MAGKABILANG PANAHON
KABANATA II
"Zamboanga del Norte!" sambit ni Sam sa sarili.
"Mukhang ang ganda ganda dito at mura ang plane ticket. Dito ko dadalhin si Michael at baka dito na siya mag propose. Aayain ko siya by next week paguwi ni Mitch sa lola niya." dugtong niya habang nagbabasa sya ng ads sa internet tungkol sa Travels and Tours. Hindi niya alam ay nakasilip si Mitch sa kanya.
Gabi ng matapos ang shift ni Michael sa trabaho at dumating ito sa bahay. Agad nagpakalong si Mitch sa ama habang naghahanda ng hapunan si Samantha.
"Mitch anak next week babalik ka na kay mama at maghahanda na kayo para sa pasukan" bilin ni Michael sa bata.
"But Daddy, gusto pa kita kasama. And I want to stay with Sam." sagot ni Mitch kung kaya't napalingon si Sam.
"Diba Sam okay lang sayo?" sabi ni Mitch kay Sam habang pumaplastic ng ngiti.
"Ah.. O-okay." sagot ni Sam habang nakangiti namang nakatingin si Michael sa kanila.
Pagkatapos ng hapunan magkausap sa kwarto ang mag nobyo.
"Hon I think you need a break sa trabaho." lambing ni Sam sa katipan. Napalingon si Michael sa dalaga.
"What do you mean Sam?" tanong nya.
"What if we magbakasyon tayo? My treat hon. " nakangiting alok ni Sam at napangiti rin Michael.
"Bakit ko naman tatanggihan yan?" ngiting sagot ng lalaki.
"Kailan ba yan Hon ng maiayos ko ang leave ko." tanong niya kay Sam.
"Nakapag pabook na ako ng flight at hotel natin next week." excited na sagot ni Sam.
"Tamang tama! Isasama natin si Mitch." sagot ni Michael. Nanlumo bigla si Sam. Paano nga ba sya makakatanggi sa taong gusto niyang alukin siya ng kasal. Gastos niya for three heads? Wala yun sa pagbubudget nya ng savings niya pero ano magagawa nya? Ang sweet vacation maging sweet pa kaya?
![](https://img.wattpad.com/cover/85000226-288-k248471.jpg)
BINABASA MO ANG
Magkabilang Panahon by Succubus
RomansaSi Sam ay isang babaeng binago ang kasaysayan nang dahil sa pagmamahal sa taong nagmula sa nakalipas na dalawangdaang taon. Maitatawid kaya ng tadhana ang pag-ibig mula sa nakaraan patungo sa hinaharap?