MAGKABILANG PANAHON
KABANATA III
"Here we are!" Sigaw ni Mitch ng makarating sila sa destinasyon. Dito balak ng malditang batang ito na isagawa ang kanyang plano. Ang mabura sa buhay ng daddy niya si Samantha.
Gusto ng batang na siya lang ang love ng Daddy niya. Selfish. Three days ang stay nila dito sa Zamboanga. Ni minsan di niya pinasingit si Sam sa kanilang mag ama. Tiyak niyang inis na inis na si Sam. Alam din naman niyang di siya papatulan nito. May sariling hotel room ang batang ito. Request niya iyon kay Sam kung kaya't sigurado butas ang bulsa ng dalaga. Sinasadya niya ring mang istorbo sa gabi at tatabi sa gitna ng Daddy niya at ni Sam. Nagkukunwari siyang di makatulog. Non-sense ang kwarto niya hindi ba? Kumbaga panira siya ng sweet moments.
Third day. Destination nila ay Dapitan . Umikot ikot sila. May mga articles doon karamihan ay patungkol kay Dr. Jose Rizal. Doon kasi siya ipinatapon ng mga Kastila. Doon ibinibilanggo ang mga Filibustero at mga traydor sa pamahalaan ng Espanya. Busy sila sa pagtingin tingin nila sa paligid.
"Sam, pakitignan muna si Mitch. Hanap lang ako ng restroom." paalam ni Michael. Tumango naman ang dalawa.
"Mitch keep still okay? Wait natin si Daddy mo." bilin ni Sam sa bata. Ilang saglit pa ay biglang nawala si Mitch. Nataranta si Sam. Yari siya kay Michael sigurado. Sa gilid ng gusaling kinatatayuan niya nakita niya si Mitch. Alam na alam na niyang pinagtitripan siya ng bata. Nilapitan niya ito.
"Mitch di yan magandang biro pinag alala mo ako." saad ni Sam. Nakita niyang umiiyak si Mitch. Medyo naawa siya.
"Ano bang problema?" tanong ni Sam ng mahinahon. Tinuro ni Mitch ang tuhod nya. Dumudugo ito. Naawa na talaga si Sam. Di naman pala trip yun.
"Tahan na mababaw lang yan. Wag ka na umiyak." pagpapatahan ni Sam. Nagulat siya ng niyakap siya ni Mitch, at bumulong ito, "Sam nawawala yung bracelet na bigay ni Daddy." at umiyak ng todo lakas.
"Osige, hanapin ko ha? Dito ka lang." bilin ni Sam ngunit lalong lumakas ang iyak ng bata ng makita si Michael.
"Hey what happened? Sam ? Mitch? Anong problema?" tanong ni Michael.
"Hon nadapa siya. At nawawala yung bracelet na bigay mo sakanya." paliwanag ni Sam.
"No!! That's not true Daddy! Tinulak niya ako. Sabi nya umalis na daw ako sa buhay mo para masolo at pakasalan mo na daw sya. Kinuha nya yung bracelet na binigay mo sa akin then tinapon nya. Ang bad bad bad ni Sam. She's so mean!" iyak ni Mitch. Galit na galit si Michael.
"You know Sam, sayang. You ruined everything. Balak ko na sana mag propose ngayon sayo dito sa simbahan but I already saw the real you. If you can't accept my child. You can't be my wife. Its over Sam. We're leaving." sagot ni Michael.
Natulala si Sam. Nakita nyang binuhat ni Michael si Mitch at isinakay sa bus. Huli na ng makita nyang dala ni Mitch ang bag nya. Naroon ang pera nya at ang plane ticket nya pabalik ng Cebu. Naiyak sya. Sobrang iyak mga 1 million . Jk. I mean ang malas ng buhay nya. No money, no where to live. Paano na sya? Ang saklap. Iwan na iwan sa ere. Hagulgol to the max.
BINABASA MO ANG
Magkabilang Panahon by Succubus
RomansaSi Sam ay isang babaeng binago ang kasaysayan nang dahil sa pagmamahal sa taong nagmula sa nakalipas na dalawangdaang taon. Maitatawid kaya ng tadhana ang pag-ibig mula sa nakaraan patungo sa hinaharap?