"Page 2: The Rain"

15 0 0
                                    

Isang hapon habang naglalakad ako pauwi, bumuhos ang malakas na ulan at buti nalang always ready ako. Binuksan ko agad ang payong ko nang bigla na lang may sumukob saken.💬

"Ay butiki!"😨

"May ganito ba kagwapong butiki?"😎

"Ano ka ba naman, aatakihin ako sa puso sayo eh! Anong ginagawa mo, di ba may practice kayo ngayon? At pwede ba alisin mo yang kamay mo sa balikat ko kung hindi tatamaan ka talaga saken!"😤

"Matagal na naman akong tinamaan sayo eh!"😍

"Hay naku tigilan mo nga ako! Wala ka bang sundo, may kotse ka di ba?"😡

"Motor ang dala ko eh tsaka hindi ko dala yung coat ko..."😆

"Sana nagdadala ka ng sarili mong payong! Tingnan mo nga kung gaano kalakas ang ulan, nabaabsa na 'ko!"😠

"Ang damot mo naman! Magpatila muna tayo sa 7/11...tara, sobrang lakas ng ulan eh!"👫

Hindi na 'ko nakatanggi pa sa bigla nyang paghila sa kamay ko. Umupo muna 'ko sa isang bakanteng upuan at bagot na hinihintay ang paghina ng ulan habang medyo nilalamig pa 'ko dahil nabasa ako. Maya-maya pa ay nagulat na lang ako nang ipinatong ni Mackenzie ang isang mainit na kape sa table saka umupo sa tabi ko.💬

"Wow, si James 'to ah? Ang gwapo nya talaga!" 😍

"Sus, bakit ba patay na patay ka dyan eh lamang lang naman saken yan ng isang paligo ah?"😕

"Ano ka, isang daang paligo kamo! Masyado ka namang bilib sa sarili mo!" 😒

"Eh ikaw, masyado kang bilib dyan sa pinagpapantasyahan mo eh may girlfriend na naman yan at imposibleng mapansin ka nyan!"😌

"Hay, wag ka ngang nangingialam dyan!"😒

"Wow ha? Salamat sa kape ha?"😡

"Oh bente, bayad sa kape mo!"😌

"Sinabi ko bang bayaran mo? Itago mo na yan!"😒

"Tingnan mo 'to...bahala ka!"😌

Masaya kong pinagmasdan ang mukha ni James sa paper cup na yun habang hinihintay kong lumamig ang kape.💬


"Ano, titingnan mo nalang ba yan? Mamaya bigla na lang matunaw yan eh!"😡

"Wag ka ngang nangingialam pinapalamig ko pa eh!"😑

"Sana sinabi mong iced coffee pala ang gusto mo!"😒

Tatalakan ko pa sana ulit si Mackenzie pero biglang nagring ang cellphone nya at imbes na sagutin ay inignore nya lang ang tawag na yun.💬

"Sino ba yun, bakit hindi mo sinagot? Bago mong girlfriend o ex mo? Sagutin mo na baka importante...sige na...okay lang..."😌

"Nagselos ka naman agad...si Papa lang yun..."😐

"Ano? Eh bakit hindi mo sinagot baka nagaalala na sya sayo?"😮

"Hah! Imposible!"😑

"Ano? Hoy, may problema ka ba? Alam ko madalas kitang tarayan pero kung may problema ka pwede mo namang sabihin saken..."😶

"Aba, gumegirlfriend material ka ha?"😏

"Ano? Baliw ka talaga, ano nga?"😮

"Wala...tara na mahina na ang ulan!"😌

Tingnan mo yun iniwan na 'ko, ni hindi ko pa nga naiinom 'tong kape ko! Sinundan ko na sya palabas habang dala ko ang kape at hindi magkandaugaga sa pagbubukas ng payong ko nang bigla nyang agawin ang payong.💬


"Akin na nga, inumin mo na lang yan!"😒


Madalas ko syang tarayan pero ewan ko kung bakit mabait pa rin sya saken. Hindi naman kasi 'ko naniniwala sa mga kalokohang pinagsasasabi nya saken kasi alam ko naman na hindi totoo yun. Imposible naman kasing magseryoso ang taong gaya nya sa taong gaya kong nerd at prinsesa ng katarayan. Isa pa, dahil matagal ko na nga syang kilala eh nakabisado ko na ang likaw ng bituka nya. Nasa junior high pa lang kami halos kalahati na ng babae sa school ang naging girlfriend nya at take note higher year pa yung iba, ganun sya katinik pagdating sa babae.💬

"Pagkagraduate natin tutuloy ka ba sa Med School?"😐

"Ha? Ahm...bakit mo naman naitanong yan?"😮

"Wala lang, wala 'kong maisip na pagusapan eh..."😌

"Depende kung maging valedictorian ako at makakuha ng scholarship, kahit kasi ipilit nina Mama na yun ang kunin ko alam kong hindi pa rin namin kakayanin ang gastos."😌

"Ganun? Pero sigurado naman akong ikaw ang magtatop eh, may tatalo pa ba naman sa katalinuhan mo at kasipagan mong magaral?"😌

"Eh ikaw, matutuloy ka ba sa pagsunod sa yapak ng Papa mong seaman?"😮

"Ewan...bahala na kung san ako dalhin ng kapalaran!"😌

"Ano? Hoy ikaw, ayusin mo nga yang buhay mo! Wag mong iasa sa universe ang future mo, dapat pinagiisipan, pinaplano at pinaghahandaan mo ang future mo!"😒

"Eh paano na lang kasi ang future ko kung wala ka?"😏

"Hay ewan ko sayo kapag seryoso ang usapan kung hindi ka umiiwas puro kalokohan ang sinasabi mo! Oh, dito na 'ko...ingat ka paguwi!"😒

Dumiretso na 'ko papasok sa kanto namin, kailangan nya pa kasing magbyahe malayo-layo pa rin ang bahay nila eh at hindi rin naman pwedeng makita ng parents ko na kasama ko sya kaya sa tuwing kasabay ko sya paguwi iniiwan ko na talaga sya pagdating sa kantong yun. Ilang bahay pa ang madadaanan ko bago ko marating ang bahay namin. Hindi kalakihan at simple lang ang aming tahanan, simpleng buhay pang naman kasi ang mayroon kami. Mayroon kaming tatlong kwarto, isang kwarto sa ibaba kung saan natutulog sina Mama at Papa at dalawang kwarto sa taas, ang kwarto ng nagiisa kong kapatid na si Dylan at ang kwarto ko kung saan may maliit na balcony. Nirequest ko talaga yun kina Mama, hilig ko kasing pagmasdan ang mga stars sa gabi. Sobrang ganda naman kasi nila at madalas akong nagbabakasakali na makakita ng shooting star pero hanggang ngayon hindi pa talaga 'ko nakakatsamba."💬


"Oh, bakit ngayon ka lang?"😮

"Ah...Ma, inabot po kasi 'ko ng malakas na ulan kaya nagpatila po muna 'ko."😐

"Sayang, kadadating lang din namin sana pala nadaan ka na namin sa school mo. Sige na magbihis ka na at baka sipunin ka pa nyan!"😌


Umakyat na 'ko sa kwarto ko at nagpalit ng damit saka ako humilata sa kama ko, nakakapagod din naman kasing maglakad. Bigla kong naalala yung paper cup na may mukha ni James Reid, bumaba ako saglit para hugasan yun at pagkatapos ay ipinatong ko na yun sa table na nasa sulok ng kwaryo ko kung saan nandun din ang iba pang posters at pictures ni James. Well, oo sya lang talaga ang lalakeng pinapangarap ko ngayon. Sobra naman kasing perpekto nya eh, super talented na gwapo pa at ubod pa ng hot. Alam kong puro pantasya lang ang aabutin ko sa kanya, tama si Mackenzie na kahit kailan hindi naman nya 'ko mapapansin pero okay lang, mabuti na yung pagdating sa lalake eh hanggang pantasya na lang muna 'ko kasi siguradong lagot ako kina Papa kapag nagkaboyfriend ako. Madalas kasi nilang ipaalala na unahin ko muna ang pagaaral ko para matupad ko ang pangarap kong maging isang doktor at syempre bilang isang mabuting anak kailangan ko yung sundin. Ni minsan nga hindi pa ako nagkaroon ng boyfriend at wala rin naman akong balak pa na magkaroon kasi magiging sagabal lang yun sa pagaaral ko kaya mabuting wag muna. May mangilan-ngilan din namang nagkalakas loob na ligawan ako noon pero sa ngayon wala na ni isa, siguro natatakot sila sa sobrang katarayan ko at isa pa hindi rin naman ako ganung kaganda. Hindi naman kasi ako mahilig magayos ng sarili, yun bang maglagay ng kahit anong make up, simpleng lipgloss at polbo lang okay na saken at madalas nakapony tail o nakabraid lang ang mahaba kong buhok. Madalas nga nila 'kong sabihan ng "Manang" pero okay lang kasi totoo naman, basta nasa tamang direksyon ang buhay ko."💬


************************************

"Pwedeng Tayo, Pwedeng Hindi"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon