MAGKABILANG PANAHON
KABANATA IV
"Por Dios por santo santisimo napaka ingay mo Indio!" sigaw ng isang mala mestisong Pilipino. Nabigla si Sam sa nakitang napaka poging nilalang. Matangos ang ilong. Kumpleto straight at maputing ngipin. Mala James Reid na mukha pero tantya nya ay six footer ang lalaking ito.
"Patawad sa aking pangaabala sa iyong pagtangis binibini ngunit napakaingay at natutulig ang aking tainga. Naabala mo ang aking pagtulog" dagdag ng lalaki.
Tulala parin si Sam. Sa isip nya "Shet! Bakit ang pogi nya? Pero bakit ganun sya magsalita. At bakit tila naka costume sya ng guardia civil. May sinaunang baril pa!" Napangiti ang lalaki.
Natauhan si Sam. "Pakialam mo ba! Wala na sya! Sira na ang buhay ko. Pagtatawanan ako ng mga kapatid ko. I'm such a loser. Di na nya ako pakakasalan!" sigaw ni Sam sa lalaki. Muli ay umatungal ito ng malakas.
"Binibini hindi ka isang talunan. Maraming ginoo ang maaring magkagusto na pakasalan ka. Mangyari sanay tumahan ka na." pang aalo ng lalaki sabay akbay kay Sam.
"Manyak!" sigaw ni Sam sabay sampal sa lalaki.
"Umiiyak na nga ako nangchachansing ka pa!" dagdag ni Sam. Naguluhan ang lalaki.
"Binibini ano ang aking pagkakamali? Ano ang ibig sabihin ng manyak at tsan.. tsan.. tsansing? " tanong ng binata.
"Tse! Kunyari ka pang hindi ka manyakis. Pa bini-binibini ka pang nalalaman at mga salita mong pang sinaunang panahon ka pa! Bumalik ka na nga sa stage play na sinalihan mo! Doon ka magdrama! Punyeta!" sigaw ni Sam sa lalaki. Lalong naguluhan ang lalaki.
"Sinaunang panahon? Stage Play? Ang huling panonood ko ng ganoong pagtatanghal ay sa Pransya pa!" sagot ng lalaki.
"Tengenemuch naman kelan kaba pinanganak ng Nanay mo?" tanong ni Sam.
"isinilang ako ng aking ina noong 1781 at ako'y dalawangpu't walong gulang na." sagot ng binata.
"Eh panahon pa ni kopong kopong yun e. Wag mo nga ako pinagtitripan mister!" singhal ni Sam.
"Kopong kopong? Sino iyon?!" tanong ng binata. Nasapo ni Sam ang noo nya.
Imposible mangyari. Kinuwenta nya sa isip nya 235 years old na ang taong ito.
"FYI lang señor, September 27, 2016 na ngayon." sagot ni Sam. Sa isip nya anong modus ba ginagawa netong taong to at sya ang napagtripan. Nagulat sya ng kasahan sya ng baril ng lalaki.
"Isa kang mangkukulam. Ginamitan mo ako ng mahikang itim! Ibalik mo ako sa aking panahon kundi ika'y aking papaslangin!!!" galit na sabi ng lalaki
"Hooy! Kuya ang ganda ganda ko para maging mangku no! Saka wag mo itutok sakin yang pellet gun mo. Di ako tinatalaban nyan. Balik ka na sa show mo. Shooo!" pagtataboy ng dalaga.
Agad inilipat ng lalaki ang pagkatutok ng baril sa rebultong nasa likod ni Samantha. BANG!! Biglang nagtaas ng kamay si Sam at naglulumuhod.
"Kuya, ku-kuya.. Chill ka lang di ka naman mabiro.. Sorry na sorry na." naglulumuhod ang dalaga. Sino ba naman kase gusto matamaan ng shotgun diba.
"Pwes! Ngayon magandang mangkukulam! Ibalik mo ako sa aking panahon at ika'y patatawarin ko." utos ng lalaki.
Ano na ang mangyayari kay Samantha? Pag tinamaan ka nga naman ng kamalasan.
BINABASA MO ANG
Magkabilang Panahon by Succubus
RomanceSi Sam ay isang babaeng binago ang kasaysayan nang dahil sa pagmamahal sa taong nagmula sa nakalipas na dalawangdaang taon. Maitatawid kaya ng tadhana ang pag-ibig mula sa nakaraan patungo sa hinaharap?