Kabanata XV

65 8 0
                                    

MAGKABILANG PANAHON

KABANATA XV

Papunta na sana sila sa pagsusunugan kay Sam ng may aliping sumigaw.

"Señorito Roberto ang inyong inang si Doña Natividad ay inaapoy sa init ng katawan dahil sa malubhang kalagayan!" Agad bumaba si Roberto sa kabayo. Patakbo sana siyang pupunta sa kanilang mansion ng bigla itong humarap sa mga guardia civil.

"Ipagpaliban ang bitay. Dalhin siya sa bilangguan. Ako ang susunog sa kanya ng buhay" utos ni Roberto at tumalikod na.

Sa kulungan umiiyak si Sam at nagdadasal. "Lord sabi ko sainyo gusto ko na mamatay ito na ba yon? Dapat pala sinabi ko kung anong gusto kong pagkamatay. Bakit naman Lord sunugin ng buhay? Ang sakit nun e. Hindi pa ko makikilala. Lapnos lapnos tong balat ko sayang yung Gluta IV ko. " iyak ni Sam. "Lord! Pa extend naman ng life ko di pa nga ko naaalala ni Roberto e tegi na ako kagad?" pakiusap ni Sam sa kanyang panalangin.

Sa tahanan ng mga Crisostomo nakatayo ang magkapatid na si Simoun at Roberto. Lubos na silang nag-aalala dahil anumang oras maaaring mamatay ang kanilang ina.

"Roberto anong kaso ang hinahawakan mo?" tanong ni Simoun. "May binibining gumagamit ng mahikang itim sa hacienda.

Napagalaman ito ni Miguel sa usap-usapan ng mga paslit." sagot ni Roberto sa kuya nya.

"Hahaha mahika? Totoo ba iyon o gagamitan mo ng iyong mahika ang binibining iyon upang mahulog sa mga kamandag mo?" patuksong tanong ni Simoun. Natawa rin si Roberto. May itsura ang dalaga ngunit walang wala iyon sa mga babaeng naikama at nakasama nya. Wala siyang gusto dito. Nabago ang usapan ng gumalaw at magsalita ang kanilang ina.

"Roberto anak halika." Lumapit naman si Roberto at sumunod si Simoun.

"Bakit po ina?" tanong ni Roberto.

"Dalhin mo dito ang binibining gumagamit ng salamangka baka sakaling mapagaling nya ako." hiling ng Doña.

"Ngunit ina.." tututol pa sana si Roberto ngunit kinapitan siya ni Simoun sa balikat. "Opo ina dadalhin namin dito ang binibining nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan. Mapagaling ka lamang ina." sagot ni Simoun. Walang magagawa si Roberto kundi sundin ang nakatatandang kapatid nito.

Agad na nagtungo ang dalawa sa bilangguan kung saan umiiyak at nagsasalita si Sam mag-isa.

"Sumama ka sa amin binibini." bungad ni Simoun sa dalaga ng buksan ni Roberto ang rehas ng kanyang kulungan.

"Mamamatay na ba ako? O jusko wag po." iyak ni Sam. Itiningala ni Simoun ang mukha ng dalaga at pinahid ang luha.

"Hindi ka maaaring mamatay binibini. Hindi ka papatayin ni Roberto maniwala ka sa akin. Halika at sumama ka sa amin sa bahay. Pinapatawag ka ni ina." mahinahon at mabait na anyaya ni Simoun kay Sam. Si Roberto naman ay masama ang tingin sa kanya at tila napipilitan lang na isama si Sam. Sa kanilang paglabas kinalagan ng magkapatid ang kanikanilang kabayo.

"Roberto hindi mo ba siya isasabay?" tanong ni Simoun sa kapatid.

"Simoun hindi ako dumidikit sa mga hindi ko kauri at sa mga lapastangang indio!" galit na sagot ni Roberto at pinatakbo nito ang kabayo. Akala pa naman ni Sam mayayakap na nya si Roberto. Naiyak siya.

"Tumahan ka na binibini." pang aalo ni Simoun at niyakap nya si Sam. "Nawawala ang kagandahan sa iyong mukha tuwing ika'y lumuluha. Wag ka mag-alala ako'y naririto parin. Dito ka sa aking kabayo sumakay." alok ni Simoun kay Sam. Paano nga ba nya tatangihan ang isang kamukha ni Enrique Gil?

Tumango siya at inalalayan siya ni Simoun. Malungkot si Sam. Sobra. Napaka cold ng trato ni Roberto sakanya. Hindi nya akalain na masasaktan siya sa mga salita nito. Paano nya kaya ito iaapproach kung isang hampaslupa lamang ang tingin nya rito? Magagawa nya pa kayang ipaalala ang dati nilang pagmamahalan?

Magkabilang Panahon by SuccubusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon