Prologo

231 6 0
                                    

Ika 9 ng Setyembre taong 1809. Sa bilangguan sumusulat si Tinyente Roberto Crisostomo ng liham para sa kanyang ama. Sarado ang kanyang silid sa bilangguan ngunit saan kaya nya naririnig ang pagtangis ng isang babae? Kailangan nyang matapos ang kanyang liham.

Tatlumpung minuto na lamang at oras na ng kanyang bitay. Kinasuhan sya ng pagiging isang Filibustero. Hindi nya talaga matapos tapos ang liham. Nakakabingi. Palakas ng palakas ang mga hiyaw at palahaw ng iyak. Unti unti syang inaantok. Tinungo nya ang kanyang ulo. Tinakpan ang tenga. Hindi na nya kaya pigilin ang antok. Kasabay nito ang pagpikit ng kanyang mga mata.

Magkabilang Panahon by SuccubusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon