"Page 7: Summer"

3 0 0
                                    

Summer na at pinayagan ako nina Papa na magbakasyon sa mga Tita ko. Maganda ang lugar nila, presko at halos tabing dagat lang sakto para makaraket ako. May maliit silang paupahang kwarto at meron ding restobar kung saan tumutulong ako kina Tita, parang summer job na rin sakto para sa ipon ko na idadagdag ko sa gastusin sa college. Ilang buwan ding matatahimik ang mundo ko mula sa kakulitan ni Mackenzie. Sa wakas nakaramdam din ako ng katahimikan at kapayapaan.💬











"Hoy miss, ilag!"😨








Napasaken nga ang katahimikang gusto ko dahil nawalan ako ng malay matapos akong matamaan ng bola sa mukha. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nagyari dahil bigla na lang akong nagising sa kwarto kung saan kami natutulog ng kapatid kong si Dylan. Pagmulat ng mga mata ko ay naaninag ko ang mukha ng isang lalake, maamo ang mukha nya at nangungusap ang mga mata nya at npagtanto ko na gwapo sya nang bigla syang ngumiti.💬








"Gising ka na!"😀

"Sino ka...?"😶







Biglang dumating ang pinsan kong si Gio, nandoon din sina Dylan at Tita.💬








"Naku, okay ka na ba Demi? Hindi ka na ba nahihilo ha?"😱

"Hindi naman po...ano po bang nangyari?"😮

"Hala ka Terrence, nagkaamnesia yata ang pinsan ko dahil sayo!"😨

"Ano ka ba Gio, tumahimik ka nga dyan! Demi, kaya mo bang tumayo? Hoy Gio, kumuha ka nga ng tubig dun! Bilis!"😌

"Ahm, ako na po ang kukuha!,"pagpiprisinta ni Terrence.😐







Sa totoo lang wala talaga 'kong maalala sa nangyari, ang natatandaan ko lang ay naglalakad ako sa tabing-dagat tapos biglang may nagsabi na umilag daw ako. Nalinawan na ako nang ikwento ni Tita ang nangyari, ang Terrence na 'to...sya pala ang may kagagawan nito kaya nabwisit ako sa kanya. Gwapo na nga sana sya kung hindi lang nya 'ko nilagyan ng bukol sa noo. Naalala ko tuloy si Mackenzie, baka karma ko na 'to sa kakapektos sa noo nya. Naging okay na rin naman ako kinabukasan, nagsimula na ulit ako sa trabaho ko sa bar pero hindinako masyadong nasisiyahan sa lugar na yun dahil araw-araw kong nakikita si Terrence at palagi kong naaalala ang ginawa nya sa noo ko. Dahil doon ay naging mainit ang dugo ko sa kanya, bestfriend sya ng pinsan ko at sa kamalas-malsang pangyayati sa buhay ko, yung katahimikang gusto ko eh sandali ko lang nakuha at sa masakit na paraan pa. Akala ko matatahimik ang bakasyon ko dahil wala si Mackenzie pero hindi ko akalaing may Mackenzie the second pala 'kong madadatnan dito sa probinsya. Kung si Mackenzie sobra sa kadaldalan at kakulitan, itong si Terrence ibang klaseng kakulitan ang taglay. Dinadaan nya ang paghingi ng sorry sa kung anu-anong mga bagay, pasimple at walang sinasabi. Ni minsan hindi ko sya nakausap, para naman kasing hindi sya nagsasalita. May pagkawirdo sya at misteryoso hanggang sa isang gabi na hindi ako makatulog kaya lumabas ako at umupo sa tabing-dagat. Bigla na lang sumulpot si Terrence at laking takot at gulat ko sa kanya, medyo madilim pa naman ang paligid tapos yung buhok nya mala-Uchija Sasuke ang dating.💬










"Oh, bakit gising ka pa?"😶







Aba, marunong pala 'tong magsalita?💬












"Eh ikaw bakit gising ka pa rin?,"inis kong sagot.😒

"Ano ba yan, galit ka pa rin saken? Wala na naman yung bukol sa noo mo ah?"😧

"Bakit, nagsorry ka na ba sa ginawa mo?"😤

"Kulang pa ba yung mga ginawa ko?"😮

"Ibang klase ka ring humingi ng sorry noh?"😒

"Eh, nakakatakot ka naman kasing kausapin eh!"😓

"Ano, bakit mukha ba 'kong multo? Bakit ngayon kinakausap mo 'ko, hindi ka na ba natatakot saken?"😤

"Hindi na, madilim kasi hindi ko masyadong nakikita ang mukha mo..."😐

"Ano, nangaasar ka ba talaga?"😬

"Ahm...hindi...bakit ba ang taray-taray mo? Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga..."😌








Daanin ba naman sa kanta ang pagsosorry nya pero in fairness maganda ang boses nya ha, oo nga pala kaya sya nandito kina Tita kasi rumaraket  din sya. Kumakanta at tumutugtog sya sa bar tuwing gabi at hindi ko naman sya napapanood dahil umaga lang ang shift ko.💬







"Kailangan ko pa bang tapusin yung kanta o kailangan ko pa ng ibang kanta? Sorry I never told you all I wanted to say...Is it too late now to say sorry oh I know that I let you down is it too late to say sorry now...sorry..."😃

"Alam mo may sayad ka rin noh! Hay...oo na sige na pinapatawad na kita, wag mo lang subukang ulitin yun kung hindi ikaw naman ang tatamaan saken! Baka magising ka na lang na nasa ospital ka na!"😌

"Grabe ka naman lalo tuloy akong natatakot sayo!"😨













Napatawa kaming dalawa at dun na nagsimula ang kwentuhan namin. Dahil sa pagkalibang namin sa kwento ng bawat isa ay hindi na namin namalayan na madaling araw na pala kaya yun tinanghali ako ng gising kinabukasan. Simula nung araw na yun naging kumportable na 'kong kasama si Terrence, dahil sa kwento ng buhay nya ay parang unti-unti ko syang nakilala. Pito daw silang magkakapatid na puro lalake kaya lang kailan lang nung dumating ang malungkot na pangyayari sa buhay nya. Namatay daw ang bunso at pinakamamahal nyang kapatid dahil sa dengue. Habqng kinukwento nya saken yun ay napansin kong tumulo ang luha mula sa mga mata nya. First time kong makakita ng isang lalaking umiiyak dahil namatay ang kapatid nya. Pagdating kasi sa mga lalake, ang naiisip ko puro rambulan o padamihan ng chicks pero mukhang iba si Terrence. Ang sarap siguro nyang maging kuya.💬








************************************

"Pwedeng Tayo, Pwedeng Hindi"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon