Fourteen

86 0 0
                                    

Choices

Hindi niya pa rin ako pinapansin.

Bumukas ang training room at iniluwa niyon si Loui. Pinagmasdan niya ang kabuuan nito habang naglalakad ito papunta sa station nito.

Round neck sleeveless navy blouse, black skirt and a purple high heeled wedge is enough for her to get someone's attention.

She's simple as beautiful as she is.

Kung okay sana sila ay sinabihan na niya ito. Binati nito ang lahat sa room nila maliban sa kanya. She ignored him as if he doesn't exist.

Ang sakit pala na hindi ka pansinin ng isang taong close sa yo.

Pero choice ko ito at kailangan ko itong gawin para sa kapakanan naming dalawa.

Para sa kapakanan namin ba talaga? O natatakot akong lalo pang mahulog ang loob ko sa kanya?

Pasensya ka na Loui. Sorry at kailangan kong gawin ito. Sorry kung nasaktan kita, at ito lang ang alam kong tama.

"Bahala na po kayo. Sana po ay tama ang ginagawa ko," piping panalangin niya.

Pagka-break nila ay sila lang ni Daddy Robert ang tao sa room. Bumalik kasi sila agad galing sa ground floor pagkabili ng pagkain.

Naupo siya sa tapat ni Daddy Robert.

"Dad, sa tingin mo ba, i-approach ko na si Loui? Ayoko po siyang maging kagalit."

"Napansin ko nga yan. Dalawang araw na kayong nagiiwasan. Ano bang nangyari?"

"Sinabi ko po kasi sa kanya na kailangan kong dumistansya sa kanya. Ayun, naging cold siya sa akin,"

"Pinaliwanag mo ba ang dahilan mo?"

Natahimik siya at hindi nakasagot. Lumipas ang ilang segundo bago siya kumibo. "Hindi, dad."

Tiningnan siya ni Daddy at maya maya nagsalita ito. "Kung hindi mo pinaliwanag sa kanya ang dahilan, siyempre masasaktan siya. Malay mo naman, baka maintindihan niya kung sakaling sabihin mo sa kanya,"

Tama si Daddy. Pero makaya ko kayang sabihin sa kanya yun? E ako nga sa sarili ko, hindi ko maamin.

Bumukas ang pinto at sunod sunod na pumasok sina Lucas, Anne, Cyril, Jaycee, Alain, Peter at Nicka. Maya maya rin ay dumating na rin si Mommy Jane at Sarah. Huling dumating si Loui.

"Hi, Dad. Good morning po."

"Hi, Loui. Good morning, din."

Hinintay niyang pansinin siya nito. Pero hindi siya kinibo nito. Bumaling sa kanya si Daddy Robert at bumulong.

"Wag ka munang magtangkang kausapin siya. Kita mo ngayon, lahat pinansin niya maliban sayo. Mukhang masama pa din ang loob niya,"

Tama si Dad. Mukhang mahihirapan akong suyuin siya.

Naupo sila sa kanya kanyang station hanggang sa mag lunch time na. Sila na ni Daddy Robert ang magkasama sa pantry.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon