Prologue

158 0 0
                                    

Starting over



"Kailangan ko nang makahanap ng work, bff." sabi ni Loui sa bestfriend niyang si Carlene. Three years na silang magkaibigan at nagkakilala sila sa dati niyang trabaho. Naging magka teammate sila but they eventually became close and became best friends.


Hindi gaya ng iba, they've kept their communication kahit magkaiba na sila ng trabaho. Carlene works as a freelance online English tutor, while Loui is working as a call-center agent. Pero nag resign siya dahil sa boss niyang hindi niya makasundo.


["Gulat girls talaga tayo, bff no? Pag ayaw na natin, nangugulat na lang bigla kung magreresign. Haha! Pero kidding aside nga, Hindi ka pwedeng matengga ng matagal dyan,"]


"Oo nga e, hindi talaga. Bayaran na naman ng bahay namin in the next three weeks e. Hindi pwedeng wala akong pera,"


["Balik ka kaya ng Cybergate?"]


"Heck, no! At makita si Nathan doon? Wag na, hahanap ako ng ibang place na papasukan."


["Hanggang ngayon ba, e bitter ka pa rin sa kanya? Move on move on din pag may time,'']


Bruhang 'to, ako na naman ang nakita, sabi niya sa sarili. Binanggit na naman si Nate.


Jonathan Reyes, or Nate, was their ex-supervisor and manager. Malaki ang pagkakagusto niya dito at sobrang close siya dito. Dumating pa nga sa point that she thought that there was something between them, only to find out na one-sided lang pala ito.


"Sira! Hindi naman por que ayaw ko siyang makita e, Hindi pa ako nakakapag move on. Ayaw ko lang naman siyang makakasalubong sa daan, akala nya nagbago na ako ng career. Tapos, makikita nya ako doon. Maliit lang ang cybergate."


["Sabagay. Ah, alam ko na! Try mo kaya sa Triads mag apply, bff. Check mo website nila, baka may hiring sila ngayon. Di ba gusto mong pumasok don?"]


"Oo nga no, check ko nga muna website nila. Baka nga hiring sila, chance ko na yon. Buti ka pa dyan sa work mo, okay na. At least hawak mo oras mo,"


["Sabi ko nga kasi sayo, mag apply ka na ng internet. Para makapagturo ka na rin. Tama na rin yang callcenter career mo."]


"Hayaan mo, makapagstart lang ako dito, magpapakabit na rin ako ng internet."

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon