MAGKABILANG PANAHON
KABANATA XII
Sa kwarto nadatnan ni Sam si Roberto na nilalaro si Cookie. Yan ang ipinangalan nila sa kanilang "anak" na puppy. Nilingon ni Roberto si Sam, puro galos ang mukha nito. Nilapitan ito ni Sam at hinaplos ang kanyang mukha.
"Roberto bakit mo siya tinawag na Miguel?" tinutukoy ni Sam ay si Michael. Nagkuyom ng palad si Roberto.
"Hindi ako pwedeng magkamali mahal ko. Kung hindi siya ang tampalasang indio na iyon bakit magkawangis silang dalawa?" tanong ni Roberto kay Sam.
"Hindi kaya parte parin ito ng nakaraan? Babalikan mo pa ba ang nakaraan ? Importante pa ba iyon sa iyo? Matagal ka ng patay Roberto. Iiwanan mo rin ba ako tulad ni Michael?" tanong ni Sam na puno ng kaba pag-aalinlangan at kalungkutan.
"Hindi na mahal ko. Hindi na ako babalik sa nakaraan. Malinis at dalisay ang aking pagmamahal at walang sinuman ang makapagbabago nito." wika ni Roberto. Unti unting nagdikit ang kanilang labi. Ang mababaw na halik ay lumalim na animo'y sabik na sabik sila sa isa't isa. Ang kanilang katawa'y nagniig at bawat haplos ay puno ng init, romansa, at pag-ibig.
Sa gabing ito inangkin nila ang bawat isa at parang ayaw ng tumigil pa. Sa ilalim ng puting kumot ang kanilang hubad na katawan ay nabalot.
"Ito ang pinakamasayang gabi ng aking buhay mahal ko." sambit ni Sam habang nakahiga sa ibabaw ng dibdib ni Roberto.
"Huwag ka ng mawawala sa akin ha?" naninigurong tanong ng dalaga.
"Hindi na ako aalis. Masaya na ako at naranasan kong umibig sa tulad mo Samantha." sabi ni Roberto habang hinahaplos ang buhok ng dalaga. Natulog sila ng mahimbing. Magkayakap at puno ng pag-ibig.
Kinabukasan nagising si Sam. Ang ganda ng ngiti nya. Napansin nyang nakasuot na sakanya ang kanyang damit. Napangiti sya at naisip na ginawa iyon ni Roberto. Hinanap ng kanyang mata ang binata. Kung anong kaba ang kanyang naramdaman. Kakaibang kaba.
"Roberto mahal ko? Nasaan ka?" tanong ni Sam. Walang sumagot. Hinanap nya ang mga damit ni Roberto. Wala. Ang sipilyo nito ay wala din. Ang dating dalawang twalya ay isa nalamang. Nakita nya si Cookie na tulog sa isang sulok. Lumabas sya upang hanapin si Roberto ngunit di nya rin ito natagpuan. Pumunta sya sa pawnshop upang tanungin kung nakita ng matandang lalaki si Roberto ngunit wala raw itong matandaan at nung nagpapalit sya ng gintong barya ay wala naman daw syang kasama. Sa petshop naman ay si Sam raw ang bumili kay Cookie at hindi isang lalaki. Naiiyak na si Sam nagpahinga siya sa parke kung saan sila laging pumupunta. Tama! May isang makakakilala sakanya yung photographer! Nilapitan nya ito upang tanungin ngunit wala daw syang maalala na kasama nito sa parke na nakunan ng litrato. Tama! Ang mga litrato kailangan nyang mahanap iyon. Umuwi siya sa kanila at nadatnan ang landlady na nagwawalis ng bakuran.
"Ah Aling Isidra napansin nyo po ba si Roberto?" tanong ni Sam.
"Roberto? Sino iyon iha?" tanong ng matanda. "Yung kasama ko hong lalaki nung umupa ako dito?" sagot ni Sam. "Iha mag isa ka lang nung araw na umupa ka rito.
Hindi ba't pinahiram pa kita ng damit dahil basang basa ka?" sabi ng landlady. Yumuko at naiyak na lang si Sam na pumasok sa apartment. Hinanap nya sa drawers ang mga litrato. Nanlumo siya nung makita nyang sya lang magisa ang naroon. Umiyak siya. Wala na si Roberto. Nakabalik na siya sa nakaraan. Wala ring makaalala sa kanya. Napansin nyang may nakausling notebook sa ilalim ng sofa. Nabigla sya sa nakita. Mga larawan nyang nakaguhit habang siya'y tulog. Humagulgol siya. Kahit anong gawin niya o hanap nya kay Roberto hindi na nya ito makakasama pang muli.
![](https://img.wattpad.com/cover/85000226-288-k248471.jpg)
BINABASA MO ANG
Magkabilang Panahon by Succubus
RomanceSi Sam ay isang babaeng binago ang kasaysayan nang dahil sa pagmamahal sa taong nagmula sa nakalipas na dalawangdaang taon. Maitatawid kaya ng tadhana ang pag-ibig mula sa nakaraan patungo sa hinaharap?