"Page 8: Savior"

4 0 0
                                    

Kinabukasan sa bar habang walang gaanong customer.💬






"Kuya Terrence, tulungan mo naman ako dito oh! Gusto ko tslagang matutong maggitara eh."😰

"Dylan, wag ka ngang mangulit dyan. Nakakahiya!"😌

"Ano ka ba, okay lang! Heto Dylan try mo..."😃





Napangiti na lang ako habang pinapanood sila. Mukhang naaaliw sya sa kapatid ko, siguro kaedad lang nya ang bunso nila.💬








"Ah...oo natatandaan ko na, itinuro din saken 'to ni Kuya Mackenzie noon eh!"😀

"Ano? Kelan ka nya tinuruang maggitara?"😨

"Natatandaan mo ba nung minsang pinasundo ako sayo ni Papa dahil may meeting sila, hindi mo 'ko nasundo noon kasi busy ka para sa debate na sinalihan mo. Ang tagal kong naghintay sayo nun sa waiting shed tapos bigla na lang dumating si Kuya Mackenzie. Ang sabi nya saken noon hindi mo 'ko masusundo kaya sya yung pumunta para sumundo saken. Ang saya nga namin noon eh kasi kumain pa kami ng pizza sa bahay."😀

"Ano? Pinapasok mo sya sa bahay?"😨

"Ah...naku lagot, sikreto nga pala namin yun!"😱

"Ang lokong yun talaga! Teka, pinapasok mo ba sya sa kwarto ko?"😨

"Ah..."😶

"Hay...nakakainis ka, bakit mo pinayagan?"😤

"Oh, relax lang...sino ba yung Mackenzie, boyfriend mo?"😮

"Hindi noh!"😣

"Future boyfriend daw..."😌

"Ano? Dylan!"😲

"Eh yun ang sabi saken ni Kuya Mackenzie nung tanungin ko sya kung gusto ka nya. Ang sabi nya, sya daw ang future boyfriend mo o pwede rin daw na future husband mo."😌

"Ang baliw na yun, kung anu-ano palang sinasabi sayo?"😣







Bigla na lang natawa si Terrence. Maya-maya pa ay nagkayayaan silang maglaro ng volleyball habang ako naman katatapos lng magligpit.💬



"Hoy Dylan, tama na yan mainit na oh, mamaya magkasakit ka pa nyan! Halika nga dito!"😌

"Ate naman oh, nageenjoy pa kami eh!"😦

"Wag nang matigas ang ulo, kargo kita dito kaya wag kang pasaway! Malalagot ako kina Papa kapag may masamang mangyari sayo. Oh, palitan mo na yang damit mo!"😌







Tinulungan ko syang magbihis saka ko nilagyan ng polbo at towel ang likod nya at hindi ko na napansin na pinapanood na pala 'ko ni Terrence.💬








"Naks,napakabuti mo namang ate! Alam mo ganyan ang hinahanap ko sa isang babae eh, yung hindi lang maganda magaling pang magalaga..."😊

"Ano? Hay, wag mo nga 'kong binobola dayan!"😒







Napangiti na lang ako sa sinabi nyang yun. Kinahapunan, pagsuswimming naman ang pinagkaabalahan nila.💬









"Dylan, umahon ka na dyan!"😌

"Mamaya na ate, ang sarap pang maglangoy eh!"😄

"Oo nga naman Demi, masyado ka namang OA sa pagiging baby sitter mo! Halika, sumali ka na samin!"😁








Isinakay pa nya si Dylan sa balikat nya.💬










"Hoy, baka mahulog yan!"😨

"Alam mo ang kj mo pala noh?"😌






Ibinaba nya si Dylan at ako ang pinagbalingan. Binasa nya 'ko at hinila hanggang sa mapaupo ako sa dagat.💬












"Aaahhh...Terrence! Ano ka ba?"😣

"Bakit, wag mong sabihing takot ka sa tubig?"😁

"Kapag ako nalunod lagot ka saken!"😣

"Lunod agad? Eh wala pa nga sa bewang ko ang lalim nito eh!"😆

"Kahit na,  jti ka sanay ka dito at marunong kang lumangoy ako hindi!"😣

"Talaga, hindi ka marunong lumangoy? Gusto mo turuan kita?"😊

"Ano? Hindi na noh!"😌

"Ate magpaturo ka na, di ba matagal mo nang gustong matuto?"😀







Napapayag na rin akong magpaturo sa kanya kasi gusto ko nga talagang matutong lumangoy. Magaling magturo si Terrence kaya mabilis akong natuto. Sobra 'kong nagenjoy sa paglalangoy at sa sobrang pagkaenjoy ko ay biglang pinulikat ang binti ko hanggang sa unti-unti na 'kong lumubog at nalunod. Nawalan na naman ako ng malay at sa pangalawang pagkakataon ng pagmulat ng mata ko ay mukha ni Terrence ang bumungad saken.💬








"Demi...naririnig mo ba 'ko?😧







Paulit-ulit nyang tinatawag ang pangalan ko habang nakahawak sya sa pisngi ko. Nung tuluyan na 'kong bumalik sa sarili ay sunod-sunod na ubo ang pinakawalan ko habang lumalabas ang tubig na nainom ko.💬










"Ate! Gising ka na, buhay ka!"😂










Inalalayan ako ni Terrence sa pagbangon ko.💬







"Demi, okay ka na ba? Sorry, dahil sa akin napahamak ka na naman..."😧

"Okay na 'ko...ano ka ba, ako ang may kasalanan hindi ikaw..."😟










Mula nang araw na yun naging OA si Terrence sa pagkaconcern nya kulang na lang wag nya 'kong paalisin sa kinauupuan ko.💬







"Demi, kain ka na nagluti ako!"😃

"Aba teka, sa tinagal-tagal mo nang nagbabakasyon dito sa bahay ngayon ka lang nagluto. Hoy Terrence, ikaw ha...akala mo hindi ko napapansin na duma-the moves ka dito sa pinsan ko!"😌

"Ahm...,"pagkatameme ni Terrence.😶










Napatingin ako kay Terrence habang napansin kong naiilang syang tumingin saken at bigla syang namula. Hindi ko na lang pinansin yun at sinimulan ko na lang kumain. Kinagabihan naisipan kong pumunta sa bar at nadatnan kong kumakanta si Terrence habang tumutugtog ng gitara. Sobrang galing nya, naalala ko tuloy si Mackenzie ag habang tumatagal ang pagtitig ko sa kanya ay  si Mackenzie ang nakikita ko. Nakatitig din sya saken at ngumiti nang biglang bumalik si Terrence sa paningin ko nung tinawag nya ang pangalan ko at pinalapit ako sa stage para kumanta.💬












"Sige Demi, pakitaan mo naman kami ng talent mo!"😁









Kantyaw ni Tita, kaya wala na 'kong nagawa kundi pagbigyan sya. Masaya kaming kumanta ni Terrence ng "Marvin Gaye" nina Meghan Trainor at Charlie Puth. Sobrang nagenjoy ako nung gabing yun pero bakit ba ganun, ayaw na ayaw ko nang pangungulit ni Mackenzie at ngayon ngang wala na sya sa paligid ko palagi ko naman syang naiisip at nakikita kay Terrence. Namimiss ko ba sya? Sa totoo lang ito na ng pinakamatagal na araw na hindi nya 'ko kinulit at halos patapos na rin ang bakasyon.💬







************************************


"Pwedeng Tayo, Pwedeng Hindi"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon