Kabanata V

97 2 0
                                    

MAGKABILANG PANAHON

KABANATA V

"Ano binibini? Ngayon din ibalik mo ako sa aking panahon!" utos ng binata.

"Pasensya na hindi ko kaya at kahit anong abracadabra pa ang gawin ko hindi ko talaga kaya. Hindi ako mangkukulam o mahikero gaya ng inaasahan mo. Sige barilin mo na ako pero hindi talaga kita maibabalik sa panahon mo." iyak ng dalaga. Tinitigan lang siya ng binata tipong tinatantya nya kung totoo ba ang sinasabi nito. Itinayo sya ng binata at pinahid ang mga luha niya.

"Naniniwala na ako sa iyo binibini, wag ka na lumuha. Kung hindi ikaw, sino? Sino ang nagdala sa akin sa hinaharap?" tanong ng binata.

"Hindi ko alam, ang alam ko lang umiiyak ako sa..." tumingin at nagulat ang dalaga sa itsura ng puntod na iniiyakan nito. Tanggal kase yung ulo ng rebultong binaril ng lalaki.

"Patay.. Yari tayo!" sigaw ng dalaga. Walang reaksyon ang binata.

Nilapitan ng binata ang puntod at binasa ang nakasulat. ROBERTO CRISOSTOMO 1781-1809. Oo nga patay na siya ngunit bakit siya dinala sa hinaharap. Nalungkot siya. Natuloy pala ang pagbitay sakanya. Binitay nga ba siya? Hindi na nya ito matandaan. Ang alam nya lang hindi siya isang Filibustero. Napagbintangan lang. Hindi man lang siya nakapagpaalam sa kanyang ama't ina.

"Oy kuya! Bakit natulala ka?" sabi ni Sam na nakapag alis sa pagmumuni muni ng binata.

"Ako ito. Puntod ko ito." sagot nya sa dalaga. Imposible man, walang choice si Sam kundi maniwala.

"Alam mo siguro kailangan natin malaman ang nakaraan mo o bakit ka namatay or what. Mag research tayo. Baka naroon ang kasagutan." alok ni Sam sa binata.

"Ano ba ang research?" tanong ni Roberto. Napakamot ulo si Samantha. Bigla ring nagsimula umambon.

"Alam mo mister Roberto bago ko sagutin yan may mas matindi tayong problema eh." sagot ni Sam.

"Ano?" tanong muli ni Roberto.

"Eh ano kase kwan. Wala tayong tutuluyan kase taga Cebu pa ako. Wala din tayo kakainin. E ikaw galing ka sa past sigurado wala ka namang alam dito. Wala din ako pera dahil dala ni Mitch ang..." naputol ang pagsasalita ni Sam ng maglabas ng tatlong gintong barya si Roberto.

"Maaari ba natin gamitin ang salaping ito? Ito lang ang mayroon ako." alok ni Roberto.

Nanlaki ang mata ni Samantha. Ginto?! Pera?! Bigla niyang hinatak si Roberto papalabas sa lugar na iyon.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Roberto "Sa pawnshop!" sagot ni Sam.

"Ano ba yung pawnshop?" tanong ni Roberto

"Tsk! Wag na maraming tanong basta taralets!" pagmamadali ni Sam kay Roberto.

"Taralets? Pawnshop?" bulong ni Roberto sa sarili. Napangiti si Sam. Ibang klase ang taong ito. Habang naglalakad napasigaw si Sam.

"Yun oh! The Antique Shop and Pawnshop. Dun tayo!" sabay hinatak nya ang binata at patakbo silang tumawid ng biglang

"BEEEEEEEPPPP!!!"

prumeno ang isang Honda Civic na sasakyan. Nailigtas at nayakap ni Roberto si Sam. Nagkatitigan sila. Magkalapit ang mukha. Biglang tumibok ang puso ni Sam at umiwas ng tingin.

Tumayo si Roberto at inalalayan si Sam. Nilapitan ni Roberto ang driver ng sasakyan.

"De putang Indiong kutsero! Napakabilis mong magpatakbo ng... (napatingin sya sa sasakyan) ... Sa iyong kalesa. Anong klaseng kalesa ba ito?!!" galit na sigaw ni Roberto at tinutukan ng shotgun ang driver.

Agad hinatak ni Sam ang binata at nagpaumanhin sa driver at sinabing okay lang siya, medyo dumarami na kasi ang tao.

Tumawid siya at si Roberto papunta sa Pawnshop ngunit napahinto ang binata ng makita nya ang isang Appliance Store na may display na 48" flat screen tv. Namangha siya. Di na nya ito natitigan pa dahil hinatak na siya ni Sam papasok sa katabing Antique Shop.

Sinalubong sila ng isang matandang lalaki. "Anong maipaglilingkod ko sa inyo iha?" tanong ng matanda.

"Ah eh tumatanggap ho ba kayo nito? Meron po akong tatlong piraso nyan." Sagot ni Sam sa matanda habang ipinakikita ang gintong barya. Nanlaki ang mata ng matanda.

"Collectors item ito iha. Paano ka nagkaroon nito?" tanong ng matanda.

"Ah eh hindi na ho mahalaga yun tatanggapin nyo po ba?" tanong ni Sam. Agad binuksan ng matanda ang kaha. Nagbilang ng pera.

"Sixty thousand pesos iha. Sana ok na ito." alok ng matanda . Nanlaki ang mata ni Sam.

"Meron ka pa ba nito?" tanong ng matanda.

"Kulang pa ba binibini?" singit ni Roberto

"Mayroon pa akong isang kalupi nyan dito." at inilabas ang isang supot pa ng gintong barya galing sa kanyang bulsa. Lalo nanlaki ang mata ng dalaga. Nilapitan ng matanda si Roberto.

"Tunay na ginto ang iyong tsapa. At pang tinyente ang kasuotan mo. Antique din ang shotgun mo. Ipagbibili mo rin ba ito?" tanong ng matanda.

"Ah eh salamat ho manong, pero okay na po ito sa ibang araw nalang po ulit." paalam ni Sam sa matanda at hinatak si Roberto palabas ng shop. Papalabas na si Sam ng magsalita ang matanda.

"Asahan kita sa ibang araw iha.. At swerte ka sa iyong nobyo. Ingatan mo sya." bilin ng matanda at kumindat sa dalaga.

Magkabilang Panahon by SuccubusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon