MAGKABILANG PANAHON
Kabanata I
CEBU, 2016
Isang nurse si Samantha sa isang pampublikong ospital, 25 anyos at may ka live in siya. Ito ay si Michael 27 anyos at may anak itong babae, 7 taong gulang si Mitch. Hanggang ngayon ipinagdarasal ni Samantha na sana ay ayain na siyang magpakasal ni Michael. Isa lang naman ang problema, si Mitch. Mahirap i-please ang batang iyon. Nung minsan nga ay nadapa ang batang iyon at agad napatakbo si Sam sa kanya. Okay na sana ngunit pagdating ng ama nito ay biglang umiyak dahil tinulak daw sya ni Sam. Pinag awayan tuloy ito ng magkasintahan.
Minsan ay nakita ni Sam ang isang kahon na may ribbon sa cabinet ng nobyo. Na excite sya. Bka magpropose na si Michael. Hapunan ng ilabas ni Michael ang kahon. Kinakabahan si Sam.
"At bago tayo matapos kumain, gusto ko sana ibigay ito sa babaeng pinakamamahal ko... Mitch anak.." at niregaluhan ng pulseras na may brilyante ang bata at biglang nanlumo si Sam.Sa kusina habang naghuhugas ng pinggan si Sam ay biglang nagsalita si Mitch.
"Akala mo siguro papakasalan ka na ng daddy ko no? Never! Ayoko sayo. Bagay ka dyan maging maid!" pagsusuplada ng bata
"Mitch, di tama ang pakikipagusap mo sa akin. Mas matanda pa rin ako sa iyo ha?" mahinahon na paalala ni Sam.
"Dadddyyyy!!! Si Sam sabi nya ang panget daw ng gift mo sakin itatapon daw nya!!!" sigaw ng bata.
"Sam ano nanaman ba to? Di na ba kayo magkakasundo ni Mitch. Be kind to her anak ko sya" galit na sabi ni Michael.
"Hon wala akong sinabing ganun" paliwanag ni Sam. Sumenyas ng tigil si Michael at tumalikod kahit di pa tapos magsalita si Sam. Biglang bumelat ang bata pagtalikod ng ama nito. Kailangan ni Sam habaan pa ang pasensya niya. Pasasaan din at mapapaamo niya ang bata. O di kaya'y kailangan niyang masolo si Michael baka yun lang ang paraan upang makapag propose ito sa kanya. Tama ! Maghahanap na sya ng mapagbabakasyunan.

BINABASA MO ANG
Magkabilang Panahon by Succubus
RomanceSi Sam ay isang babaeng binago ang kasaysayan nang dahil sa pagmamahal sa taong nagmula sa nakalipas na dalawangdaang taon. Maitatawid kaya ng tadhana ang pag-ibig mula sa nakaraan patungo sa hinaharap?