Kinabukasan, niyaya ako ni
Terrence na mamasyal. Pumunta kami sa isang burol kung saan napakaganda ng tanawin.💬"Wow! Alam mo ngayon lang ako nakarating dito, hindi man lang ako pinasyal ni Gio dito noon. Dylan, kunan mo 'ko ng picture!"😁
Binigay ko kay Dylan ang cellphone ko at todo pose ako sa mga picture ko habang nakangiti lang si Terrence at nanonood samen.💬
"Hoy Terrence! Tatayo ka na lang ba dyan? Halika dito, picture tayo!"😁
Todo selfie kami sa burol na iyon at maya-maya pa ay naupo na kami sa isang napakalaking bato. Habang naglalaro si Dylan, ako naman tinitingnan ko ang mga picture namin.💬
"Tingnan mo Terrence, ang ganda ng kuha natin dito oh!"😆
"Oo nga...ang ganda mo..."😐
Nakatitig sya saken habang sinasabi yun at bigla akong nailang.💬
"Ahm...hhhh...teka, may facebook ka ba? Iaadd kita tapos itatag ko 'to sayo!"😊
Matapos kong iupload ang mga pictures namin ay nilike agad yun nina Juni at todo tanong sila kung saang lupalop na ba daw ako naroon at gusto daw nila 'kong sundan hanggang sa nagkaroon ulit ako ng isa pang notification. Si Mackenzie, nagcomment sya sa picture kung saan kasama ko si Terrence. Magcomment ba naman ng highblood na emoticon? Sa halip naman na mainis ako ay napangiti na lang ako dahil namiss ko ang pangungulit nya.💬
"Nanliligaw ba sya sayo?"😮
"Ano? Hindi noh!"😣
"Talaga? Eh...anong meron kayo?"😮
"Ahm...wala...frienemies...? Madalas ko syang inaaway tapos madalas naman nya 'kong kinukulit pero masasabi ko rin naman na magkaibigan kami..."😌
"Magkaibigan lang talaga? Hindi nagkakaibigan?"😶
"Ano? Hindi! Bakit ba ang kulit mo?"😡
"Naniniguro lang naman ako na hindi ako magkakaroon ng karibal kapag niligawa kita."😐
"Ano?"😨
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nyang yun.💬
"Ahm...Demi, pwede ba kitang ligawan?"😶
"Ha? Ahm...huh! Alam mo ang galing mo talagang magbiro noh?"😅
"Seryoso 'ko...gusto kita Demi!"😍
Hindi ko alam ang sasabihin ko, wala akong ibang maisip na sabihin o isagot sa kanya sa mga sinabi nyang yun. Mabuti na lang biglang nagring ang phone ko. Salamat sa pagtawag ni Juni dahil dun naputol ang paguusap namin ni Terrence.💬
"Hello Juni...ano? Seryoso ka ba? Pupunta kayo dito?"😨
Hayun, dahil nagandahan sila sa lugar nagkayayaan daw sila na magswimming. Bukas na bukas daw babyahe na sila papunta dito. Agad ko nang niyayang umuwi sina Terrence para sabihin kay Tita na may dadting akong bisita bukas. Nilinis ko na ang kwarto na tutuluyan nila at tinulungan ako ni Terrence. Nagpakabusy ako para makaiwas sa napagusapan namin kanina. Alam kong hindi pa yun natatapos sa ganun dahil alam kong hihintayin nya ang sagot ko. Nung hapon din ngang yun habang naghahanap ako ng signal para itext sina Juni ay biglang lumapit si Terrence.💬
"Ahm...hoy! Ah...papasok na 'ko..."😅
"Iiwasan mo na lang ba 'ko? Hindi mo man lang ba sasagutin yung tanong ko sayo kanina?"😐
"Ahm...sorry, hindi naman sa iniiwasan kita...eh kasi...hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sayo eh."😶
"Dalawa lang naman anv pwede mong sabihin eh...oo o hindi lang."😐
"Ahm...bakit ba ako? Anong nagustuhan mo saken? Kelan lang naman tayo nagkakilala di ba?"😧
"Anong magagawa ko eh sa biglang tumibok ng mabilis 'tong puso ko dahil sayo eh at saka hindi naman nasusukat ang nararamdaman ng isang tao sa kung gaano kayo katagal magkakilala."😌
"Ahm...kasi Terrence...hindi pa 'ko nagpapaligaw eh, bawal pa kasi eh. Hanggat hindi ako nakakatapos ng pagaaral at hindi ko natutupad ang pangarap ko, hindi daw ako papayagan ni Papa na magkaboyfriend o tumanggap ng manliligaw.😓
"Ganun ba? So...binabasted mo na 'ko?😟
"Ahm...sorry! Alam mo mabait ka at malaki ang utang na loob ko sayo dahil niligtas mo ang buhay ko at ayoko sanang saktan ka pero hindi pa kasi talaga pwede eh..."😧
"Naiintindihan ko pero sana wag kang magbabago saken kahit na alam mong gusto kita. Sana maging magkaibigan pa rin tayo. Wag mo sana 'kong iwasan at kung sakali man na magtanong ulit ako sayo balang araw pwede mo na 'kong bigyan ng chance?"😐
"Ahm...oo naman! Friends?"😐
"Friends...for now..."😐
************************************
BINABASA MO ANG
"Pwedeng Tayo, Pwedeng Hindi"
Romance"Ito ay istorya ng dalawang taong takot mahalin ang isa't isa kahit nagmamahalan na talaga sila ng sobra."