"Page 6: Prom"

2 0 0
                                    

Nang sumunod na araw balak ko sanang kausapin si Mackenzie tungkol sa problema nya pero kung kailan gusto ko syang makita at makausap saka ko naman sya hindi mahagilap, malamang magkasama sila ni Cindy. Buong Linggo akong naging busy  kasama sina Vince at Rain at buong Linggo ko dung hindi nakikita si Mackenzie hanggang sa dumating ang araw ng Prom. Maaga pa lang ay abala na ako sa pagtulong sa pagaayos ng hall at ilang oras pa bago magsimula ang party ay dumating saken ng isang masamang balita...hindi daw makakarating si Cindy dahil isinugod sa ospital ang Lolo nito kaya naman nagpatawag ako kaagad ng meeting.💬

"Anong gagawin natin? Klase pa naman natin ang unang magpeperform!. Nakakaloka naman 'to!", pagkataranta ni Juni.😰

"Wala pa ba si Mackenzie? Tawagan nyo nga yun!"😬

"Nandito na 'ko!"😌

"May iba ka pa bang pwedeng gawin, hindi ka pwedeng sumayaw nang walang partner!"😧

"Eh kung ako na lang kaya ang magsub kay Cindy? Keribells ko namang magpaikot-ikot at sumampa kay Papa Kenzie eh!"😉

"Pwede ba Juni, hindi ngayon oras para sa biro! Ano na Mackenzie, may suggestion ka ba?"😦

"Kailangan ko ng gitara..."😌

"Tama! Bakit ba hindi ko agad naisip 'to? Kqyong dalawa ni President, kumanta na lang kayo ng kahit anong love song! Bongga yun," pagsasuggest ni Juni. 😁

"Ano? Hindi ako pwede, kailangan pa 'ko sa..."😨

"Babes, papayag ka na lang bang mapahiya ang klase natin? Sandali lang naman yun!"😃

"Oo nga Demi, sige na ako na ang bahala sa mga kailangan mo pang gawin. Ipapaliwanag ko na lang sa faculty,"pagsangayon ni Alex.😀

"At kami naman ni Kim ang bahala sa make over mo! Pagagandahin ka namin ng bonggang-bongga!😉

"Tama, buti na lang ready ako," tugon ni Kim.😁

"Ahm...hay...sige na nga paravsa section natin!"😣

"Alright! Let the make over begin!"😂

"Hoy Juni, wag yung OA ha?"😧

At yun na nga hindi na 'ko nakatanggi pa. Kinulot nila ang buhok ko at nilagyan ako ng make up at yung dress na isusuot sana ni Kim ay saken napasuot, hindi nga 'ko masyadong kumportable kasi feeling ko nakikita na yung dibdib ko tapos medyo maigsi pa kaya naman sobrang naiilang ako. Maya-maya pa ay nagsimula na ang opening speech ng Principal at pagkatapos nun ay kami na, kinakabahan tuloy ako.💬

"Oh, nasan na si Babes?"😮

"Oo na, masyado kang excited eh! Demi, lumabas ka na nga dito," pagtawag ni Juni saken.😁



Lumabas na 'ko habang ibinababa ko pa ang dress kasi hindi talaga 'ko kumportable tapos hindi pa 'ko makalakad nang ayos dahil sa suot kong high heels. Tumingin ako kay Mackenzie na mukhang waka sa sarili nya habang nakatitig saken at halos mapanganga.💬







"Ahm...hoy! Ano, ano bang hitsura ko? Masyado bang revealing? Masagwa ba, hindi kasi 'ko kumportable eh!"😧

"Ano ka ba naman friend, hindi mo ba nakikita yang reaksyon sa mukha ni Papa Kenzie? Tingnan mo ang mukhang yan, yan ang mukha ng pagpapantasya at pagnanasa. Tingnan mo, kulang na lang tumulo ang laway nya!"😏

"Tama si Juni, bagay na bagay sayo yang dress ko buti na lang magkasi,e tayo! Pak na pak ang transformation mo!"😊

"Ano bang ginawa nyo? San nyo dinala ang babes ko? At sino 'tong anghel na mukhang kabababa lang mula sa langit?"😮

"Pwedeng Tayo, Pwedeng Hindi"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon