Four

79 0 0
                                    

Paghanga



Second week na ng training.



"Kain tayo guys," alok ni Anne sa kanila ng pagkain. Gaya nila ay may baon ito. Nasa pantry sila at kumakain ng lunch at silang anim ang magkakasama. Silang anim ang magkakasama. Si Lucas ang nasa dulo at katabi nito si Anne, at siya.



Sa kabilang side naman si Peter na nasa dulo, Daddy Robert at si Benj. Nakaharap siya sa binata.



"Picture tayo," sabi ni Anne.



"O, eto gamitin niyo. Benj, tutal naman mahaba ang braso mo, ikaw na ang mag picture."




Inabot ni Benj ang cellphone mula kay Lucas.



"O guys, 1,2,3," sabi ni Benj. "O, isa pa."



Ibinalik ni Benj ang phone pagkatapos nilang magpicture gamit ang cellphone ni Lucas.



"Picture ka, Loui," sabi ni Benj. This time, phone naman nito ang gamit nito. Ngumiti naman siya at nag-pose.



"O, baka ipang-DP mo to, ha?" sabi nito.



Ano raw? Anong DP?



Tumawa na lang siya para magkunwaring alam niya ang sinasabi nito. Maitanong ko nga ito kay Jay mamaya.



"Hindi, ah," sabi niya.



"Tara, videoke na tayo sa baba," pag aaya ni Anne. "Tutal 3:30 pa naman tayo pinapabalik ni Alex,"

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon