MAGKABILANG PANAHON
KABANATA XI
Maagang nagising si Sam. Napansin niyang napakatahimik ng bahay. Napabalikwas sya ng bangon. Wala si Roberto! Inikot nya ang buong apartment ngunit wala siya. Nakabalik na ba sya sa kanyang panahon? Hindi. Hindi maari. Hindi nya pa nasasabi ang kanyang tunay na nararamdaman. Nag-ikot ikot sya sa mga tindahan upang magtanong ngunit wala syang makuhang maayos na sagot. Alalang-alala sya at wala syang magawa!
Dalawang oras nang nawawala si Roberto! Doon ay nagsimula na siya umiyak sa harap ng gate ng apartment. Pinagtatadyakan nya ang lupa at umatungal na parang bata.
"Roberto nasan ka na bang hayup kang lalaki ka. Masisiraan ako ng ulo sayo . Bakit di ka man lang nagsabi na iiwan mo na ako!" atungal ng dalaga. "Roberto bumalik ka bumalik kaaa. Punyeta ka mahal na mahal kita tapos iniwan mo lang ako." sigaw nya habang umiiyak at humahagulgol.
"Binibini mahal mo na ako?" ngiting tanong ni Roberto. Napatingala si Sam. "Punyeta ka!" sigaw ni Sam sabay BOOOGGSHH! Sinapak ni Sam si Roberto. "Inutil estupido saan ka nanggaling kanina pako hanap ng hanap sayo. Akala ko napano kana. Paano kung napagkamalan kang adik? Paano kung ipabaril ka ng bonet gang ? Paano kung.."
Nahinto ang pagsasalita ni Sam ng halikan sya ni Roberto. Biglang umatungal ulit si Sam.
"Tumahan ka na Sam. Ako rin mahal na rin kita" sabi ni Roberto at pinahid nito ang mga luha sa pisngi ng dalaga.
"Saan ka ba kasi galing. Akala ko bumalik ka na sa nakaraan at tuluyan mo na akong iiwan" hikbi ni Sam. Natawa si Roberto.
"Nagpunta ako dun sa pawnshop at nagpapalit ng salaping papel. Pumunta rin ako sa mga indiong naglalaba ng damit at binilan din kita nito." sabay inabot ni Roberto ang isang shih tzu puppy sakanya. Tuwang tuwa si Sam!
"Ngunit paanong nakapunta ka sa ganun kalayong mga lugar ng hindi mo ako kasama?" tanong ni Sam.
"Ang bawat kilos mo, salita mo at turo mo ay tinatandaan ko at hindi ko kinalilimutan mahal ko. Pinagaaralan ko kung paano mamuhay tulad ng nasa makabagong panahon. Nagdesisyon ako na ialay sa iyo ang aking pagmamahal. Hindi ko na nais bumalik sa aking pinagmulan bagkus nais kong samahan ka at ibigin ka hanggang sa aking huling hininga." sambit ni Roberto kay Samantha. Mukha man tula sa pandinig hindi na iyon pinansin ni Sam. Isa lang ang alam nya. Natagpuan na niya ang lalaking para sa kanya.
"Pumasok na tayo sa loob mahal ko. Taralets!" sabi ni Roberto kay Sam. Doon ay natawa si Sam at tuluyan na silang pumasok sa apartment.
Gabi ng kumatok ang landlady nila may naghahanap daw kay Sam. Isang lalaki at isang batang babae. Nagulat si Sam ng makita nya kung sino iyon. Si Michael at si Mitch. Dirediretso silang pumasok sa sala ni Sam.
"Anong ginagawa nyo dito Michael? I thought we're over?" tanong ni Sam.
"Patawarin mo ako Sam. Nabigla lang ako noon. Nalaman ko na nagsisinungaling si Mitch sa akin ng makita ko ang bracelet sa bulsa nya. Pinagalitan ko siya at maniwala ka, hinanap ka namin. Patawarin mo ako at ang bata." pakiusap ni Michael.
Sakto namang papalabas ng kwarto si Roberto upang ayain ng pumasok si Sam. Nabigla siya ng makita nya si Michael.
"Tampalasang indio!" BOOOGGSHH! Sinapak ni Roberto si Michael. "Hanggang dito ba naman ay susundan mo ako Miguel?! Ikaw ang Filibustero hindi ako!!" binugbog ni Roberto si Michael.
"Teka! Teka! Roberto! Sandali, hindi siya si Miguel." pigil ni Sam kay Roberto.
"Fvck!" sabay punas ng dugo sa gilid ng labi nya si Michael. "Who is this Sam? Anong filibustero ang pinagsasabi ng mokong na to?" sabi ni Michael at tinignan mula ulo hanggang paa si Roberto tila naghahamon ng isa pang gulo.
"Aba! Sinusubukan mo talaga ang tapang ko Miguel!" sabi ni Roberto at akmang susugod. Humarang sa gitna si Sam.
"Teka nga maghulos dili kayo!" sigaw ng dalaga. Natahimik ang dalawa. "Umuwi na kayo Michael. I have no business with you anymore. Tama na lahat ng sakit na ibinigay mo sa akin. Tama na." sabi ni Sam.
"But hon, I'm sorry. We're sorry. Paano na ang ating kasal?" Lumuhod si Michael at inilabas ang singsing. Napaluha si Sam. "Sorry Michael. Hindi ko na iyan matatanggap. Umuwi na kayo." Sabi ni Sam.
"Bakit? Dahil ba sa gunggong na yan? Siya ba ang ipinalit mo sa akin?" Tanong ni Michael. "Oo! Ako ang nobyo ni Samantha. Girlfriend ko siya at handa ko siyang pakasalan! Kung kaya't umalis ka at wag mo na kami guguluhin pa Miguel!" Sagot ni Roberto.
"Putangina mo! Sinabing hindi Miguel ang pangalan ko!" Sigaw ni Michael at sinapak si Roberto. Uundayan nya pa sana ng isa pang suntok ngunit umiyak na si Mitch kaya tumigil na si Michael.
"Tita Sam, I never called you tita before but please comeback to us. I'm very sorry. I'm the mean one. Hindi ko naman gustong makita si Daddy umiyak gabi gabi. I'm really sorry." At umiyak na ang bata. Pinatahan siya ni Sam.
"Ssshhhh baby don't cry . Its not your fault anymore. Its just that its over between me and your dad. Don"t worry. I'll visit you some other time." Pang-aalo ng dalaga sa bata at tuluyan na ngang umuwi ang mag ama sa Cebu . Ibinalik naman kay Sam ang mga gamit nito at ang plane ticket nya pabalik dun.
![](https://img.wattpad.com/cover/85000226-288-k248471.jpg)
BINABASA MO ANG
Magkabilang Panahon by Succubus
RomansaSi Sam ay isang babaeng binago ang kasaysayan nang dahil sa pagmamahal sa taong nagmula sa nakalipas na dalawangdaang taon. Maitatawid kaya ng tadhana ang pag-ibig mula sa nakaraan patungo sa hinaharap?