta sya na ang perfect one para magrepresent sa section namin. Inobliga ko na syang magisip ng gagawin nya.💬

"Ako lang talaga? Di ba dapat may partner ako?"😁

"Oo nga president, bakit di na lang kayo magduet na dalawa? May blending naman ang boses nyo eh. Remember sa Music class natin, halos matunaw ang lahat nung nagduet kayo di ba?"😊

"Ano sa tingin mo babes?"😏

"Hindi ako pwede kasi magiging busy ako sa araw na yun, kailangan kong tumulong sa preparations at wala na 'kong time para magpractice kaya I suggest na baka pwedeng sumayaw na lang kayo ni Cindy total kayo naman ang muse at escort ng klase natin. Maganda siguro kung interpretative dance ang gawin nyo, ano kaya nyo ba yun?"😌

"Kaya naman! Ang tanong eh...kung okay lang sayo?"😐

"Ano? Oo naman, para sa ikararangal ng klase natin! Kayong dalawa na ang bahala sa practice nyo. Ano, okay ba yun sayo Cindy?"😃

"Ahm...magaling naman ang partner ko kaya okay na okay saken!"😊

"Ah...okay! So...wala na tayong problema, meeting adjourned!😇

At mula nga nung araw na yun pansamantalang natahimik ang mundo ko dahil madalas wala sa paligid ko si Mackenzie. Kung noon madalas nya 'kong sinusundan sa paglalakad ko pauwi ngayon magisa na lang ako.💬

************************************

"Pwedeng Tayo, Pwedeng Hindi"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon