Kabanata XIX

88 7 0
                                        

MAGKABILANG PANAHON

KABANATA XIX

Lumipas ang ilang araw hindi na nagkikita sina Roberto at Samantha. Napapansin ng binata na umiiwas na ito sakanya. Masaya ang pagtira ni Samantha sa mansion. Ang mga aliping babae ay natutong gumamit ng lipstick. Mayroon ding naririnig ang binata na bagong salita tulad ng
"echos lang", "charr", "keme lang" "enebe" at kung anu ano pa.

Ang mga anak naman ng alipin ay naglalaro ng "pak ganern" na tila sumasayaw at umiiktad ang balakang. Masaya ang mga taga Villa Crisostomo sa pananatili ni Sam doon.

Natututo din lumaban ang mga binubugbog na kababaihan. Sabi daw ni Sam huwag maging martyr. "Sabi ni Sam, kagaya ni Sam, turo ni Sam" ayan na lamang ang naririnig ng binata araw araw.

Nagsisisi siya na napasama nya ang kalooban ng dalaga. Nais nyang humingi ng kapatawaran ngunit hindi niya alam kung paano.

Isang araw palabas si Sam ng kwarto. Nadatnan ni Sam sina Simoun at Roberto na may kasamang babae sa sala.

"Sam! Halika at ipapakilala kita sa aking katipan." aya ni Simoun. Nagkatinginan lang si Roberto at Sam. Lumapit ang dalaga.

"Sam siya pala si Katarina. Katarina siya naman si Sam ang nagligtas sa akin." pagpapakilala ni Simoun sa dalawang dalaga. Pansin ni Sam na pumeke lamang ng ngiti si Katarina. Plastik. Inimbitahan ni Simoun si Sam na sumama sa kanilang salu-salo. Si Simoun at Katarina sa harap at si Roberto naman ang katabi niya. Hindi siya magkanda igi ng upo. Hindi kasi sila nagkakatinginan ni Roberto, parehas silang walang imik. Tuwing sinusulyapan ni Sam si Katarina naisip nya na maganda rin pala ito. Parang Liza Soberano. Pero bakit ganun na lamang ang mga palihim niyang sulyap kay Roberto?

Natapos ang salu salo at bumalik na sa kanyang gawain si Sam.
Gabi ng maisipan ni Sam na magpahangin sa labas ng mansion. Umikot ikot siya sa labas ng villa ng may narinig siyang nag uusap.

"Hindi mo ginawa ang ipinaguutos ko Miguel! Hindi mo nilunod ng mabuti si Simoun sa lawa! Pinapanood kita! Tapos ano? Pagsasawaan mo nanaman ang katawan ko ?!" bulong ng isang babae. Hindi siya pwede magkamali. Boses ni Katarina iyon. Kung ganun, siya ang may pakana ng muntikang pagkalunod ni Simoun. Ngunit bakit?

"Bakit mo ba kasi pinagdidiskitahan ang magkapatid na Crisostomo nandito naman ako diba? Naliligayahan ka naman sa akin diba? Diba?!" at pinaghahalikan ni Miguel si Katarina. Tsk tsk bagay nga sila ni Josefina parehas silang taksil.

"Anu ba Miguel?! Tumigil ka muna! Ang gusto ko si Roberto, gumawa ka ng paraan Miguel! Kailangan maikasal ako kay Roberto! Ayoko kay Simoun!" sabi ni Katarina. Nabigla si Sam sa kanyang nalaman. Nanganganib ang magkapatid na Crisostomo sa babaeng ito. Agad siyang bumalik sa mansion. Kailangan niyang sabihin kay Roberto ang lahat.
Kinabukasan hinanap nya si Roberto. Naroon siya sa lugar kung saan nagsasanay ang mga kawal. Kumatok siya.

"Tinyente Roberto" bungad ni Sam. Napatingin si Roberto sakanya na abala sa pagkwenta ng halaga ng armas na gagamitin para sa mga rebeldeng indio.

"Bakit Sam? Hihingin mo ba ang kapatawaran ko? Kung ganun patawad. Makakaalis ka na." sabi ni Roberto ng hindi man lang tumitingin sa kanya.

"Roberto hindi mo ba talaga ako nakikilala? Ako to si Samantha. Galing ako sa hinaharap. Girlfriend mo ako." iyak ni Sam.

"Mangkukulam ngayon naman manghuhula? Nagpapatawa ka ba Sam?" natatawang tanong ni Roberto.

"Hindi mahal ko, ako to si Samantha. Ako to." hagulgol ni Sam.

"Kung galing ka sa hinaharap anong mangyayari sa Pilipinas? Mananalo ba kaming sandatahang lakas ng Espanya?" tanong ni Roberto.

"Hindi mahal ko. Mag-aaklas ang mga Pilipino, ang KKK, at lahat ng iyon ay dahil sa mga aklat ni Dr. Jose Rizal! Matatalo rin ang Espanya sa look ng Maynila dahil sa mga taga Amerika." sagot ni Sam. Buti nalang present siya nung tinuro yun ng guro nya sa history.

"kalokohan. Hahaha! Malakas ang Espanya!" pagyayabang ni Roberto.

"Maniwala ka totoo ang sinasabi ko at ikaw mahal ko galing ka na rin sa hinaharap kung saan tayo nagkakilala!" giit ni Sam.

Napaisip si Roberto. "anong katibayan mong galing na ako sa hinaharap?" tanong ng binata. Nakita ni Sam ang kinikwentang papel ni Roberto. Inilabas nya ang huli nyang bala. Ang calculator.

"Instrumento iyan na galing sa hinaharap upang mapadali ang pagbilang. Subukan mo gamitin." alok ni Sam. Tinitigan ito ni Roberto at kinuwenta ang nasa papel gamit ang calculator na parang bihasang bihasa sya rito. Biglang nagsalita si Sam.

"Kung hindi ka galing sa hinaharap bakit alam mo basahin ang mga numerong nariyan? Ako Roberto. Ako ang nagturo ng Arabic Numerals sayo." sabi ni Sam. Nabigla si Roberto sa kanyang nagawa at naibato ng di sinasadya ang calculator.

"Ginamitan mo ako ng mahikang itim mangkukulam!" sigaw ni Roberto dahil sa pagkabigla. Hinaplos ni Sam ang mukha ni Roberto.

"Hindi mahal ko. Totoo ang sinasabi ko." mahinahong paliwanag ni Sam.

"Kung galing ako sa hinaharap at naging kasintahan kita ano ang personal na bagay ang alam mo tungkol sa akin?" tanong ni Roberto. Sumagot ang dalaga. "Si Joaquin."

Magkabilang Panahon by SuccubusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon