Five

75 0 0
                                    

Badtrip



"Loui, magstay ka ba dito?"



Tinanong siya ni Mommy Jane kung mag stay siya sa office para mag antay ng sweldo. First payout pa naman nila ngayon at nag aabang na kaya ang ilan sa kanila ay hindi na muna uuwi.



"Hindi, 'my. Uwi na lang ako, nag aantay din kasi sila mama sa kin sa bahay. Wala na rin silang budget e."



"Ah, ganun ba? Dito na lang muna ako. Nakakapagod magbiyahe."



"Oo nga, po. Para hindi na rin kayo masyadong mahirapan. Kung hindi lang po ako inaantay sa bahay, hindi na rin po sana ako uuwi."



"O siya, sige ingat ka."



Tiningnan niya ang pera niya sa wallet. Kulan na ang pamasahe ko pauwi. Saan kaya ako hihiram nito e pare pareho kaming critical wallet day?



Sinubukan niyang magtanong kay Anne.



"Girl, may pera ka pa ba? Pwede ba akong makahiram ng 50? Kulang na kasi pamasahe ko pauwi,"



Kinapa ni Anne ang bulsa niy at dumukot siya ng pera. "Buti na lang, meron pa. Eto, hiramin mo," at inabot sa kanya nito ng 100.



"50 lang. Baka wala ka ng pera dyan,"



Ngumiti si Anne. "Sus, wag mo akong alalahanin. Ok lang ako."



"Sigurado ka?"



"Oo, di naman kasi ako uuwi. Dito din ako mag aantay ng sweldo."



"Ah, ganun. Okay, sige. Balik ko na lang to sayo mamaya. Salamat, ha?"



"Walang anuman,"



"Uwi na ako."



"Ingat."

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon