"Page 5: Secrets"

5 0 0
                                    

Pagdating namin sa bahay, hindi ko inaasahan na nakaabang na pala si Papa sa may gate at kinabahan ako sa tingin nya nang makita nya 'kong bumaba mula sa kotse ni Mackenzie. Well, nabanggit ko bang bad shot 'tong si Mackenzie kina Mama at Papa? Nung nasa elementary pa kasi kami madalas nyang pasakitin ang ulo ni Mama at madalas syang nasa office ni Papa dahil sa mga kalokohan nya.💬

"Oh, bakit magkasama kayo?k demetria, ang eabi mo bibili ka lang ng project. Hindi mo nabanggit na kasama mo pala si Mr. Rodriguez?"😑

"Ah...Pa, nagkita po kasi kami sa bookstore...nagkataon lang po na pauwi na rin sya kaya sinabay na po nya 'ko..."😓

"Ahm, good evening po Principal!"😁

"Ah...sige na umuwi ka na Mackenzie, salamat sa paghatid! Ah...Pa, pasok na po tayo?"😅

"Ah, babes...este...Demi pala...yung pinamili mo!"😓

"Anong sinabi mo? Hoy Demetria, anong babes ang pinagsasasabi ng lalakeng 'to? Hoy ikaw halika rito!"😬

"Ah, Pa wala lang po yun!"😥

"Anong wala? Halika rito!"😬


Agad kong kinuha ang pinamili ko at pinaalis ko na si Mackenzie habang inaawat ko si Papa.💬

"Ah...so...sorry po Principal!"😨


Sumakay na sya sa kotse nya at saka nya ito pinaharurot at ako...heto puro sermon ang inabot. Ang kulit naman kasi eh, okay na sana pabqbes-babes pa nananadya ba talaga sya? Nakakainis, siguradong duguan na naman ang mga tenga ko nito.💬


"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na layuan mo ang pasaway na yun, hindi sya mabuting impluwensya sayo, sagabal sya sa pagaaral mo! Ano, guto mo bang mapagaya sa ina nyang paulit-ulit nang pinaglololoko ng seaman nyang ama?"😠

"Arthur, tama na yan! Ano ka ba naman bakit kailangan mo pangbsabihin ang bagay na yan?😧


Nagulat ako sa sinabing yun ni Papa, hindi ko alam na ganun pala ang Papa ni Mackenzie at wala akong kaalam-alam na ganung kalaking problema na pala ang myroon ang pamilya nya. Sobrang bigat pala ng problemang pinapasan nya pero nakukuha nya pa ring magsaya. Palagi lang naman kasi syang masaya at maloko kaya hindi mo mababakas sa kanya na may ganun pala syang problema. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kasi imbes na matorete anv tenga ko sa sermon ni Papa, natotorete ang utak ko sa pagiisip kay Mackenzie. Bakit hindi nya sinasabi, bakit sinasarili lang nya yun? Kaya pala ganun sya sa Papa nya. Nagaalala at nalulungkot ako para sa kanya, kahit naman kasi ganun yun alam kong mabuti syang tao. Palagi nya 'kong kinukulit at palagi ko naman syang inaaway at sinusungitan pero sa totoo lang kung may isang tao man na lubos na nakakakilala saken maliban sa pamilya ko eh sya yun, sya yung madalas magpatawa saken kapag nalulungkot ako, sya yung laging nandyan kapag kailangan ko ng tulong, sya yung nangungulit saken kapag bwisit at wala ako sa mood at sya rin yun laging nagpapalakas ng loob ko sa tuwing down ako at kapag nadidisappointvko ang parents ko...kaya siguro ganito na lang ang pagaalala ko sa kanya kasi hindi ko man aminin sa sarili ko, sya ang besyfriend na mayroon ako at mahalaga sya para saken. Hindi ako makatulog nang gabing yun, iniisip ko pa rin kasi yung nalaman ko at naisipan kong itext si Mackenzie.💬






"Nkauwi knb? Sensya n kay Papa ha, kw nmn kc ang kulit2 mo pinikit mo p ko ihatid yn 2loy muntik k p magulpi ni PaPa."📱







Hinintay ko ang sagot nya pero hindi sya nagrereply.💬





"2log knb? Ok cge gudnyt!"📱





Ibinaba ko na ang cellphone ko sa mesa at matutulog na sana 'ko nang biglang magring ang cellphone ko, tumatawag si loko.💬







"Hello!"📲

"Bakit gising ka pa, ganun na ba kalaki ang pagaalala mo saken at hindi ka makatulog?"😊

"Oo..."😟





Matapos kong sabihin yun ay natahimik sya at hindi sumagot.💬





"Hello, nandyan ka pa ba?"😦

"Oo, nandito pa 'ko! Pasensya na hindi ko lang kinaya ang tuwa dahil nagaalala ka saken. Wag ka nang magalala mabilis naman akong magdrive kaya hindi ako maaabutan ng Papa mo kahit naman noon hindi nya 'ko maabutan ngayon pa kaya na may edad na sya..."😄

"Hoy, ama ko yang sinasabihan mo nyan kaya umayos ka! Kahit kelan ka talaga! Ayusin mo yang kilos mo, kapag napuno yun sayo lagot ka!"😒

"Oo na po, sorry na! Sa susunod magsusuot na 'ko ng armor kapag pumunta ko sa inyo para safe!"😁

"Puro ka kalokohan! Sa tingin mo naman pspayag pa 'kong pumunta ka dito ulit? Hindi na noh baka mamaya tuluyan ka na ni Papa eh!"😌

"Hmmp...kanina ka pa ha! Obvious na obvious nang care na care ka saken, nanginginig na tuloy ako sa kilig dito, kahit malamig at malamok dito hindi ko maramdaman dahil sayo..."😆

"Ano? Baliw ka talaga! Nasan ka ba?"😮

"Ahm...dito sa tapat ng bahy nyo!"😐





Napatayo ako sa kinahihigaan ko at halos mapasigaw sa pagkagulat sa sinabi nyang yun. Lumabas ako sa balcony at tumingin sa baba, oo nga ang baliw na 'to nasa labas nga.
Para syang sira habang nakatayo sa labas ng kotse nya.💬






"Sira ka talaga, anong ginagawa mo dyan? Kanina ka pa ba dyan?"😨

"Ahm...oo, naisip ko kasi na papagalitan ka ni Principal at baka kung anong gawin nya sayo tapos maisipan mong maglayas at makipagtanan saken!"😄

"Ano? Sira ulo ka talaga!"😆





Hindi mapigilan ang matawa nung mga oras na yun hanggang sa napatitig na lang ako sa kanya at naalala ko ang sinabi ni Papa.💬





"Oh, bakit natahimik ka? Pinagiisipan mo na bang makipagtanan saken?"😁

"Huh! Hindi noh at wala akong balak gawin yun! Alam mo umuwi ka na, gabing-gabi na noh, may pasok pa tayo bukas at kapag nahuli tayo ni Papa dito lagot tayo pareho. Sige na umuwi ka na!"😌

"Oo na, nakita ko nang okay ka eh!"😚





Sabay flying kiss pa, baliw talaga!💬







************************************

"Pwedeng Tayo, Pwedeng Hindi"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon